KRISTINE's POV
Nagising ako ng naramdaman ko ang sikat ng araw na naka tapat sa mukha ko idinilat ko ang mga mata ko tinignan ang paligid. Nasan ba ako?, ng maramdaman kong parang may brasong nakayakap at naka dagan sa tyan ko laking gulat ko ng makita ko isang lalaki ang katabi ko mahimbing na natutulog inisip ko ang mga nangyari kagabi. Ano bang ginawa ko bat ako nandito? Pero sumakit lang ulo ko dahil sa hangover gumalaw ang kamay bigla sa takot kong maabutan agad akong tumayo. "Aray," nakita kong may sprain pala ako pero naka bandage na, wala akong maalala ano bang nangyari kagabi. Dina ako nagpaligoy ligoy humakbang ako paalis doon.
-cut-
Nag doorbell ako sa bahay namin pagka uwi ko. Ng bumukas ito nakita kong sinalubong ako ng lola ko
"Kristine,jusko anong nangyari sayo alalang alala ako sayo san ka pumunta?"
Niyakap niya ako at tiningnan lahat ng katawan ko, "at anong nangyari sa paa mo?" Ng makita niya ito, "lola walang nangyaring masama sakin ayos lang ako,Pasensya napo kung napag alala ko kayo,"
"Wala na yun ang importante andito kana,ano kumain kana ba? Wag mo munang isipin ang tungkol dun sa kasal mo ang unahin mo muna ang sarili mo hindi siya para sayo may mas darating pa na mas ok sayo," hindi ko mapigilang maluha na naman pumatak na naman ang luha ko. "Ayos lang yan apo,"
Niyakap ako ni lola sabay haplos ng likod ko.
"Sige na maligo ka muna ipaghahanda kita ng makakain kana," Tumingin ako kay lola "sige na apo"
Umakyat narin ako papasok ng kwarto kahit pa hikahika lang yung paglakad ko pumasok akong bathroom hinubad ko ang mga suot ko Tumingin ako sa salamin sobrang namamaga yung mata ko dahil sa pag iyak binukas ko gripo umupo ako sa bathtub labas ang isang paa ko ayokong basain to dahil naka bandage to. Hindi ko mapigilang umiyak paulit ulit kong naaalala at nararamdaman ang sakit na ginawa ni naijel mahirap kalimutan at itapon ang alaala naming dalawa mula noong college pa kaming magkasintahan ang akala ko siya na ang taong makakasama ko panghabang buhay pero bakit ganon?.-cut-
Matapos akong maligo at magbihis bumaba narin ako patungo sa kusina ng makita kong doon nag hahain si lola ng mga pagkain.
"Oh,apo umupo kana ng makakain na tayo,"
Umupo ako at ganon din si lola nilagyan niya ng kanin ang plato ko.
"Kumain ka para magkaroon ka ng lakas at magpahinga ka muna wag ka munang pumasok ng trabaho ipinag paalam na kita sa school nabalitaan din naman nila ang nangyari kaya pumayag naman sila basta wag mo munang isipin ang ibang bagay unahin mo sarili mo apo alam mo naman tayong dalawa nalang mula nung mawala ang mga magulang mo." Hinawakan ko ang kamay ni lola. " maraming salamat lola sa lahat ng ginawa niyo para sakin"
"Oo naman apo,sige na kumain kana," nagsimula na kaming kumain.-two weeks later-
Matapos akong mag ayos sa umaga handa narin akong pumasok sa school at mag turo ulit pinipilit kong ayusin ang takbo ng buhay ko ayoko madala ako sa sakit ng nararamdaman ko kaya dahil naniniwala ako makaka move on din ako.
Bumaba nako para mag breakfast patungong kitchen
"Morning lola," sabay halik ko sa pisnge ni lola.
"Oh papasok kana,kaya mo na ba?" Uminom siya ng kape umupo ako sabay kain ng bread "oo naman la hindi naman pwede pabayaan ang pag tuturo ko tsaka ok narin to ibubuhos ko na lang oras ko sa pag tatrabaho," uminom ako ng kape "di kung yan ang gusto mo gawin mo Kristine,"
Tumayo ako "mm,sige na la alis nako ayokong ma late ako," hinalikan ko si lola sa pisnge "sige mag iingat ka," at umalis narin ako.
