Surpresa! 17

715 5 0
                                    

Makalipas ang ilang taon......

Isa nakong ganap na teacher uli nag tuturo nako sa kinder garten, medyo mahirap pero ini enjoy ko naman at the same time inisip ko na lang na experience ko na to para hindi ako mahirapan sa bata in the future. At si tristan naman ay isa na siyang architecture. Kanya kanya kaming may trabaho start fresh........

"Bakit ba naka simangot kana naman kristine?,tungkol na naman ba to sainyo ni tristan?"

Tanong ni georcel as usual nasa cafe kami nag chi chil matapos kaming mag shopping.

"Si tristan kasi,lately parang iniiwasan na niya ako,parang palagi siya may sariling mundo,"

"Anong ibig mong sabihin?,"

"I think may babae si tristan,"

"Ano kaba naman kristine,sigurado kaba?"

"Hindi ako sigurado pero,georcel i can feel it nag iba na siya hindi na siya tulad ng dati tapos palagi ko siyang nahuhuli na may ka text at tawag sa phone hindi ko alam kung sino,ni wala na siyang time para sakin,para samin palagi nalang siyang busy pakiramdam ko ayaw na niya sakin,di kaya nag sawa na siya? Na na realize niya hindi na niya ako mahal?."

"Well,sa sinasabi mo parang ganon na nga,pero imposible naman yun,o posible naman may iba siyang babae,o nagsawa na siya kaya nag hanap ng iba."

"See? Ayokong dumating ang araw na yun georcel,mas gugustuhin kong sabihin niya sakin na ayaw na niya kesa kami pa pero pinagtataksilan niya ako hindi ko yun matatanggap hindi ko yata kaya,"

"Ano kaba,wag mo ngang isipin yan,dapat think positive wag mo munang pangunahan yang emosyon mo,"

"Ewan Ko georcel, ewan ko,"
Mahinahon kong sabi. Sana mali ang hinala ko kay tristan. Kasi mahal ko siya..........



-cut-
Tinawagan ko si tristan ng nasa bahay nako i dial his phone number naka ilang ring tsaka niya itong sinagot.

"Hello,"-tristan

"Hello tristan,busy ka ba? Kasi,,"

"Nasa work ako, bakit?"

"Tristan,labas tayo bukas, free ka?"

"Hindi ako pwede may gagawin ako marami akong aasika suhin,"

"Am,ano nalang the day after tomorrow?,"

"Kristine,,"

"O sige wag na! Palagi ka namang busy wala ka ng oras para satin sige na magtrabaho kana! Ibaba kona to!"

"Kristine wait,ok fine the day after tomorrow labas tayo ok?,"

"Talaga?"

"Oo sige na may gagawin pako bye."

"Sige bye ingat ka i lo,,"
Tututut. Agad na niyang binaba ng di man lang pa ako natapos. I feel down bakit parang lumalamig na yata ang relasyon namin na parang ayaw na niya sakin.............





-date-
Sinundo ako ni tristan sa bahay,excited ako sa date namin ng sumakay na kami ng kotse,

"Saan tayo pupunta?"
Tanong ko.

"Saan ba gusto mo?"

"Gusto ko sanang mag out of town tayo,"

"Kristine,alam mo naman busy ako marami pa akong aasikasuhin sa opisina hindi ko pwede basta basta nalang mag leave,"

"Pero tristan,wala ka ng time para satin palagi ka nalang busy madami pa namang staff sa opisina nyo diba? Hindi naman pwede palaging ikaw nalang nag aayos ng gulo sa opisina,"

Tayo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon