Ang unang pagtatagpo 03

1.1K 7 0
                                        

Ng marinig ko ang boses Lalaki inangat ko ang mukha ko para makita siya.
Isang binatang lalaki gwapo makisig na nakatingin sakin at nakangiti labas ang dimple niya, "Miss," alok niyang tulong sakin,
"Oo sana, pwede ba?"  He smiled at hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pinatayo. "Aray,"
"Oh na sprain ka ata kailangan dalhin ka sa clinic," tingnan niya ang paa ko "ayos lang ako,"
"Ah,kung gusto mo aalayan kita sandali san ba patungo mo?"
Did he just drop honorifics on me? Eh obvious naman mas bata siya sakin.
"Ilakad mo na lang ako sa seven eleven mart,"
Tiningnan niya muna ako at tsaka tumayo sa gilid ko kinuha braso ko nilagay sa leeg niya at isang kamay niya ay naka palibot sa bewang ko. Aaminin ko nakaramdam ako ng kilotons
Naglakad na kami patungo dun binukas niya ang pinto at pinaupo ako dahan dahan binitawan sa upuan.
"Am,may kailangan kaba?"
"Salamat,ok nako"
"Am,,sige," palabas na sana siya ng biglang naisip pano ako tatayo sa kondisyon kong to this pain kills me
"Sandali," lumingon siya
"Can you get me some beer?"
"Oo ba,"  naglakad siya patungo sa kung saan ang mga drinks habang ako naghihintay, "eto na"
Ng ipinatong niya ang dalawang beer sa table.
"Eto yung bayad ko" inabot ko pera ko sakanya ng itinulak niya.
"Keep it binayaran kona"
Ngiti niyang sabi
"Pero,"
"Pamasahi mo na yan,"
Tinitigan ko siya saglit
"Thank you,"
"Wala yun,so pano,"
Nag wave siya at humakbang palabas. Binuksan ko ang beer at nagsimulang uminom
Sa araw nato dalawang mabuting tao na ang tumulong sakin, bakit ba kasi ang disaster ko. Pagkatapos masira ang kasal ko dahil niloko ako ng dalawang importanteng tao sa buhay ko.
Uminom nalang ako ng beer na nag iisip baka sakali mabawasan ang sakit. Ng biglang may umupo sa tabi ko nagulat ako ng makita ko siya na naman sabay lagay ng cup noodles sa table.
"Akala koba,,?"
"Nagutom ako bigla naisip ko kumain muna total andito nako,hindi naman ako siguro nakakaabala sayo,"
Nakangiti niyang sabi
"Ah,a,sige ayos lang."
Tinuloy ko na ang pag inom ng beer habang siya hinihintay maluto ang noodles niya ay nakatingin siya sakin,
"Anong pangalan mo?"
"Hmm?" Sabay taas kilay ko
"Di naman siguro masama kung tanungin ko pangalan mo diba? Ako si tristan roel, and you are?" Sabay abot ng kamay niya,
"Kristine suarez," at nag shake hands kami. Saglit lang ay nag bitiw na
"Mukhang may pinagdadaanan ka yata,"
"Hmm?" Tuloy inom ng beer
"Nakita kasi kita kanina pinag pupunit mo ang mga damit mo at namamaga ang mga mata mo,I guess runaway bride ka," kalma niyang sabi uminom lang ako hinayaan ko lang siya
"Pasensya na kung makulit ako," tinitigan ko siya saglit "hindi mo pa ba kakainin yang noodles baka ma over cooked yan,"
"Oo nga pala," dali niyang binuksan at isinubo niya ang noodles. Naamoy ko ang sarap ng bango ang cup noodles na kinakain niya,
"Gusto mo?," sabay abot niya. "No thanks,"
"Sige itatapon ko na lang,"
Tumayo siya agad kong hinawakan kamay niya.
"Wag," tiningnan niya ako ng naka ngiti at inabot sakin ang noodles,kinuha koto umupo siya ulit at nilanghap ko muna bago sumubo, mmm,sarap. Kaya wala nakong pake kumain nalang ako.
"So,Miss ilang taon kana?"
"Paniguradong mas matanda ako sayo."-kristine
"Eh,ano naman bawal ba makipag kaibigan porket mas matanda edad mo?"-tristan
"Bakit ilang taon kana?"-kristine
"20,ikaw?"-tristan
"Oh,see? Mas matanda ako sayo 25 nako,"-kristine
"Di nga?"-tristan
"Diba halata?"-kristine
"Ang ganda mo kasi,"
Ng matapos akong kumain nilagay kona ang cup sa table at uminom ng beer last gulp paubos na ang beer. "Sandali lang," sabi niya at tumayo patungo sa mga drinks nakita kong kumukuha siya ng mga beer binayaran ito sa counter at dinala patungo sa kinauupuan ko.
"I have an idea let's drink habang nag ku kwentuhan," naka ngiti niyang sabi umupo na siya binuksan ang beer binigay sakin bumukas uli siya para sakanya.
"Cheers?" Tapos nag inuman na kami.

Tayo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon