The Suitors Part 1: Aaliyah

1.7K 86 54
                                    

"Nilalaro na naman siya ng angel niya."
Sa bawat hagikgik ng sanggol nilang si Aaliyah na nasa crib nito sa loob ng kwartong nag-iisa, ito na madalas ang bukang bibig ng mag-asawang Rafael at Diana. Matandang kasabihan na ikinangingiti ng mag-asawa sa bawat araw na masaya ang kanilang sanggol kaya't wala silang nararamdamang dapat ikabahala sa masiyahin nilang anak.

Ang naging iba nga lang marahil sa sanggol ay ipinanganak niya itong imbes na pumalahaw ng iyak, ay ngiting-ngiti ito ng makita ng nagpaanak sa kaniya. At lahat sila ay kinagiliwan iyon.

"Napakaganda ng anak natin Rafael."
Madalas sa kahimbingan ng tulog ni Aaliyah naroon sa tabi niya ang mga magulang, nakabantay, punong-puno ng pagmamahal na pinagmamasdan ang anak. Pinag-aaralan sa kung kanino nakuha ang bawat parte ng kanilang anak. Kung minsan may panahong naalimpungatan ang bata pag nagsimula silang magkulitan, dahil madalas na pag-agawan nila ang features ng anak sa kung kanino talaga namana ng bata ang ilong, mata, maputi at makinis na kutis, magandang buhok, labi, height at kung ano ano pa. At sa bandang huli ay pigil ang mga tawang nagsasawayan upang muling patulugin ang bata. At iwan ito sa crib niya ng nahihimbing.

******************************************

"Happy Birthday Aaliyah! Anong ginagawa mo dito sa garden? Hinahanap ka ng mga friends mo don." Bati sa kanya ng ina niyang si Diana.

"Yes mom babalik na po ako, I will just give foods to my friend Gelo. Sige mom, I promise sunod na ko, nahihiya si Gelo e.."

"Okay baby, bilisan mo lang ha, we'll wait for you."

Nakangiti itong tumalikod sa 6 years old nang si Aaliyah.

"Oh, labas kana Gelo, here's your food."

Napahinto si Diana nang marinig niya ang anak na may kinakausap at muling sumulyap sa anak saglit, nang wala namang makita ay nagpatuloy ng bumalik sa party ng anak.

Imaginary friend. Ganon naman talaga ang mga bata. Nagsasalita mag-isa pag naglalaro. Kinakausap ang sarili sa salamin. Bahay-bahayan kausap ang manika. That's Aaliyah. Wala naman siya dapat ipangamba. Alam nilang mag-asawa lilipas din ito. Expose naman siya sa mga batang kagaya niya. Masiyahin sa school. Pero minsan nasasabi ng teacher niya na may kinakausap ito na hindi naman daw nila nakikita. At sinasabi nito na nahihiya nga raw sa ibang tao. Pero katulad ng teacher niya, ganon talaga ang mga bata pag naglalaro mag-isa.

"Daming gifts ng baby ko ah, did you enjoy your party anak?"

"Yes mommy, ang gaganda ng gifts mommy, especially my new doll house."
Pumasok siya sa loob ng doll house kasama ng new doll na regalo din sa kaniya. "I wanna play here everyday mom. Mom tomorrow papuntahin natin si Angelica ha, maglalaro kami."

Nakasilip lang si Diana sa bintana ng doll house. Tuwang-tuwa sa anak. At nagpapasalamat sa Diyos na wala siyang naging problema sa paglaki ng anak.

"Sure baby, tatawagan ko ang Tita Marina mo para pumunta ulit sila dito bukas."

"Thank you mommy." Kumiss ito kay Diana.

"Okay ka lang ba dito baby? Tutulungan ko muna si Manang Jocie ha? Iaakyat ko pa mga gifts mo na naiwan don."

"Ok, mommy."

Kinabukasan.

Pinasundo nila si Angelica upang may makalaro si Aaliyah sa bago niyang doll house.

"Angelica...would you like to meet my friend Gelo?"

"Gelo??"

"Ssshhh... 'wag ka maingay baka pumunta si mommy, magtatago na naman si Gelo eh."

The Suitors (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon