This is dedicated to my BESTFWENDS
--------------
Canteen
Jusko bakit pa ako lumingon. Kakasira ng mood. Ewan ko ba kung bakit yan naging crush ng crush ko, ang arte pala niyan! Hindi naman sa binabash ko siya ha. Baka kasi malaman ng crush ko na sinasabihan ko siya ng ganun edi maturn-off yun sakin.
Luh bahala na siya. Papunta na kami sa loob ng canteen ng makasalubong namin sina Craig Ramos yung crush ni Sofia. Nung nakita namin ay tinuro ko siya.
"Sofia oh si Craig!" sabay turo ko sa crush niya yun nga lang sa di inaasahang pangyayari ay lumingon siya sa amin nung tinuro ko siya.
Patay!
Nagtawanan kami ng nagtawanan lalo na si Sofia. Para na nga siyang kamatis e.
"Mga luka. Nakita niya!" sabi ni Sofia.
Hanggang sa makarating kami sa bilihan ng beverages ay tawa parin kami ng tawa. Natigil lang kami nung nakasalubong namin si Miss Erica.
"So kailangan sabay-sabay kayo ganun. Para kayong F4... kayo yung Flower Four! SWEAR!" ani Miss Erica.
Nagtawanan uli kami sa sinabi ng aming guro.
Hmmmmnnm. Ang ganda nga nung F4 ah.
Pagkatapos naming bumili ng inumin ay dumiretso kami sa mga pagkain. "Ate, pabili po ng dewberry!" Paulit-ulit ko ng sinasabi yun ngunit hindi parin ako pinapansin ng tindera.
Nakabili na ang lahat ako'y naroon pa rin. Ano ate, sisigaw na lang ako forever?
Pero sa wakas ay pinansin narin ako. Nang tumalikod ako ay nakita ko ang aking mga kaibigan na nag-uusap. "Ano? Tatambay tayo o balik na sa room?" sabi ko.
Oo, tama yung nabasa niyo. Palatambay kami sa canteen dahil ayaw namin sa classroom dahil maingay roon kumpara dito sa canteen. Hindi naman sa hindi maingay ang canteen pero ang classroom kase ay mas masikip sa canteen. Atsaka sa canteen rin namin nakikita yung mga crush namin.
Pumunta kami sa labas at tumungo sa extension ng canteen. "Oi si Dorang kinulang ng bangs oh." sabi ni Fiona sabay turo sa may kaliwang bahagi ng canteen.
Sabay sabay naming nilingon ang tinuro ni Fiona. Ok. I just wasted my time.
Lalo na siguro kay Sofia. Kase si Sunny ay may crush sa crush ni Sofia. Nung kinwento saamin yun ni Sofia ay agad kaming nairita.
Hindi naman sa basher ako pero kaibigan ko yung uhmm hindi naman inagawan ng crush pero malapit dun yung thought-- ah basta! Naiinis kami sakanya. "Oh ano ngayon?" Ani Sofia. Oh savage. Basta talaga pag dating sa crush niya ganyan ang inaasal niyan.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan ngunit makalipas ang ilang oras ay may namataan ako. Ay pogi!
"Hala si Levi!" sabi ko sabay pukpok sa lamesa namin. Nakita ko ang lalaking kinahuhumalingan ko kasama ang kanyang kaibigan.
Grabe pangalan palang nakakainlove na.
"Hinaan mo naman boses mo Psalm! Jusko ka" ani Alyana na para bang ikinahihiya---
"Nakakahiya ka eh" dagdag ni Alyana. Sabi ko nga.
"Sige laksan mo pa." sabi ni Sofia. Nagkunwari akong tinatawag ko si Levi with matching hand gestures pa. Pero syempre ay itinigil ko ang ginagawa at nilingon ko ang paligid dahil baka isipin ng mga tao na adik ako at baka rin may mga kakilala dito ang crush ko.
"Psalm masyado ng adik sa crush niya." sabi ni Fiona. "Atleast ako may crush at siya ang inspiration ko!" asik ko kay Fiona.
"O ano, tara Psalm lapit tayo sa kanila tas magha-hi ako." Sofia dared. "Luh. Nakakahiya!" sabi ko.
"E nahihiya ka pala. Pag kase sa ibang tao basta ka na makaturo e. Anlakas pa ng boses mo." sabi ni Alyana. Ano bang inaano niya ha. E sa nahihiya ako eh. Ngunit huli na ang lahat dahil naanod na ako sa hila ni Sofia.
"Ui Sofia. Baka mamatay ako ng maaga wag ganito." pagmamakaawa ko kay Sofia pero wala na talaga akong magagawa dahil konting lakad na lang ay malapit na kami sa kanya.
Si Sofia kase ay pinsan ng crush ko kaya kabaligtaran ko siya na hindi siya nahihiyang lumapit rito. Walang hiya rin kase siya lalo na pagdating sa mga pinsan niya.
"Levi! Levi! Aba papatayin ko to!" sigaw ni Sofia habang ako'y hindi na mapakali at masyado ng malakas ang pintig ng puso.
Tinawag ulit ito ni Sofia at lumingon siya. "Hi Levi!" sabi ni Sofia at ang tanging ginawa ni Levi ay tumango sa kaibigan ko at nakita niyo ba iyon? Yung dimples niya! Grabe! Isa yun sa mga assets na mayroon siya na nagustuhan ko. Sa madaling salita, isa iyon sa aking mga kinababaliwan.
Kung pede ko lang maabot langit ay kanina ko pa yun naabot. Harujusko. Pabalik kami ng aming lamesa ay di ko na maalis ang ngiti sa aking mga labi at patuloy na inaalala ang nangyari kanina.
"O ano tara na? Maglolocker pa ako" sabi ni Alyana.
Sinulyapan ko ang pwesto nina Levi at nang makita ko siyang paalis na ay inaya ko na agad ang aking mga kaibigan at sinabihan ko silang sundan namin sila. Habang sinusundan namin sila ay narinig kong kumakanta si Levi and hell!
Ang ganda ng boses niya! Kung sinong babaeng makakarinig neto ay mahuhumaling agad! Kaso di ako papayag nun. Di ako papayag na may magkacrush sakanyang iba ano! I am so damn possesive and obssesive kahit crush ko palang naman siya.
Nang makarating kami sa classroom ay sinalubong kami ng ingay. Kelan kaya kami tatahimik?
Inilabas ko na sa locker ang mga kailangan kong gamitin sa susunod na subject.
Hay klase na naman.
Dumating ang susunod naming guro at agad na nagpagawa ng mga written works. Nagdaan ang oras at nagpaiba iba ng teacher. Ngayon ay science class na kami.
"Okay class. Get a sheet of paper 'cause we will be having our quiz." sabi ni Ms. Melody, ang aming science teacher.
Narinig ko ang mga bulong ng aking mga kaklase senyas ng di nila pagsang-ayon sa quiz namin ngayon.
"Ano ba yan di pa naman nadidiscuss may quiz agad" sabi ni Lana.
"Di ka pa nasanay." sabi ni Carmela.
Nagsimula na ang aming quiz at nakakasakit sa ulo ang mga tanong na taglay ng quiz kaya namang nung narinig namin ang bell ay nagsaya kami.
Yes lunch na! Makikita ko na naman siya!
Lumabas na kami ng aking mga kaibigan, ay teka. Di na naman kami kompleto.
"Fiona!!" sabi ni Alyana.
Nandun na naman kase siya sa locker. Mas inuna pa ang landi eh!
"Mamaya na ang landi! Gutom na ako bilisan mo!" Dagdag pa ni Alyana.
Nang makompleto kami ay pumunta na kami sa canteen. Malapit na kami sa token booth nang...
Uh-oh
Pabitin
A/N Hi Guys!! Sorry if may mga wrong spellings diyan. Medyo minadali ko kase siya eh. Pero hope you enjoy reading😉 @/SofiaLeigh ayan na po. Thank you and Godbless!

BINABASA MO ANG
Black Magic
Roman pour Adolescents"Gusto ko lang namang magustuhan mo ako" VERY SLOW UPDATE