IgnoreBumaba ako para tulungan ang aking kapatid sa kanyang assignment. Nandun na rin pala sina Mama. Mabilis ang nangyari at nang oras na sa pag-tulog ay naghanda na ako.
Humiga na ako sa kama after kong gawin ang night routines ko.
Lumipas ang oras ngunit di parin ako dinadalaw ng antok. Muling pumasok sa aking isip yung mga iniisip ko kanina.
Hmm, pwede kaya yun. Yung maghahanap ako ng isang mahika na makakapagpagusto kay Levi sakin. Meron pa kaya nun ngayon. Masyado na kase akong nahihibang sa kanya. Nilalamon na niya yung sistema ko. Masyado na akong naaadik sakanya.
Kung sakali mang makahanap ako, maging successful kaya? Magkakagusto kaya siya sakin? Kung sakali mang magkagusto siya sakin, forever na kaya yun? Sasaya kaya ako? Sasaya kaya kami?
Masyado ng marami ang pumapasok sa isip ko at sa tingin ko ay masama na ito. Masyado ng malala ang pagkakagusto ko sakanya. Hindi ito pwede. Mamaya ay masyado ko ng binibigay ang sarili ko sakanya at hindi na ako nakapagtira para sa sarili ko tapos sa huli ako yung kawawa.
Gosh. Masyado ng advance yung isip ko pagdating sa mga ganito. Siguro iwasan ko na lang muna siya. Oo ganun nga.
Iiwasan ko na lang siya.
"Psalm, tara kain na tayo. Gutom na ako!" utas ni Alyana. Hays.
Breaktime na kase namin ngunit wala akong gana atsaka isa pa sinusubukan kong iwasan na makita si Levi kase kapag makita ko siya, sakanya na iikot ang araw ko.
"U-uhm, hindi na muna ako sasama.." ani ko.
"Huh? Bakit naman? Hindi mo makikita si Levi." sabi ni Sofia. Napapikit ako ng mariin ng marinig sakanya ang pangalan ng kanyang pinsan.
Iniiwasan ko nga diba.
Nag-isip ako ng palusot para di na nila ako pilitin pang sumama. "Ah...eh.. may g-gagawin pa a-ako e-eh. Oo. May gagaw-win pa ako." Nagkandautal-utal na ako pero di na inalintana yun at pumasok na sa loob ng classroom.
Third person's POV
Nanatiling nakatunganga ang tatlo sa labas dahil hindi sila makapaniwala sa nangyari.
Usually kase, si Psalm ang nagyayaya para pumunta sa canteen para nga makita yung crush niya pero parang iba ngayon.
Di na nila pinalipas ang oras at sinabing mamaya nalang nila iintindihin ang kaibigan.
Nang maupo na sila sa tambayan nila ay pinag-usapan nila ang kaibigang hindi sumama sa kanila sa dahilang may gagawin pa daw siya.
"Nakakapagtaka lang 'no." sabi ni Sofia. "Baket?" tanong ni Fiona.
"Kase si Psalm yung laging nagyayaya at nauuna satin pagcanteen yung pinag-uusapan." saad ni Sofia. "Malay mo may hindi natapos na assignment tas ngayon lang gagawin." paghula ni Alyana.
"Wala naman siyang pake sa assignment eh atsaka gusto niya lagi dito para makita pinsan ko." nagkatinginan sina Sofia at Fiona. "Ewan ko."
"Nakakapagtaka lang" pagtataka ni Sofia.
Nevaeh's POV
Buti naman at di na nila ako kinulit pa. Nandito ako ngayon sa classroom at pinapanood ko ang aking mga kaklaseng nagkukulitan at nag-uusap tungkol dun sa larong sikat na Mobile Legend.
Ngunit kahit ang paningin ko'y nasa kanila, lutang parin ang isip ko. Pano ba ako makakapagfocus ng ayos? Pano ba hindi mapupunta kay Levi yung isip ko? Pano ko ba ito ititigil?
Nagitla ako ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa ni sina Maxine. "Mate, ikaw ha. Lumalove life ka na! Si Janssen pala ha!" panunukso ni Lexine at eto namang si Maxine dahil biniyayaan siya ng makinis at maputing balat ay kitang kita mo agad ang pamumula ng kanyang pisngi.
See? Yung mga kaklase ko may mga lovelife na ako wala pa. Buti naman kase hindi makakabuti yang love life- love life na yan. Kagaya ngayon, sinasabi ko mang inspiration ko si Levi pero siya rin ay nagiging destruction na. Umabot na kase ako sa puntong adik na ako sa kanya.
Isa-isa nang pumasok ang mga kaklase ko at unti-unti naring umingay sa silid. Nairita ako kaya napagpasyahan kong lumabas ng classrooom. Matagal pa naman ang oras. Nag-gala ako hanggang sa napadpad ako sa quadrangle ng campus.
Umupo ako sa isang bench at tinanaw ang mga batang naglalaro sa gitna ng arawan.
Ansarap sigurong bumalik sa pagiging bata. Yung wala ka masyadong iniisip.
Nag-gagala ang aking mata at may napansin ako. Kung kelan ayaw ko siyang makita at kung kelan ako umiiwas ay saka siya nagpapakita.
Nakita ko si Levi kasama ang kaibigan niyang lalaki at papunta sa gawi ko. Tumungo ako para hindi kami mag-abot ng tingin.
Minuto ang lumipas at iniangat ko ang ulo ko pero palapit palang pala sila. Wrong move.
Hinanap ko ang kanyang mga mata at nang makita ko ito ay nagkatinginan kami. Nakita ko ang saya sa kanyang mukha. Bakit siya masaya?
Ano ba Psalm? Hindi ba pwedeng maging masaya? Wag kang masyadong assuming. Masasaktan ka lang.
Sinundan ko sila ng tingin at nang makitang palayo na sila ay umalis na rin ako. Sinundan ko sila pero bakit wala na sila?
Nilingon ko ang aking mga gilid at jusko nasa likod ko sila. Paano yun nangyari? Tinignan ko ang kaibigan ni Levi at nakatingin siya sakin habang si Levi ay may sinasabi. Natakot ako kaya umiwas ako ng tingin at binilisan ko na lang ang lakad.
Ok. That was weird.
Bumalik ako sa classroom at sinalubong ng aking mga kaibigang gulong-gulo sa aking inaakto.
Tinanong nila ako kung bakit di ako sumama kanina. Saan daw ba ako pumunta. Bakit mag-isa lang daw akong nag-gala.
Sinagot ko naman ang kanilang mga tanong at umupo na sa upuan ko. "Okay ka lang Heaven?" tanong ni Jessam. Ganun na ba ako kalutang?
Hays. "Oo, ok ako hehe." sabi ko sabay pakita ng hilaw na ngiti.
Nagsimula na ang susunod na klase at kinuha ko ang notebook ko para magtake down ng notes. Medyo naboring na ako kaya nilagay ko sa pinakalikod ng page ng notebook at nagsulat nga kung ano-ano.
Without knowing, nakita ko na lang na puro pangalan nalang ng crush ko yung nakalagay dun. Oh my god.
BINABASA MO ANG
Black Magic
Novela Juvenil"Gusto ko lang namang magustuhan mo ako" VERY SLOW UPDATE