Chapter 3

30 2 0
                                    


Love?

Chaela's POV

Uh-oh

Mayroon kaseng dalwang daan para makadaan sa token booth. Meron sa kaliwa at meron sa kanan at nung malapit na kami ay nakasalubong namin yung dorang kinulang sa bangs!

Grabe tinitignan ko palang asar na asar na ako! Pano pa kaya si Sofia.
"O ano magpapapalit kayo?" sabi ni Sofia na para bang wala siyang nakita.


Nilingon ko ang mga tao kung meron ba silang hawak na turon at nang makasilay ako ng idang estudyanteng mayhawak ng turon na nakabalot sa dahon ng saging ay sinabihan ko ang mga kaibigan at nagpapalit ng token.

Yun kase ang madalas naming kinakain pero kung hindi turon ay biscuit ang aming kinakain tuwing lunch.

Pagkatapos naming bumili ay dumiretso agad kami sa extension ng canteen. At nag-unaunahan sa mga gusto naming pwesto. Syempre dun ako uupo sa makikita ko ang crush ko.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan tungkol sa mga ginawa kanina. Usually, yun naman talaga ang ginagawa namin.

"Jusko di ko talaga kaya yung sa Science kanina!" sabi ni Alyana. Nagsipag-ayunan naman kami da kanya sinabi at nadagdagan ng nadagdagan ang aming usapan.

"Antagal naman ni Levi." saad ko.

Every breaktime and dismissal ko na lang kase yun nakikita minsan di ko pa nakikita tuwing uwian kase nauuna siya.

Hay. Hirap ng ganito pero atleast hindi ko kaklase yung crush ko kase kung kaklase ko yun ay macoconscious ako.

Walang Levi ang nagpakita kaya ako'y nalungkot nadagdagan pa ito ng galit ng makita ko si Judd Ramos. Hay naku. Maarte naman daw yan. Nalaman ko lang na maarte yan kay Sofia.

Nalaman ko lang din na naging fling yan ni Levi dahil sa sister-in-law ko ayy— I mean sa kapatid niyang si Cate. Tinanong ko kase kung may crush yung kuya niya at sinabi niyang may naging fling daw ito at si Judd Ramos nga daw iyon.

Jusko nanggigil ako nung nalaman ko yun ngunit sino nga ba ako para magalit diba. Nagkakacrush lang naman ako dun sa tao.

Lagi ko ngang sinasabi na papatayin ko ang aagaw sakanya, wala sanang umagaw sakanya ganun ganun e wala naman ako da pwesto para sabihin yun diba. Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil dun.

Tumambay kami sa canteen hanggang kami nalang yung tao dun. "Anong oras na? Baka nandun na si Miss." pag-aalala ko.

"Ok lang yan. Wala namang kaso kay Miss yun." sabi ni Alyana.

"Ok." sabi ko. Nagpatuloy ang aming kuwentuhan ng magpasya kaming lumakad na sa classroom.

Hay naku. Ang ingay parin.

As usual, maglolocker kami para sa mga susunod na subject.


FASTFORWARD>>>

"Goodbye Grade 11 students!" pagpapaalam ng prof namin.

"Salamat sa Diyos at uwian na." Ang kaso mo cleaner pala ako at iniwan pa ako nung kasama kong cleaner. "Si Antonio di manlang naglinis!" buti nalang at nagmagandang loob ang aking mga kaibigan at tinulungan ako sa paglilinis ng aming classroom na parang mga elementary students ang nagklase.

Pasulyap-sulyap rin ako sa baba ng building dahil baka paalis na si Levi. Hinihintay niya kase ang mga kaibigan niya na taga ibang section at hindi niya kaklase.

Nevaeh, alam na alam eh

Nang matapos ay umalis na kami at bumaba ng building ngunit wala na akong Levi na nakita sa ibaba. Bayae na. Makikita ko parin naman siya sa mga susunod na araw.

"Lana crush mo oh!" turo namin dun sa college student na medyo may saltik sa utak. "Yieee Jarell and Lana!! Yieee" humagalpak kami ng tawa dahil sa face expression na pinapakita niya samin. Nang makadating kami sa gate ay naghiwahiwalay na kami.

Kilala man ang aming pamilya pero feel ko parin ang pagbabyahe mag-isa pero minsan may kasama. Pinara ko ang tricycle at sinabi kung saan ako bababa.

Sabi kasi ni Papa, dapat daw matuto na akong magbyahe since I'm already a grade 11 student.

Dapat daw hindi na ako nasasanay na hatid-sundo eche eche.

Nang makarating sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking kapatid. "Antagal mo ate. Papatulong pa ako ng assignment sayo. Alam mo naman kase si Ate Lowella, busy sa life niya." ani Audri.

"Sige. Papalit lang ako." sabi ko sakanya at umakyat na sa taas. Pumasok ako sa aking kwarto at kumuha ng damit sa closet ko.

Pagkatapos magbihis ay umupo ako sa kama. Kapag ganitong mga oras ang ginagawa ko ay nagrereflect ako.

Nagrereflect ako kung ano ba yung mga nangyari kanina.

I just like remembering the moments and memories I created together with the people in my life. I like to keep those memories within my mind and my heart that's why I always try to remember the moments that I've done each day.

Hay puro na naman si Levi kanina. Pano kaya ako makakatigil sa kakaisip sakanya. Kase kanina sa school puro siya ang laman ng utak ko kahit ngayon. Para na kase siyang lason na kumakalat sa isip ko. Hindi ko na matanggal-tanggal.

Gusto ko parin siya kahit naman alam kong wala akong pag-asa sakanya. Gusto ko parin siya kahit alam kong hinding-hindi niya ako mapapansin. Umaasa parin ako kahit di naman dapat umaasa. Hay. Mahal ko na nga ata eh.

Minsan nga naiisip ko na maghanap ng mahikang kayang magpaibig sa isang tao eh para bibigyan ko siya nun tapos magugustuhan na niya rin ako! Kaso nga lang sa huli ay nabibigo ang mga isipang iyon dahil sinasabi ko sa sarili ko na hindi dapat ganun ang pagmamahal. Dahil dapat kapag nagmahal ka natural lang yung walang pilitan na nangyayari kase sa huli masasaktan ka lang.

Buti nga crush lang ito e dahil halos sa mga kaedad ko ngayon ay may mga jowa na. Para kasi sakin Study first muna.

Saka na yang pagjojowa. Crush okay pa kase walang committment e pag jowa kailangan meron. Tapos sa crush pwede ka pang mainlove ng di masyadong nasasaktan at nawawasak. Hindi rin masyadong diverted yung isip mo. And lastly, ang crush para sakin ay isang inspiration kaya nga sabi nila diba ay crush is paghanga.

Sa dami kong nabasa at napanuod na romance ay natatakot na akong sumugal sa pag-ibig. Nakakatakot kase, kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Ganun lagi yung nangyayari eh. Atsaka medyo bata pa ako para dun.

Pero mahal ko na ba siya? Sa tagal ba naman ng pagkagusto ko sakanya ay siguradong mahal ko na siya. Natatakot lang siguro akong umamin dahil nga ayaw kong masaktan.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang kapatid ko. "Hoy tutulungan mo pa ako ah!" sigaw niya.

Antagal ko na palang nagmumuni-muni.

"Ay oo nga pala. Sige susunod ako sa baba" tugon ko sakanya.






©

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon