Chapter 7

10 0 2
                                    

Bish

"Ano bang pag-uusapan natin?" kinakabahan ako ah. "Bakit parang kinakabahan ka?" hay naku Sofia. Curiousity once killed a cat. "W-wala naman hehe" tinry kong hindi maging awkward kase nakakahalata na siya.

"Matanong ko nga lang. Bakit kayo magkasabay umuwi ni Levi kahapon?" tanong ni Sofia. "Uh-eh kase nagkataon lang."

"Paanong nagkataon?"

"Eh kase natira ako nun sa classroom kase nakatulog ako sa library tapos ayun nagkita kami kasi titignan niya daw kung nandun pa yung kapatid niya o di kaya kayo ni Khail."pag-eexplain ko.

"Nakakapagtaka lang kase." sabi niya habang naglalakad kami. "Hindi ka naman nun kakausapin kase wala namang pake yun sayo at di siya kumakausap ng di niya kaclose." sabi niyang ganun. "Wag mo namang ipamukha sakin na wala siyang pake saken ok. Alam ko naman eh. Sa totoo nga lang iniiwasan ko talaga siya kaso biglang ganito yung nangyari." sabi ko.

"Basta Psalm. Binabalaan kita. Wag kang masyadong mag-assume or lumapit sa pinsan kong yun ha. Kase...ano... ano eh" aba ba't parang ayaw niyang ituloy?

"Ano Sofia?" nang makarating sa canteen ay naghanap kami ng table.

"Ano kase, nakita ko si franz, kachat si Judd.... 'Di ko rin naman sinasadyang makita yung chat nila and nakikita kong parang may feelings parin sila sa isa't isa..."

WTH.

"You can't be true. Diba nga ayaw na ni Levi sakanya?!" I exclaimed. Pinagtinginan kami ng mga taong nakapaligid sa table. "Psalm tumahimik ka nga."

"E kase naman. So wala na kong pag-asa. Yung katiting kong pag-asa kahapon biglang naging bula ganun? Putchang Levi yan ah." gosh. Nakakaiyak.

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Partida pa na hindi kame ha. Wala kaming relationship and ganito agad ako. Punyeta naman oh. Ni wala nga siyang nafifeel para sakin eh. Ako lang talaga 'tong umaasa. Nag-expect pa ko at lalo pang nag-expect dahil sa kahapon. Pero masama bang manatili at ipagpatuloy ang pagkakagusto ko sakanya? Hindi naman siguro. As long as walang ibang nadadamay ayos lang.

Hindi ko kase maintindihan tong sarili ko kung baket hindi matanggal tong feelings ko para kay Levi. Pero, wala naman sigurong masama kung ipagpapatuloy ko toh dahil naniniwala ako na kapag ipinagpatuloy ko ito.. well may chance na mapansin niya ako.. and baka sa way na 'to mawala yung feelings ko sakanya..

Hindi ko talaga kase matanggal e.

So until now, I will still like him. I will still pursue to get his attention.

"I have made my decision Sofia." I said with clarity. "What is it?"

"I will still pursue him." sabi ko. "Bahala ka Psalm. Basta binalaan kita ha. I said it beforehand para hindi ka masaktan and so you'll be aware. This is also because I'm concerned of you. Tandaan mo. Binalaan kita." sabi niya. Aww my best friend is so sweet. "Thanks for the concern." I smiled at her.

"O sya tama na ang drama. Isunod ang kainan. Yey! Kainan na!" Epal ni Alyana na kakadating lang sa pagbili ng pagkain. Hay naku kahit kelan talaga. Foodever.

Pabalik kami sa classroom and we decided to take the long way.

"Alam niyo ba si Judd, kilala yan sa batch nila kase bait-baitan amputs pero yun pala may bitch side." sabi ni Alyana. Andami netong alam pagdating sa mga ibang grade level. Marami kaseng friends and connections.

Nasa may chapel kame ng may humarang sa daan namin. Speaking of the devil bitch "Oh Good afternoon to you." sabi ng babae.

"Walang good sa afternoon kapag ikaw ang nakita." asik ni Fiona. Sinaway ko naman siya. "Oh ano Nevaeh. Nagbabait-baitan? Hindi talaga bagay sayo pangalan mo" Judd mocked. "Ha? Ako? Bait-baitan? Sa pagkakaalam ko Psalm pangalan ko hindi Judd. Atsaka what do you care ba? Hindi ko naman pinakealan yang mabaho mong pangalan ah." akala mo ikaw lang maldita dito ha. I can play bitch to those who are bitch to me.

"Aba. Kala ko mabait ka? Bakit parang mali ata sinasabi ni Levi tungkol sayo." sabi niya. What? Sinabi ni Levi sakanya na mabait ako at pinag-uusapan nila ako? Nagiging topic nila ako?

"Mabait ako sa mga mababait. Ay oo nga pala mabait ka nga pala" luging sabi ko kaya napangisi siya. Tsk so evil.

"Opps wrong word pala. Hindi ka nga pala mabait kase pakitang bait lang yan. Eww." I said. Akala mo ha. Aba si Nevaeh ata ito. Minsan maldita, minsan anghel. Di ako papatalo bleh.

Tinulungan naman ako ng mga kaibigan ko sa pamamagitan ng pagbibigay ng side comments tungkol kay Judd the biatch.

"Hmp. Why am I even talking to you? I don't speak to panget people." Aba may pagngiwi pa siyang nalalaman ah.

"Ahh. Kaya pala hindi mo kinakausap sarili mo. Panget ka kase." Pfft. Laptrip yung mukha niya parang sasabog na bulkan hahaha alam niyo yung bulkang may lumot hahahah.

"Bye sweetheart." I smiled sweetly before walking out.

Hanep yun ah! Muntik na akong maihi dun! Jusko.

Mabilis akong pumasok ng CR at sinundan naman ako ng mga kaibigan ko.

"Ang galing mo dun Nevaeh ha! Bichesa queen ka wooh! Parang nakalimutan kong banal pangalan mo. " puri ni Alyana na agad ko namang sinaway "Hoy ano ba. Wag kang maingay. Natatakot nga ako eh."

"Baket naman?" tanong nina Sofia. "E baka kase bumawi tas malala. Ayoko ng ganun ui" nakakatakot kaya. Iniisip ko palang eh. Yung bubuhusan niya ako ng tubig na may food coloring it makes me shiver. GrrRrrr.

"No worries. We are here for you." Fiona winked.

"Mas magaling ka dun" sabi ni Sofia.

"Aba don't worry resbak kami sayo" ani Alyana

Hayyyy. I am so happy to have them with me.

Palabas na ako ng may makabunggo na naman ako. Hmm. Bakit parang tuwing magc-CR na lang ako ay may makakabunggo ako. My friends gasped. Tinignan ko ang mukha ng nakabunggo ko. "Kuya Jin?"

Aba madalas na nga akong may nakakabunggo kapag ako ay nagc-cr tapos si kuya Jin pa lagi ang nakakabangga ko. Hmm

"Hi." bati niya.

"Psalm mauna na kami?" sabat ni Alyana. "Hindi teka lang. Napakilala ko na ba siya sainyo?" tanong ko sakanila.

Sabay-sabay silang umiling. "Siya si kuya Jin. Jin Malveda. Kuya sila ang mga kaibigan ko." pagpapakilala ko sakanila.

"Hello!" sabay-sabay nilang sabi. "Heaven hindi mo na ako chinat ah." nahihiya ng sabi ni Kuya Jin. Oo nga pala. "Hala. Sorry nakalimutan ko hahaha. Medyo naging busy kase eh. Alam mo na maraming assignments." I uttered. "Weh? Assignments ba talaga?" sabi ni Sofia na nasa gilid ko kaya kinurot ko siya. Kumislot lang siya sa ginawa ko.

"Ganun ba. Ngayon na lang kaya tayo magcatch-up?" tanong niya. "Ahh pwede-" naputol ang aking pagsasalita dahil kay Sofia. "Hindi pwede!" Huh?

Pinagtinginan namin siya. Anong meron sa babaeng toh? Tinotopak na naman ata? "Ha? Bakit hindi pede Sofia?" Fiona asked. "Ah a-ano kase h-hindi pede kase may m-may lakad sila ni Levi!" Sofia said with finality. "Ano?!" sabay-sabay naming angal. "Wala naman akong natatandaan ah. Atsaka never mangyayari yun like duh. So oo kuya Jin pede ako ngayon. Mamaya na lang awasan. Intayin mo ko sa gate 2. Bye!" sabi ko saka nagmamadaling hinila ang mga kaibigan.

"Pero-pero" aangal pa sana si Sofia kaso hinigit ko na siya.

Ano na naman kayang pinagsasasabi ng babaeng toh? Kala ko ba sinasabi niyang mag-ingat ako kay Levi tas ngayon tinutulak na naman niya ako sa lalaking yun.

"Psalm, ikwento mo nga uli yung Jin na yun. Naiintriga ako." sabi ni Alyana.

"Okiee"






Warning: This story is pure fiction. Any resemblance to an actual person or actual places/events are pure coincidence only.

A/N: Stay safe everyone. Always pray.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon