Sweat
"I'm home," hinila ko si Sofia sa labas ng bahay nang nabati na naming si Mama. Tumakbo na kami sa malayong gate ng bahay na parang mga bata. "Huwag kayo magpakalayo-layo ha. Psalm, call me kaagad when you feel na may sumusunod sa inyo ha. Sofia, bantayan niyo ang isa't isa." Bilin ni Mama.
"Yes po." sabay naming tugon ni Sofia. Lumabas na agad kami ng gate para pumunta sa playground ng village. Magpipicture lang ng kaunti at magkukwentuhan. Maganda kasi ang playground dito sa village namin.
Similar to the houses here in our village, they're classy and luxurious. Every place here is fancy and elegant. Ellites, politicians, famous and influential individuals kasi ang mga nakatira dito kaya naman ganuon ka-elegante ang aming village. Pinag-iingat rin kami ni Mama dahil bukod sa marami silang kalaban sa trabaho, baka pag-initan raw kami ng mga kalaban naman ng mga tao dito.
"Lima pang pose," utos ko kay Sofia. Pinakita naman niya ang sunod niyang pose at agad kong kinuhanan ito. Hindi kami nahihirapan sa pag-kuha ng pictures dahil sa aming mag-kakaibigan, kaming dalawa ang pinaka-maarte at ma-pose sa mga social media accounts sunod naman si Fiona pero hindi naman niya pinopost ang sakanya. Pinapakita niya lamang iyon sa amin. Pagkatapos namin mag-picture naupo kami sa pambatang swing. "Sure ka bang 'di na masakit puwit mo?" tanong niya. "Hindi na. Kita mo namang andami na nating nagawa diba." I said sarcastically at bumwelo na para i-ugoy ang swing.
"Is it a work of destiny?" Sofia suddenly asked. "Huh?"
"Huhtdog." Salaw niya. Mukhang binawian ako dahil ginawa ko rin iyon sa kaniya dati. "Hah, the taste of your own medicine, ei?" she giggle. I just pouted at her statement. "Anyways, yung nangyari sa inyo ni Levi, tadhana kaya ang may gawa nun?" pag-lilinaw niya sa tanong niya.
"Hoy, a-ano ba? Wa-wala pang nangyaya-yari samin ni Levi ano!" I pretended to be shocked and shielded my body. Dream on, Psalm.
"Luka ka. Hindi kasi yun. Ikaw talaga napakalaswa niyang utak mo." komento niya. "Ang ibig sabihin ko kasi ay yung nagkabungguan kayo. Sa dinami-dami ng makakabangga no siya pa. Sa tingin mo dahil sa tadhana yun? Diba sabi mo nga tadhana ang naglalapit sa inyong dalawa? Ngayon, tadhana ba yung nangyari? Totoo bang may tadhana?" Sunod-sunod niyang tanong.
Natutop ako sa mga tanong niya.
"Ewan ko. Baka? Siguro? Hindi ko alam," saad ko.
"Ang ayos mo naman kausap." Komento na naman uli niya. "E hindi ko nga kasi alam. I also don't know the concept of destiny. I have no one to blame so I turned my frustration towards destiny. Sinisi ko yun na baka pinaglalaruan lang kami, ako. Pero yung nangyari kanina, it might be a work of destiny. I don't know. We don't know. " I sighed, frustrated of the feeling I am having.
"I heard Fiona, she told you that confessing lessens the feelings. She's right but there is something that you should know." she looked at me with concerned eyes. "What is it?" I asked sabay swing ng malakas.
"When you confess, think before ahead 'cause you might regret it afterwards. I do know that it does feel light after confessing but there are circumstances talaga na confessing is a no-no. Pag-isipan mo ng mabuti if you'll do it or not. Heartbreaks nowadays are so inevitable." she explained.
"Kaya may mga tao talagang sumusugal." Napatayo naman ako sa sinabi niya. "Ha? Uy, Usapang confession lang ito. Bakit napunta sa sugal? Ayaw ko niyan! Bad yun! Bad." iling ako ng iling.
"Gaga ka. " sambit niya. Napaupo naman tuloy ako. "Ibang sugal 'to. Kailangan mong pag-isipang mabuti kung gagawin mo ba o hindi kasi napaka-crucial ng decision na ito. Hindi mo alam kung masakit o hindi ang kalalabasan. Kung masama o hindi." explain niya ulit.
BINABASA MO ANG
Black Magic
Novela Juvenil"Gusto ko lang namang magustuhan mo ako" VERY SLOW UPDATE