Fight
"Ay pusang kalabaw!" sigaw ko pero sakto lang para 'di marinig nina Sofia. "A what?" tawa ni Levi. "Bakit naman kasi nang-gugulat?" tanong ko.
"Oh. sorry. It was not my intention." pagpapaumanhin niya.
"No, it's fine. Ano palang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. "Hindi ako makatulog," he sat beside me and looked at his cousin with Craig. "'Di naman sinabi ni Cap na sila pala ng pinsan ko." he laughed. "Kahit nga samin eh, hindi rin sinabi ng pinsan mo. Grabe! I feel so betrayed!" I exclaimed.
Tumawa lang siya at tinignan ang dalampasigan. Malayo kami kina Sofia pero malapit parin sa dagat. Different kinds of emotion took over my system. Now that I am with him, I felt all those emotions that I can't even describe. Kinakabahan ako na sobrang saya na parang ewan. Alam niyo yun, yung feeling kapag kasama mo yung crush mo.
Sa sobrang saya ko malapit na akong mag-confess buti nalang at hindi ko ginawa dahil may isang babaeng tumawag sakin. "Psalm," tawag ni Sofia. Napatayo naman kami ni Levi. Panira naman 'to ng moment! "What are you doing in here?" tanong niya. "With my cousin?" dagdag niya pa.
"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" balik-tanong ko sa kaniya. "Hoy, ako unang nag-tanong kaya answer me first!" sabi niya sabay tingin sa pinsan niyang katabi ko.
"Eh kasi 'di ako makatulog eh, tapos nung bumaba ako nakabukas yung pinto. Kaya lumabas na rin ako tapos Nakita kita-" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil tinakpan ni Levi ang aking bibig. Natigilan naman ako sa ginawa niya.
"You talk too much," bulong niya. Kailangan ko lang pala magsalita ng marami eh. "Levi, ano ba! Bitawan mo nga kaibigan ko!" Hatak sakin ni Sofia. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinapatan niya lang din ako ng sama ng tingin.
"Tara na, Psalm!" Hinigit na ako ni Sofia papalayo sa kay Levi. Samantalang ako ay nakatingin lamang kay Levi. "I'm sorry," I mouthed him. Tinanguan niya lang ako at ngumisi.
Pagkadating namin sa villa namin ay agad ako binungangaan ni Sofia.
Parang may kasalanan ako ah!
"Bakit kasama mo na naman yung lalaking yun ha? Diba sinabihan na kita?! Kayo na ano?! Lapit ka ng lapit dun kahit na sinabihan na kita diba! Hindi natin alam, mamaya may girlfriend pala yung tao! Gawin ka nung laruan!" Patuyang sabi niya. Naiinis na ako ngayon, noong mga nakaraang araw kasi lagi niya akong pinaghihinalaan ng kung ano. Nakakapagod na. "Eh bakit 'di mo alam kung may girlfriend yun?! Pinsan mo diba! Pinsan! Lagi mo nalang akong pinanghihinalaan ng kung ano-ano. Pwede ba, nakakapagod na! Sinusubukan ko naman siyang iwasan eh! Tadhana lang siguro ang may gawa kaya lagi kaming nagkikita pero ikaw hindi mo man lang yun naisip!" sigaw ko at "Anong tadhana-tadhana sinasabi mo diyan ha?!"
"Sofia, simula nung sinabi mo sakin na mag-ingat ako sa pinsan mo, ginawa ko ang makakaya ko para iwasan siya. Kaya ewan ko sayo kung bakit mo ako napapag-isipan ng ganyan. Na lapit ako ng lapit kay Levi! Bahala ka, believe what you want to believe! I've had enough of this!" Sigaw ko at sabay akyat sa hagdan at saka ko lang napansin na nandun pala si Fiona. Iniwasan ko na lang muna siya dahil ayaw ko ng makipag-usap.
Pumasok ako sa kwarto ko at pasalampak na nahiga. Mabilis akong nakatulog at namalayan ko na lang na may tray sa paanan ng kama. May nakalagay na letter sa tabi nung plato. "Goodmorning Psalm! Dinalhan na kita ng breakfast mo kasi ayaw pa kitang gisingin. Mukhang pagod ka kasi eh. Anyways, kung gusto mo kaming puntahan nasa souvenir shop lang kami. Pero kung ayaw mo, punta ka nalang sa beach. We'll give you some space. Magbati na kayo ni Sofia ha. Love you, babe." - Fiona
Pagkatapos kong basahin ang letter ay kinain ko na ang pagkaing nasa breakfast tray. Mukhang binigyan nila ako ng time para mag-isip isip at mapag-isa dahil mamaya ay hindi nila palalampasin ng hindi kami nagbabati ni Sofia. Bumaba ako sa living room ng villa at wala nga talaga sila. After some time watching TV, I quickly changed outfit. I wore my two piece and covered it with my white cover up dress. I tied my hair into a messy bun and wore a cute beach hat together with sunglasses. Nag-dala rin ako ng bag na mayroong towel, phone, at camera. Lumabas ako at bumungad sakin ang isang lalaki na mukhang employee ng resort at isang golf cart. "Goodmorning Ma'am. Ako po si Kanoy at ako po ang inyong magiging personal help ngayong stay niyo dito," pagpapakilala ni Kuya. "Oh is that so, Did my friends appointed you to do this job?" I asked. "Yes po ma'am," tugon niya. "Okay, Can we head to the beach po?"
BINABASA MO ANG
Black Magic
Подростковая литература"Gusto ko lang namang magustuhan mo ako" VERY SLOW UPDATE