Pusang kalabaw
Bakit kaya nandito si Levi?
Sa pagkakatanda ko, sabi ni Craig kanina nandito raw 'sila' dahil i-cecelebrate nila yung pagkapanalo nila sa championship. Kasama kaya si Levi dun sa 'sila'? Kasama siguro siya?
Ewan ko na. Atsaka bakit ko ba iniisip 'yon? I shouldn't care about him because the more that I care, the more that I would get hurt. The more that I think of him, the more that I get hurt. I don't want to think about him anymore. I don't really want to.
Oplan: Iwasan si Levi
Mabuti nalang at hindi kami masyadong nag-usap kanina dahil nang ako'y mahulog ay tinulungan niya ako at nag-sorry. Pagkatapos nun ay umalis na siya. Kung hindi siya umalis agad ay hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin.
"Ano kayang ginagawa dito ni Levi?" tanong ni Sofia na ang tingin ay nasa akin.
Nakabalik na kami ng villa kaso sobrang sakit ng pwet ko! Dahil sa masamang pagbagsak kanina.
"Why are you looking at me?" I asked.
"May alam ka dito," hindi ito patanong. "Excuse me? Ako? May alam? Kung nag-uusap kami pede ko pang malaman," maarte kong saad.
"Malay ba naming nag-uusap kayo." Fiona nonchalantly said. Nag-agree naman sakanya ang mga shunga kong kaibigan. Nag-usap pa sila about sa pag-bangga sakin ni Levi kung aksidente daw ba yun o sinadya.
"Hah! For your information guys, kung nag-uusap kami sana alam ko kung bakit siya nandito. Kung bakit siya nandito kahit di naman natin nakita yung pamilya niya. Kung bakit nabangga niya ako and naguluhan kayo kase ako pa yong binangga. Sakto na ako yung binangga e pede naman kayo ang mabangga. Guys, Hindi. Ko. Alam!!" Medyo mataas na boses kong saad. "If you'll believe me then that's good but if you won't, hindi sana kayo maging crush ng crush n'yo!" dagdag ko sabay martsa papunta sa aking kwarto kahit na masakit parin ang aking puwitan.
Saktong pag-alis ko ay nagsi-tawanan ang mga luka kong kaibigan.
Anlakas mang-asar!
Nang makarating sa aking kwarto ay pasalampak akong humiga sa kama na natuloy sa pag-tulog.
Nagising na lang ako na medyo gabi na. Siguro mga alas-6 na. Bumaba ako sa sala ng villa ngunit wala akong nakitang kaibigan ron. Naisipan kong tignan sila sa kani-kanilang kwarto pero wala sila ron.
Naku! Ang mga kaibigan ko talaga. Umaalis ng hindi nag-sasabi. Siguro kumain ang mga iyon duon sa sinasabi nilang mukhang masarap raw na kainan na malapit lang din dito.
Susundan ko na lang sila don.
Umakyat ako sa aking kwarto at nag-bihis. Sinuot ko ang aking paboritong jogging pants na pinaresan ko ng longsleeves. Tinuck-in ko ang harap ng longsleeves sa jogging pants. Inayos ko ang bun ng aking buhok and brought my eyeglasses with me. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at nang ma-satisfy na sa aking look ay bumaba na.
Nang lumabas ako ng villa. Sinalubong ako ng konting lamig. Mabuti nalang at longsleeves ang suot ko. Dinala ko ang aking cellphone at spare key ng villa kung sakaling di ako bumalik ng kasama ang aking mga kaibigan.
Pinuntahan ko ang kainan na sinasabi ng aking mga kaibigan kanina pero di ko sila naaninag don. Saan ko na sila hahanapin ngayon?
Nag-libot ako sa katabing mga store neto kung sakaling dun sila nag-punta. May isang store akong nakita na mayroong mga librong kinaaadikan ko kung kaya't pumasok ako doon. Binati ako ng mga tindera dun. Nginitian ko naman sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/182257895-288-k656748.jpg)