Chapter 6

12 1 0
                                    


Shocked

Umuwi ako sa bahay na puro ang nangyari lang kanina ang iniisip. Gosh.

NAG-USAP BA TALAGA KAME NG CRUSH KO?! O.M.G LIKE OMG TALAGA!

Buti at nakasurvive ako! Himala pa nga ata na nakarating ako sa bahay ngayon eh. Just by thinking of the things that happened earlier makes me feel that I'm in heaven even though I am not. Kaso nga lang, natandaan ko ang sinabi ni Sofia. Mag-uusap daw kami bukas. And what is it about kaya? Bahala na.

Nagising ako sa alarm clock ko na nasa side table.

3:30 AM

Arghh! Ang aga pa! Gustuhin ko mang tumulog ay kailangan ko ng maghanda para sa school. Bumaba ako ng hagdan and napansin ko na ako palang ang gising. Kahit yung mga maids ay hindi parin gising.

I guess my alarm was too early.

Pero nevermind, dumiretso ako sa kusina to get warm water. Routine ko na kaseng uminom ng tubig every paggising ko kase I believe na by drinking water first thing in the morning, I won't have coughs or any disease connected to my throat.

It's pretty dark in here so I decided to add some more lights other than the dim lights on the sala. And I was so horrified on what I saw!

"AUDRI!" I screamed. "YOU SCARED THE HELL OUT OF ME!!" Gosh. I'm so pissed!

"Can you please lower your voice ate? I didn't know you'll be scared." she lazily said. "Bakit ba gising ka na agad ha? Mamaya pang hapon class mo diba?" tanong ko. "Well, naalimpungatan kase ako eh. Got a problem with that?" she looked at me as she put the glass on the sink. "No. Go back to your room ok." I said with full authority.

"Fine." sinabi niya bago siya umalis. Saktong pag-alis niya ay bumulaga ang isa sa mga kasama namin sa bahay.

GOSH. WHY IS EVERYBODY SCARING ME AND JUST POPPING OUT OF NO WHERE?! THEY ARE LITERALLY SCARING ME.

"Nana naman. Magkakasakit ako sa puso neto eh. Bigla-bigla kayong nasulpot." I exclaimed. "Sorry na anak. Hehe." sabi ni Nana Mercy.

Si Nana Mercy ay isa sa mga nagpalaki samin kaya sadyang kaclose ko siya. Napakabait niya! Halos lahat nga ng secrets ko alam niya. Kilalang-kilala niya ako. Ang totoong pangalan niya ay Mercidita Lopeña pero gusto niyang tawagin namin siya Mercy. Nana Mercy.

"Gusto mo bang ipaghanda na kita ng makakain?" tanong ng matanda. "Sige po Nana pero magpeprepare po muna ako for school." tugon ko. "Oh siya. Sige na. Maghanda ka na kahit sobrang aga pa. Maghahanda na ako ng almusal mo." sabi ni Nana sabay punta sa may gas stove.

Ako naman ay pumunta sa aking kwarto para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay naghanda na ako ng mga dadalhin ko later at bumaba narin matapos kong gawin iyon. And it's time to EAT! Ay kaso baka tumaba na naman ako.

Hindi naman ako katabaan pero sakto lang. Mabilis lang talaga akong tumaba kaya dapat tinitignan ko talaga ang aking mga kinakain medyo may pagkainsecure rin kase ako pagdating sa physical appearance ko..

Mag-isa lang akong kumakain ngayon dahil puro mamaya pa ang pasok nila  and it seems like byahe ako ngayon. Wala kase kaming driver. Well nung mga bata pa kami, meron kaming driver. Ayaw kase nun ni Daddy. Kilalang pamilya nga kaso nga lang ayaw ni Daddy na kasanayan namin ang pagkakaroon ng mga ganoon dahil baka masyado daw kaming maging dependent. Pumayag naman kami sa gusto niya kase para naman iyon sa ikabubuti namin and also hindi naman kami spoiled kaya ayos lang yun.

Nag-aabang na ako ng masasakyan ng biglang may bumusina at dahil sa gulat ay napatalon ako.

Gosh! When will people stop from scaring me?! Well technically, hindi naman ako yung binusinahan but you know, sa sobrang lakas niya mapapatalon ka na lang din sa gulat.

Kahit pagdating ko sa classroom ay panggugulat parin ang inabot ko like what the hell is happening today? It's so weird.

Tahimik akong naupo sa upuan ko ng daldalin ako nina Jessam. "So mamaya Heaven usap tayo about kay Vela! Baka kase may makarinig sa pag-uusapan natin!" sabi ng maganda kong kaklaseng si Jasmin A.K.A Jaja. Uhmm, pano nga ba ako nasali sa usapang toh? Ahhh. Oo nga pala! Namention ko kase sakanila na nagserve si 'Vela' sa chapel malapit samin. Sakristan kase si Vela eh. Sakristang pogi. Nagseserve kase si 'Vela' sa school church e ayun napansin ng mga kaklase kong toh. Alam niyo na attracted sa mga unusual faces.

"Ang pogi kaya ni Vela." Aba etong si Claudette ah. Gumaganern na. "Kaya nga! Like he is so pogi! Lalo na kapag nakaside view siya! Penge kanin!!" Syempre di magkakaroon ng ganitong pag-uusap kung di magsasalita si Jessam. Si Jessam na may sandamakmak na handsome men with her. "Shh na kayo. Yan na si Miss." Ayy eto namang si Alyana. Kill joy.

Hmm. Magsisimula na agad ang klase? Bat parang di ko napansin si Sofia? Absent kaya siya? Diba kakausapin niya ako? Pero ayos nga yun eh para—

Natigil ang pag-iisip ko ng dumako ang tingin ko sa mga brown eyes niyang mapanuring nakatingin sakin. Nang magtagpo ang aming tingin ay hilaw ko siyang nginitian.

Guess we'll talk later.

Binawi ko ang titig ko sakanya at kinuha ko ang kwaderno ko para mag-jutt down notes.

As usual, subject from another subject ang naging flow and then break and then class again and then now is the lunch time.

Lumabas ako ng classroom at dun ko na hinintay ang aking mga kaibigan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil ngayon kami mag-uusap ni Sofia. Di ito naganap kanina kase medyo mahaba daw kase yung pag-uusapan namin. Di niya sinabi kung tungkol saan kaya lalo akong kinabahan.

"BOO!" gulat ni Fiona. Napatalon naman ako. "Fiona naman." I grimaced. I was so shocked.

Pang-ilan na siya sa mga nanggugulat sakin!

"Baket kase ganyan yang mukha mo? Tsaka anlamig rin ng kamay mo! Anyare sayo? Di naman tayo magrerecitation ah!" pagrereklamo ng kaibigan ko.

"W-wala. T-tara n-na" utal kong sabi tsaka hinatak ang mga kaibigan para pumunta sa canteen ngunit pumiglas si Sofia.

"Nope. You are coming with me." sabi niya na nagpakilabot sa sistema ko.





©





Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon