Little sister
"Kilala ko na si Kuya Jin since grade 3 pa. Naging mas close lang kami kase pareho kaming nagvovolunteer sa church activities." I said.
"Edi childhood friends pala kayo? Nice." Alyana commented. "Ah oo tsaka sa sobrang close namin naging crush ko siya." I nonchalantly said. Nang tumingin ako sa gawi ni Sofia ay nakita kong nanlalaki ang mga mata niya. "Dati lang yun! Dati." dagdag ko.
"Ai defensive masyado?" sabi ni Fiona. "Hindi naman." angil ko
"Tara na nga. Baka malate pa tayo e." sabi ko at kinaladkad na sila.
Mabilis natapos ang klase namin at as promised, magka-catch up kami ni kuya Jin. Pinauna ko na ang aking mga kaibigan para makapag-ayos ako ng classroom tsaka may hindi pa kasi ako tapos na written work.
"Hay naku ang hirap naman nito. Mag-aayos nga muna ako ng classroom." dumiretso ako sa unahan para burahin ang mga nakasulat sa board. Inayos ko rin ang projector board at yung projector na naiwan ng guro namin.
"Naku. Etong guro naman naming ito oh." kung ano-ano pa ang mga sinabi ko at hindi ko napagtanto na may guro pala sa aking likuran. " Ms. Alcazar! DETENTION TOMORROW!" sigaw ng discipline officer. Napatalon naman ako sa kanyang sigaw.
Shit ansakit sa ears! Imagine! Nasa likod ko siya tas biglang sumigaw.
Nagsalita pa siya ng nagsalita pero wala akong marinig. Ha? Ano yun? Sorry di kita marinig. Nawalan ako ng tenga e.
Humingi na lang ako ng tawad sa guro buti nalang at nakuntento na siya dun at lumayas na.
Whew.
Pagkatapos kong magwalis ay tumungo ako sa aking upuan para tapusin ang written work na kinakailangan kong ipasa.
"Goodness gracious! Bakit pa kasi mathematical equations ang mga 'to? Ugh! This is so difficult!" I said and roughly threw the paper works.
"Angry much?" napatalon ako sa narinig kong boses. Bakit ba nag-aappear ang mga tao ng di ako aware?
"Ui kuya, ikaw pala yan, medyo mahirap lang kase eh." I laughed awkwardly. Pumasok si kuya Jin at pinulot ang mga binato kong papel. "Gusto mo bang tulungan kita?" tanong niya while handing me the papers.
"Hindi na. Nakakahiya atsaka yakang-yaka 'to noh." sabi ko.
"I insist." Holy Moly! Psalm Nevaeh may crush ka na. Bawal na yung dagdagan ok?! One is enough.
"Ah-eh sige n-na nga." utal kong sabi. "Eto oh." I handed him the paper.
Nakaupo na kami at sinimulan na niya akong turuan kung pano gawin yung equation na yun. Thank God at nakuha ko naman agad. "Ang galing mo talaga kahit kelan. Kahit nung mga bata pa tayo lagi mo na akong tinuturuan ng ganito." sabi ko sabay ngiti sakanya at ang aking mga matang parang may sariling utak ay nagtagal sa kanyang mga mata saktong tumingin rin siya sakin.
We stared at each other like for a moment. While staring at him, I saw a strange thing in his eyes. It is something that I have never seen before.
Na-awkwardan ako kung kaya't ako na ang unang bumitaw. "Tara na?" sabi ko sabay iwas ng tingin at inayos ang aking mga gamit. "Ihahatid ko pa pala 'to sa faculty." sabay taas ng mga paper works. "Ok. Let's go." Kuya Jin said at nauna ng lumabas sumunod naman ako sakanya.
Nang makalabas ako ay may nakita akong bulto ng lalaki pero di ko na kita kung sino iyon. Bakit kaya may tao pa dito? E sa pagkakaalam ko mga ganitong oras, wala ng dumadaan na estudyante dito. Napatitig ako sa pintuang pinasukan ng bulto pero nawala ito nang tawagin ako ni Kuya Jin. "Coming!" di ko na pinagkaabalahan ang misteryosong lalaki at umalis na.
