Preparation
"One, two, three and stop," ani ng choreographer. We are here in the practice room for the rehearsals on my upcoming debut. The choreographer is precise and accurate that he doesn't want us to rest unless we are perfectly synced.
Naaawa tuloy ako sa mga kasama ko dahil mukhang pagod na pagod na sila. Gusto ko na sanang patigilin ang choreographer pero natatakot ako sa kanya! He looks like he's gonna eat someone! Bakit kasi ganito ang kinuha nina Mama eh! Puro kasi baklang high-end choreographer ang ni-rerefer sa kanya pero ginawa niya lang itong designer dahil mas may taste daw ang mga ito pag dating sa fashion. Hindi naman umangal ang mga ito. Hindi naman daw masama ang hiniling ni Mama at pribilehiyo pa daw nilang gawin iyon.
My sisters, friends, some of my classmates, relatives, family friend's sons and daughters, and Levi are here. They are currently practicing the cotillion while I'm here on the side looking at them. At dahil nga si Levi ang escort ko, katabi ko siya ngayon. Matagal-tagal na kaming nag-papractice at pagpa-polish at pagpe-perfect na lang ang ginagagawa namin ngayon.
Kahit matagal na kami nagpapapractice ay mangha akong nakatingin sa mga nag-sasayaw ngayon dahil sobrang graceful ng kanilang galaw. Tila ba mga propesyonal na mag-sasayaw sila. "You look very astonished," wika ng katabi ko. Natikom tuloy ang bibig ko. "Oo eh," I grinned.
"Mamaya tayo naman ang mag-eensayo. Hindi ako magaling sumayaw ha."
"Ano ka ba? Antagal na nating nagpa-practice at nakita na kita kung paano ka sumayaw at ayos naman. Actually magaling nga eh."
"Hindi kaya."
"Sus. Pa-humble!" Tumawa naman siya sa sinabi ko. Medyo naging close na kami ni Levi dahil bukod sa magkasama kami para mag-practice lagi ay tinutulungan niya rin ako sa mga preparasyon. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan pero I should be thankful na lang dahil tinutulungan niya ako.
Minsan nga nakakalimutan kong crush ko siya dahil sa sobrang close na namin. And I'm actually proud to say that, I'm not chasing him anymore. Kung dati, nag-aala stalker ako para lang makita siya araw-araw, ngayon hindi na! I'm now a changed woman!
"Ms. Alcazar and Mr. Magpantay, kayo na next." Tawag ng choreographer sa amin. Sus, 'Di pa Ms. and Mr. Magpantay na lang, para di na kayo nahirapan Mr. choregrapher. Charrot. Hala, kakasabi ko lang na nagbago na ako tapos ganito! Omg.
Tumayo na kami ni Levi at tumungo na sa dance floor. "Now, position!" ani Choregrapher.
Levi chuckled when he placed his hand on my waist and I slightly jumped due to the skin ship. I'm sporting an Adidas joggers sweatpants and a mustard yellow long sleeved croptop paired with a white sneakers. Medyo revealed yung waist part kaya talagang nagulat ako nang hawakan ito ni Levi. Psalm naman kase, alam nang magpa-practice ngayon ito pa sinuot!
Lord, Tulungan niyo po ako! Sobrang warm ng kamay niya sa bewang ko. Feeling ko ay malulusaw ito. Natakot naman ako sa naisip kong iyon. Malulusaw yung bewang ko?!
"Game. A five, a six, a five, six, seven, and,"palakpak ng choregrapher. Nag-simula na kaming mag-sayaw ni Levi. Maayos ang sayaw niya at ako naman ay paminsan-minsan nagkakamali. Sa ikalawang pagkakataon, may kasama ng kanta. Kantyawan naman ang mga tao sa paligid. Nangunguna ang mga kaklase at kaibigan ko samantalang ang iba naman ay nakikisali lamang.
Sobra na akong nahihiya dahil sa ginagawa nila at hinihintay ko na lamang matapos ang kanta. "Eye contact naman!" Sigaw ng choreographer nang mapansing sa baba lang ako nakatingin. Mabilis ko itong sinunod at agad nag-tama ang tingin namin. Kanina pa siya nakatingin sakin at ako naman itong nakatingin lamang sa baba. His stares are hypnotic! His eyes are somewhat mysterious. Parang andaming ekspresyon ang kaniyang ipinapakita ngunit hindi ko matukoy kung ano ang mga ito. Kung hindi lang natapos agad ang kanta siguro hindi ako titigil sa kakatitig sakanya!
BINABASA MO ANG
Black Magic
Novela Juvenil"Gusto ko lang namang magustuhan mo ako" VERY SLOW UPDATE