Credits to for the cover! Thank youuu so much twinny!
---
School
Nevaeh's POV
"Ate bilisan mo naman. Malelate na naman tayo eh! Palagi na lang!" sabi ng bunso kong kapated kay ate.
Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa sasakyan namin. Duon ko sila hinintay habang binubuksan ang mga social media accounts ko. Binuksan ko ang messenger ko at nakita ko ang group chat namin magkaklase, tinatanong nila kung ano raw ba ang suot ngayon.
Tsk. Di kase mga nakikinig.
Hindi naman ako basher o judgemental lalo na pagdating sa mga kaklase ko pero may mga point talaga na maiinis ka na lang talaga sakanila. Sabi nga nila, ang mga kaklase mo ay parang pamilya mo na rin at ang pamilya hindi laging masaya. Nagkakaroon rin naman ng di pagkakaunawaan at alitan.
Malapit na kami sa school kaya ang kapatid kong grade 5 ay aligaga na sa pag-aayos. "Umayos ka nga Audri. Nakita mo na naman crush mo 'no!" sabi ko.
"Oy. Oy. Oy. Anong crush-crush yan. Ikaw Audri ha!" asik ni Mama. "Ano ba Ma, Typical lang yan sa isang estudyante. Atsaka crush lang naman di pa boyfriend pero pag may nan ligaw na Audriana kailangan mo munang dalhin yan samin!" pangangaral ni Papa.
"Opo." sagot ni Audri "E ikaw ba Psalm Nevaeh, meron ka ng crush?" tanong ni Papa habang ako ay nag-aayos ng gamit.
Ay naku. Eto na naman, ginamit na naman ang buong pangalan ko! Ayaw kong sinasabi yung buong pangalan ko kase feeling ko nagkasala ako sa nanay at tatay ko. Parang ayaw akong magkaroon ng sala eh.
Banal na banal pangalan ko, Psalm Nevaeh, Oh diba.
"Papa naman, hindi na kailangan buohin pangalan ko. Wala po pa—" natigil ang pagsasalita ko nang sumabat si Audri.
"Meron ah! Si kuya Le— aray!"
Kinurot ko ang tagiliran ni Audri dahilan para umaray siya at napatingin samin si Mama. "Psalm Nevaeh hindi mo naman dapat kinurot ang kapatid mo. Mamaya nalang tayo mag-usap diyan sa crush-crush na yan. Okay?"
"Yes ma." sabay naming tugon ni Audri. Nagpaalam na kami kina Mama at Pala dahil malelate daw si Papa sa meeting nila with someone.
"Diba sinabi ko sayo na wag mong babanggitin kina mama yung crush ko!" naiinis na ako sa kapatid ko. "E ikaw naman nagsimula! Sinabi mo na 'nakita ko yung crush ko' psh" sinabi ng kapatid ko at binilisan ang lakad niya.
"HOY AUDRI!" nagtinginan yung ibang students saken. Napalakas ata sigaw ko! Aish!
Habang papunta sa classroom ko may nakasabay akong kaklase yung kaklase kong palaging late. "Sana walang Science mamaya 'no?" sabi niya. Ayaw talaga kase namin ng science. Hindi yung subject pero yung teacher.
Well, hindi naman sa ayaw namin sakanya... Siguro yung way lang ng pagtuturo niya.
Nang makarating kami sa classroom ay nakita ko ang mga kaklase kong tutok sa kani-kanilang mga libro at ang iba naman ay nag-kukwentuhan.
Dumiretso ako sa aking upuan at ibinaba ang aking mga gamit, pumunta ako sa locker ko at kinuha ang mga kailangan ko para sa mga subjects ngayon. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaklase kong 'chismosa'.
"Nevaeh!!" hindi ko alam kung para sa kanya ay simpleng tulak lang iyon pero para sakin, pwede na akong umabot sa kabilang building dahil sa pagtulak niyang iyon. Yap, Nevaeh nga, Nevaeh ang tawag ng mga kakilala ko sakin minsan naman Heaven dahil kabaligtaran daw yun ng pangalan ko. Ang mga kaibigan ko naman, ang tawag sakin ay Psalm.
"O baket na naman, Carmela?" may chismis na naman siguro toh. "Si Dorine! May nagkakacrush sakanya dun sa dulo!" jusq. Di naman kagulat-gulat yun kase kulang na lang ay buong school magkagusto kay Dorine.
Sa ganda at talino ba naman ni Dorine plus ang bait pa! Kung lalaki nga lang ako siguro may crush narin ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ang mga tao sakanya. Di naman kase tama na ibash siya.
Tsk. People here are so toxic.
Malapit nang mag time kaya bumalik na ako sa upuan ko. "Hi Dette-Dette." simpleng bati ko sa aking katabi.
Bumukas ang unahang pinto kaya lahat kami ay tumahimik. Bumungad sa amin ang professor naming sobrang ganda. "Good morning Grade 11 students!" bati niya.
Tumayo kaming lahat as a sign of respect at malugod siyang binati. "Good morning Ms. Cabugon!"
"The?" hmm. Oo nga pala.
"The most beautiful." sabi namin.
Ngumiti ang aming guro at pinaupo na kami "Okay, you may all take your seat."
After the greetings, we did our class routine. From one hour to another, our subjects would change. Now it's time for our break.
Hinanap ng aking mga mata ang aking mga kaibigan. At nang makita ko sila ay pinuntahan ko sila at niyaya ng lumabas.
1....2....
Pero napansin kong kulang pa kami. Nandito si Sofia Villegas. Nadito na rin si Alyana Natanauan.
Aha! "Fiona Eileen Lara Tolentino! Ambagal mo" asik ko sa babaeng nasa locker niya.
Hmmm. Palibhasa nandun din yung crush niyang si Randell kaya ayun, nakipagsabayan sa paglolocker. Hashtag Fiondell.
Sana all. Hays.
Habang pababa kami ay nagkukwentuhan kami tungkol sa inungkat na topic ni Alyana. "Ang hirap naman nung topic natin kanina."
"Kaya nga! Ano bang alam naten dun. Papaquiz di naman naten alam." sabi ni Fiona. "Ah basta di na ko kasama sa inyo next school rin" sabi naman ni Sofia.
"Wag ka ngang ganyan! Tinatakot mo ako!" sabi ko kay Sofia.
Oo, natatakot ako na magkahiwa-hiwalay kami. Well, let's face the truth. May possibility talaga na magkabuwag-buwag kami sa Grade 12 kaya natatakot ako. Na baka magkahiwalay lang kame, hindi na nagkakamustahan ni wala ng pansinan. Naranasan ko na kase yun sa mga dating kaibigan ko, yung sobrang close namin pero di nagtagal ay hindi na nagpansinan.
Ayaw ko yung mangyari muli iyon.
"Nevaeh!" ayy masyado na pala akong na pre-occupied. "Ay pusa."
"Anong pusa? Nakinig mo ba yung sinasabi ko?" tanong ni Sofia. "Ha? Ang alin?" may sinasabi siya?
"Sabi ko fa." LUH ano daw?
"Fa?" tanong ko.
"Fandoooooog" ani niya. Aba. Sinasabi yun ng crush ko eh.
"Hahaha. Katawa ka naman Sofia." Note my sarcasm please. "Nasan sina Yana?" tanong ko.
"Yan kase masyadong pre-occupied! Ayun oh! Nasa token booth!" Aba kasalanan ko ba na iniisip ko ang friendship natin?
Dito sa LCCT, para makabili ka sa canteen ay kailangan mong magpapalit ng token sa token booth.
"Luh. Di ako nakapagpapalit ng token! Mamaya na nga nakakatamad." saad ko.
Nakakatamad magpapalit kase bukod sa ang haba ng pila, yung mga nasa token booth ay nakakainis. Alam mo yung dalwa na yung kamay na nag-aabang dun sa token pero imbes na sa kamay mo ilagay ay sa baba parin ilalagay. Tsk. Kaya nahaba ang pila e.
Sa wakas nakapagpalit na din sina Alyana at Fiona, feeling ko tumanda ko ng eight years eh.
Papunta na kami sa loob ng canteen nang makasalubong namin ang grupo nina Dorine. "Oi may alien" sabi ni Alyana.
"Omg nasan??" sabi ni Jaja.
Isa-isa ko silang tinignan at nung kay Carmela na ako tumingin ay nakita ko siyang may tinitignan rin sa bandang kanan ng token booth.
Tinignan ko rin ang tinitignan niya ngunit wrong move ata ang ginawa ko.
Judd Ramos....
![](https://img.wattpad.com/cover/182257895-288-k656748.jpg)