What a dayNevaeh's POV
This is too much. Tinaas ko ang kamay ko para magpaalam na pupunta ako sa CR.
"Sir Laygo" tawag ko sa aming guro at sumenyas na ako'y lalabas ng room.
Pababa ako at patuloy ko paring iniisip si Levi. Well, this is normal. Normal lang na lamunin ni levi yung utak ko pero ang di normal ay halos kagabi ko pa siya iniisip at walang minuto na di ito tumigil. Pero kahit papaano ay nakakafocus parin naman ako sa aking pag-aaral.
Nang nasa cr na ako, dumiretso ako sa lavatory at agad na naghilamos. "Kaya mo to Nevaeh. Inspiration mo siya. Inspiration. Wag mo siyang gawing destruction. Wag." paulit-ulit kong sabi kahit ako'y papalabas na.
"Kaya mo to Nevaeh. Inspiration mo siya. Inspi- OUCH!"
Medyo nawala ako sa balance pero agad ring nakabawi kaya hindi ako natumba. "Sorry. Heaven?"
Iniangat ko ang aking ulo at nakita ko si Kuya Jin. "Ikaw pala yan kuya."
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya. "Medyo masakit pero kaya naman" saad ko.
Si Kuya Jin ay nakasama ko sa pagvovolunteer as a student catechist. Well since, elementary magkakilala na kami. 3 years ang agwat namin. Senior high ako, sya naman ay college na. Close kami nun kaya sa sobrang close namin minsan ko siyang naging crush kaso di yun nagtagal kase gawa ni Levi. Nalaman ko nga ding may crush siya saken kaso sabi ko baka gawa-gawa lang yun kase mayroon ata siyang girlfriend. Di ko alam yung pangalan pero nakita ko na siya at ang maganda naman. Mas maganda parin ako. Biro lang.
"What's happening here?" Tanong ng isang professor. "Wala po" sabay
kami.Pumunta kame sa bench at nag-usap. Medyo napatagal nga eto.
Tumingin ako sa aking relo at...
OMG.
Hala! Oo nga pala. May klase pa ako.
"Kuya Jin, mauna na ako ah. May klase pa pala ako. Don't worry. We'll catch up! Chat nalang kita! Bye!" sabay takbo patungo sa classroom.
Third person's POV
Nakatingin lang si Jin sa palayong Nevaeh. Natawa siya sa naalala niyang sinabi ng dalaga.
"She still calls me Kuya. Cute." He chuckled.
Someone's POV
Si Nevaeh ba yun? Sino yung kasama niyang lalaki? Fvck Boyfriend niya ba yun? Bakit sila nagtatawanan? Diba may klase pa si Nevaeh?
Agh! Ano bang pakealam ko. Tss.
Pero..
Kailangan kong malaman kung kaano-ano niya yun.
Chaela's POV
Hingal akong pumasok sa classroom at nakita kong nagsasalita si Sir Laygo sa harap ng room. Nagdidiscuss siya about sa mga teorya kung paano nag-evolve ang mga tao. Tawa nga ng tawa ang akin mga kaklase dahil ang mga example niya ay sadya namang katuwa-tuwa.
Nagdaan ang oras at natapos ang klase. Break time na naman.
Niyaya ako ng aking mga friends at napagpasyahan kong sumama. Wala naman sigurong masama e.
Iiwas naman ako kung sakaling makita ko siya eh.
Nagpapalit ako sa token booth at bumili ng turon. Dumiretso kami sa tambayan namin.
"Psalm, bat di ka sumama kanina?" tanong ni Fiona. Eto na nga. Sinagot ko lahat ng tanong nila kanina pero ang tanong ni Fiona ngayon ang kaisa-isang tanong na hindi ko sinagot.
