Mahihilo na sa kahahanap ng name nya sa name list si Mikai. My God! Wala ata s’ya sa star section ngayong taon. Kung bakit kasi nagpabaya s’ya last year, ang hirap naman kasi mapapunta sa star section, sobrang hassle at pressured pero ngayon parang gusto nyang pagsisihan ang mga kalokohan nya noon dahil mapupunta sya sa lower section kung kelan huling taon na nila sa high school. Okay fine! Wala na syang magagawa. Ang kinakatakot lang nya e baka alispustahin sya ng mga taga-lower section. Waaah, kinakabahan talaga sya.
Unang araw sa school kaya tahimik pa ang mga classmate nya. Wapakels din sya kaya sinalpak nya ang headset sa tenga nya at naglaro nalang ng phone. Boring e..
Bahagya pa syang nagulat ng may magpalo ng stick sa mesa sa unahan. And holala! Okay, alam na nya kung sinong adviser nya. Ang survivor nya! Gusto nyang maglupasay sa sahig, kumain o matulog na lang sa bahay.
“Kelan ka pa nagtamad-tamaran, Ikai?” Nakatiklop sa harap nito ang mga braso. Sungit! Oo nga pala, public school ‘to at wala sya sa kanila, pabuhay prinsesa. Napabusangot s’ya.
“Lola naman, first day palang naman, wala pang assigned cleaners. Kaya na nila yan.” Tapos ngumiti sya sa mga kaklase. Iningusan sya nito. Daig pa matandang dalaga, teka, baka magmemenaupause na? Hihi. Napatingin sya ‘dun sa classmate nya, aba! Kaloka pinag-uusapan agad sya.
“Mamaya magbobotohan tayo. At gusto kong ipaalala sa’yo, teacher mo ‘ko dito. At ‘wag kang sakit sa ulo.” Napanguso nalang sya, tapos nun ay pinalabas na silang lahat para um-attend ng flag ceremony. Wala syang kagana gana. Ngayon nya lang naisip na sa loob ng tatlong taon nya sa star section mukhang wala syang friends. Plastican naman kasi talaga sila doon at bikod sa pagalingan, pagandahan lang ang alam nila. Kita mo naman wala nag-aalala sa kanya kung san man sya mapunta. Tamad na tamad talaga sya.
Pagkatapos ng flag ceremony ay deretso room sila. Matapos ang seating arrangement, alphabetically order ay talaga naming kinarir ng Lola nya ang unang araw ng klase! Agad-agad gusto magbotohan ng mamumuno sa klase nya.
“Anyone? Ang gusto mag-volunteer, pumunta sa unahan para maumpisahan na.” tanong nito para maumpisahan na ang botohan nila for classroom officer. Siguro dahil kakaumpisa pa lang ng klase ay medyo nagkakahiyaan pa, natuturuan e.
“Si Elispe nalang po!” utas ng isa sa mga classmate nya. Nilingon nya ang salarin. Isang lalaking buhol-buhol ang kilay! Linsyak naman oh, ginagago ba ko nito? Sya? Magsusulat at magbubura sa board para lang sa mga pangalan ng iboboto? My God!
“Anong petsa pa inaantay mo? Tumayo ka dyan at pumunta sa unahan, Ikai.” Gusto nyang itirik ang mga mata pero sa halip, ngumiti sya ng pilit sa mga classmate at saka pumunta sa unahan. Unang araw palang malas na sya ano pa kaya sa sunod? Waaah, Mama!!
“Anyone volunteer to open the table for nomination? By the way, I am Mikai Elispe.” Nakangiting sabi nya, mahirap na nakikinig ang Lola nya. May tumaas ng kamay. “Yes? Name please?”
“Isidra Miranda. I voluntarily open the table for nomination of Class President.” Utas nito.
“Thank you. The table is now open for nomination for Class President." tapos madaming nagtaasan ng kamay sa kanya. Tumawag sya ng isa yung nasa may bandang unahan. Aba! Hindi nakikinig sa kanya e.
"Name please?" tanong nya.
"Rina Coro. I nominate Rodel Mercado for President." napakunot-noo sya bago sinulat ang pangalan sa board.
"Who's Rodel?" tanong nya bago tumaas ang kamay nito. Ah! Si buhol-buhol ang kilay. "Okay." tapos nginitian nya lang. Tapos naningkit ang mata nya sa may bandang gitnang row ng mapatingin sya. Aba! Nagtetext din ito. Teka nga! "Hey there! The one whose holding a phone. Give me a shot. Who do you want to be the President?" taas-kilay nya rito. Nagsitahimikan ang mga classmate nya saka tumingin kay guy. Aba! Ang loko taas-kilay na tumingin sa kanya, bading ba 'to?
BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Teen FictionHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...