Fifteen

41 1 0
                                    

Napagkasunduan ng lahat na silang apat, si Elis, Vina and Jena ay sa kubo matutulog. At si Wilfred at Jeeno ay sa baba, may nagsisilbing kwarto rin sa ugat ng malaking punong iyon. Ang ibang kasamahan nila ay sa tent.

Napabuntong hininga sya. Nananariwa na naman ang mga ala-ala sa lugar na iyon para sa kanya. Naiilang sya, tahimik lang sila. Hindi nya alam kung paano sya makikibagay sa mga ito pagkatapos ng dinner. She didn't mean to hurt Elis but she leave her no choice.

"Look how small the bed is, girls. I guess hindi tayo kasya dyan." maarteng sabi ni Vina. "Ano ba namang place 'to? God!"

Sa tingin nya sakto lang naman ang kama para sa kanilang apat. Sanay lang siguro ito sa malaking bed. "Sige, kayo na lang dyan. Dito na lang ako sa sahig.." prisinta nya bago ngumiti sa mga ito.

Napatitig sa kanya si Jena. Umiwas na lang sya pakiramdam nya ay tutulo ang luha nya anytime sa harap nito. Nakaramdam sya ng awa para sa sarili. Hindi na sya nabibilang sa mundo ng mga ito. Malayo na ang agwat nila. Maya-maya ay nagsipwestuhan na ang mga ito. Nasa bandang gitna si Vina. Sa dalawang gilid ang bestfriends nya. Nakaharap na natutulog sa kanya si Elis.

Isang manipis na tela ang pinansapin nya sa makipot na hihigaan nya. Okay na sya roon. Sinulyapan nya ang mga ito bago napagpasyahang patayin ang ilaw at binuhay ang lampshade at saka nahiga. Tinitigan nya ang kaibigan. Miss na miss na nya ito. Ang kakulitan nito. Napahikbi sya.

"I'm so sorry.." bulong nya bago nakatulog. Hindi na nya napansin ang pagtulo ng luha ni Elis dahil ginupo na sya ng antok.

"I miss you, bes.." bulong nito.

**************************************

Kanina pa naiinis si Jeeno sa pa-cool aura ni Wilfred pero parang hindi naman naman nito pansin ang masasamang tingin nya rito. Nakakailang shots na rin sya habang ito ay nakapikit na sa kamang naroroon. Nag-uumigting ang panga nya sa presenya nito at hindi nya maintindihan yon for heavens sake!

"Boyfriend ka ba ni Mikai?" naisipan nyang itanong.

Nanatiling nakapikit ito. "Di ba ikakasal ka na? Why do you have to ask?" asik nito.

Napatiim-bagang sya. "I'm just curious kung bakit ikaw ang kasama nya, akala ko kasi si Arjay ang pinili nya."

Tumayo ito at namulsa saka nakangising humarap sa kanya. "Ang naalala ko lang five years ago ay walang Arjay na nag-alaga at nagmalasakit sa kanya.." napatigil say sa pagsalin ng alak. Kunot-noo syang napatingin dito. Pabagsak nyang inilapag ang bote.

"Ako ba pinagloloko mo, huh?" utas nya.

Nag-uuyam ang mga ngisi nito sa kanya bago nagkibit-balikat. "I'm telling the truth, man.." Nakakalalaki na ang gagong 'to. Parang sinasabi nito na mas nakakalamang ito kesa sa kanya pagdating kay Mikai.

Lumapit sya rito. Medyo matangkad sya ng kaunti saka kinuwelyuhan. "Lumugar ka.." pinanlisikan nya ito ng mga mata.

Ngumisi ito. Hindi patinag. "Easy, dude.." bago pasadlak na binitawan nya ito. Gusto nyang manuntok pero pinigilan nya ang sarili kaya lumabas sya. Sumunod ito, narinig nyang bumuntong hininga ito sa tabi nya. "Call me Wilfred. I'm Wilfred Sandoval." bago inabot nito ang kamay sa kanya pero tinitigan nya lang iyon. Tumaas ang kilay nito bago ibinulsa ang kamay. "Just don't hurt Mikai that way.." kinuwelyuhan nya ulit ito.

"Anong karapatan mong sabihin sa'ken kung ano ang mga gusto kong gawin sa kanya?" madiin pero mahinang sabi nya.

Umigting ang mga panga nito bago sya naman ang kinuwelyuhan. "Hindi mo ba alam na sa ginagawa mo, unti-unti mo syang pinapatay, huh?" madiin din pero mahinang gant nito sa kanya. Napakunot-noo sya bago pabalibag na itinulak ito. Napaupo ito sa damuhan pero hindi agad tumayo.

My Rebound BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon