Pabalik-balik si Jeeno sa pasilyong iyon. Tahimik namang umiiyak si Jena at Elis. Nagpasyang umuwi na si Vina sa sobrang takot. Kasalukuyang nasa emergency room si Mikai at chinecheck. Andon din si Wilfred bilang doktor nito. Gusto nyang mangilabot. Nakailang lunok na sya pero hindi sya maubos-ubusan ng laway. Halo-halong pangamba ang nararamdaman nya. Punom-puno sya ng takot.
"She loves you, Kuya.." hagulgol ni Elis.
Napaiyak sya. Nasabunutan nya ang sarili. Bakit ba ang tanga nya? Hindi nya man lang nya ito pinag-explain. Anong klaseng tao sya?
Isa pang nagpapagulo sa isip nya ay kung paano ito nagkasakit sa puso.
Gustong-gusto nyang maghumiyaw.
Doon humahangos na dumating ang parents ni Mikai.
"Where's my daughter? What happened?" umiiyak na tanong ng Ginang. "Elis?" umiiyak lang si Elis. Tapos nanlalaki ang mga matang sumulyap ito sa kanya. Galit ba ang naaninag nya doon?
Lumapit ito sa kanya tapos ay sinampal sya ng napakalakas. Pakiramdam nya ay tumabingi ang mukha nya sa lakas noon. Narinig nyang suminghap sina Jena at Elis.
Umiling-iling ang Ginang. Taas-baba ang dibdib nito. "It happened five years ago dahil sayo! And now, mangyayari ulit to na ikaw pa rin ang dahilan?" Humahagulgol na hiyaw nito. "May balak ka bang patayin ang anak ko, Jeeno?" Sigaw nito. "How could you do this to us? Alam mo bang.."sumigok ito. "Alam mo bang naaksidente sya five years ago para lang puntahan ka sa letseng lugar na yon." pinagsusuntok sya nito habang humahagulgol. Gulat silang lahat sa sinabi nito. "Kahit hinang-hina sya Jeeno, pinuntahan ka nya don! Tumakas sya ng hospital para puntahan ka don!" hinawakan ito ng Papa ni Mikai na nooy walang patid din ang pag-iyak. "Nagdedeliryo't mamatay na sya't lahat ikaw pa rin ang tinatawag nya! Nacomatose na sya't lahat ng limang buwan paggising nya.. ikaw pa rin ang hinahanap nya! Ang tinatawag nya! Nasan ka ng mga panahon na yon? Wala kang puso.." hinimatay ito. Agad namang inalalayan ng mga nurse doon at sinamahan din ito ni Mr. Elispe.
Napaiyak sya ng todo. Naalala nyang may tumawag sa kanya noon pero isang kumpulan ng tao ang nakita nya paglingon nya. Si Mikai yon? Ang tanga-tanga nya. Ni hindi man lang syang nag-abalang tignan kung anong pinagkakaguluhan noon dahil sa pagiging makasarili nya. Sh*t! Diyatat kasalan pa nya kapag lumala si Mikai. Sobrang pinahirapan nya ito. Naikuyom nya ang mga kamao. Galit na galit sya sa sarili nya. Nag-uumigting ang galit nya. Kung maibabalik nya lang ang panahon.
Lulugo syang umalis doon sa kinatatayuan hindi na nya pinansin ang tawag ng mga pinsan nya. Ang sakit-sakit para sa kanya. Bakit hindi nya nalaman agad, bakit hinayaan pang pahirapan nya pati kalooban nito? Napatigil sya ng madaanan ang isang chappel sa hospital na iyon.
Dahan-dahan syang pumasok. Wala syang pakialam kung hilam sa luha ang mga mata nya. Kailangang-kailangan nyang manawagan ngayon. Wala na syang ibang malalapitan pa.
*********************
"Kuya.." isang mahinang tapik sa pisngi ang naramdaman nya. Namulatan nya si Elis at Jena.
"How's Ikai?" tanong nya sa mga ito.
Para syang nabunutan ng tinik ng ngumiti ang mga ito. "She is okay now, Kuya. No harm done. She only needs rest.." sabi ni Jena sa namamalat na boses.
"Hindi tayo makakabisita ngayon, Kuya. She badly needs rest sabi ni Doc Wilfred.." si Elis.
Tumango lang sya bago tumayo na at saka panatag na umalis. Wala syang lakas ng loob na humarap sa dalaga. She doesn't deserve a jerk like him. Tama si Wilfred wala pa sa kalingkingan ng sakripisyo ni Mikai sa kanya ang nagawa nito para patunayang mahal sya nito. He doesn't deserve happiness.
************************
Mabilis lumipas ang isang linggo. Nakauwi na rin sya ng bahay at sobrang pahinga na ang nagawa nya. Inam ang hingi ng sorry sa kanya ni Jena at Elis. Araw-araw nandoon ang mga ito at bumabawi sa mga panahong hindi sila nagkasama-sama.
"Hay nako, friendships! Nakakainis talaga yung doctor na yon. Palagi syang nakaingos sa'ken tapos akala naman nya palagi kitang aawayin." Inis na sabi ni Jena na pinapatungkulan si Wilfred.
Natawa sila ni Elis. Ang sama ng tingin nito kay Elis na nooy nagpipigil ng humagikhik. "Sige ka Jen, baka ikaw ang makatuluyan ni Wil.." biro nya.
Jena rolled her eyes. "Duh! Never!"
"As if naman papatol din ako sa maarteng kagaya mo. Wag ka ngang mag-ambisyon.." sabi ni Wilfred na nooy kakapasok lang ng bahay at bumisita sa kanya.
Humagalpak ng tawa si Elis. Nagpipigil na lang din sya kasi pikon na si Jena.
Bumaling sa kanya si Wilfred. "Sure kang okay ka lang dito? Hindi ka ba..?" tapos ngumisi ito kay Jena. Halatang natutuwang makitang nag-uusok ang mga ilong ng kaibigan nya. Hmm, bagay sila.
"Bat di mo ituloy? Gagong to. Napakasama ng ugali." ingos ni Jen.
Ngumisi ito. "The last time I check saviour ako ni Mikai.. e ikaw?" bumalatay ang sakit sa mukha ni Jena.
"Enough of that guys. Kayo talaga. Past is past okay? Get over with it." awat nya. "Ikaw talaga, Wil.." nagkibit balikat lang ito. "Hay.. nakaka-stress kayo.." arte nya saka hinawakan kuno ang sintido.
"Huh? Naku bes.." tarantang sabi ni Elis. Pati si Jena ay ganun din. See?
"Mai-stress ako lalo pag binutbot nyo pa ang nakaraan.. My God.." sabi nya. Gusto nyang matawa sa hitsura ng dalawang hindi na maipinta.
Namewang si Jena. "Inaartehan mo ata kami e?"
"Oo ikaw lang naman ang slow dito.. Hindi mo magets agad.." haha yan na naman ang mga mata ni Jena kay Wilfred.
"Ikaw lalaki ka namumuro ka na e! Kinakausap ba kita?" inis ni Jena.
"Never naman ako tumingin sayo, So, baka hindi ikaw ang kausap ko.." pang-iinis pa ni Wilfred. "Papansin ka lang e. Siguro, crush mo ko.." ngisi ni Wilfred dito bago taas-baba pa ang noo nito na nakatingin kay Jena.
Napailing na lang sila ni Elis. Umalis na lang sila doon at saka dumeretso ng garden dahil porsyor ay hindi pa.matatapos ang mga ito sa pag-aasaran. Pikon kasi itong si Jena, mehehe!

BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Fiksi RemajaHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...