Four

66 1 0
                                    

College life. Tulad nung high school ay isa lang din ang naging kaibigan nya. Si Elis Cardoval. Pinakilala na nya rin ito kay Jena ng minsan nasa bahay nila ito at magkausap sila sa skype. Ganun pa rin sya, pansinin sa kakaibang ugali nya. Parang wala lang. Sa kursong Marketing Management ay third year college na sya.

Doon sya nag-umpisang ma-inlove. Nakilala nya ito ng minsan nag-mall sya at hindi malaman ang gagawin sa dami ng shopping bags nya. Tinulungan sya nito. Si Arjay Velas. Engineering graduate at kasalukuyang nag-aaral for board exam. Naging close friend sila na aakalain mong magboyfriend/girlfriend sila.

"Rereview-hin na lang kita, ang boring mo naman kasi kasama, ganun ba 'ko kapangit para yan lang lagi pagtuunan mo ng pansin." ingos nya rito. Kasalukuyan silang nasa isang park. Nasa picnic groove sila at nakaupo, habang ito ay abala sa pagrereview, sya naman ay bored na bored na.

Tumawa ito. "Okay, I'm sorry.." tapos ginulo nito ang buhok.

"Until now ba, hindi pa rin kayo nagkakausap ng ex mo? It's been what? 7 or 8 months? Or 1 year?" naisipan nyang itanong. Nakita nyang bahagyang natigilan ito at umilap ang mga mata pero nakangiti ito sa kanya.

"Past is past, Parekoy. Matagal na 'yon." naikwento kasi nito sa kanya ang ex girlfriend umano nito na nang-iwan sa kanya at ipinagpalit sya sa ibang guy.

Pero bakit pakiramdam nya, hindi pa rin ito nakakamove-on kahit ang palagi ang sabi nito sa kanya ay okay na sya. Ang sakit talaga sa pakiramdam nya. Pakiramdam nya kasi gustong gusto na nya ito.

"Tara, nuod na lang tayo ng sine." tumango na lang sya at tumayo bago sumunod dito. Nababahala talaga sya.

Gan'on palagi sila, ayon palagi ang past time nila. Manood ng sine at magdate na parang magjowa. Not until one day na dumating ang kinakatakutan nya.

"Miks, gala tayo. Wala daw si Ma'am today." aya ni Elis sa kanya.

"Ah sige, ayusin ko lang books ko, punta muna tayong locker room."

Pagkatapos ay deretso mall na sila ni Elis. Sa kainan agad ang tungo nilang dalawa ni Elis. Bahagya pa syang napatda ng makita si Arjay. May ibang kasama at sobrang sweet sa isa't-isa. Bakit, parang wala namang naikukwento sa kanya si Arjay? Gusto nya sanang lapitan ito pero kasama nya si Elis. Hindi naman nya kasi naikwento kay Elis si Arjay.

Tamilmil sya habang kumakain at panaka-nakang nakasulyap sa bandang gitna ng kainan. Sobrang swwet talaga ng dalawa at ramdam nyang pinipiga ang puso nya sa sobrang sakit.

"Are you okay?" pansin ni Elis sa kanya.

Bahagyang nagulat sya sa tanong ni Elis. Nakalimutan na nya ang kaibigan. "Ah, Oo.." tapos ay deretso ang kain nya. Pagtingin nya sa kina Arjay ay wala na doon ang lalaki. Hindi nya maiwasang malungkot.

Nang araw na yon ay pinagbigyan nya lang si Elis, tamad na tamad na sya. Nawalan na sya ng gana. Mas gusto nya pang umuwi na lang at magmukmok sa nakita. Pakiramdam nya maiiyak sya anytime pero inisip nya ang iisipin ni Elis.

*********************************************

Tunog ng cellphone ang nagpagising sa kanya ng araw na iyon. Sabado noon at wala syang klase. Papungas-pungas syang bumangon para hanapin ang tumutunog na aparato. Pang-abala naman kasi, kasarapan ng tulog nya.

"--ello?" malat ang boses na tanong nya sa kabilang linya.

"Parekoy, bangon ka na. Gala tayo. Free ako the whole day!"

"Arrg! Velas! Nanggising ka dahil lang dyan?!" narinig nyang tumawa ito. "Nakakainis ka."

"Sige na. Nood tayo sine, showing na Insidous II. Hurry up! On the way na'ko sa mall."

My Rebound BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon