Hindi na maipinta ang mukha ni Mikai sa kaantay kung ano na bang mangyayari sa gabing 'yon. Mas gusto nya pang matulog na lang kaysa mag-aksaya ng panahon sa kakornihan na 'yon.
"Friend! 'Wag ka ngang byernes santo dyan!" sigaw ni Jena sa kanya. Nasa may bandang sulok kasi sya ng hall na 'yon at talaga namang bored na bored sya. Nginitian nya lang ito.
Maya-maya ay nagsalita ang emcee para sa kalokohan na 'yon.
"Good evening, Ladies aand gentlemen. May I have your attention please." utas nito.Pinapanood nya lang ang mga kaklase at kaibigan nya. May ibang guest din na nakilahok doon ng gabing iyon. "Etong gabi na'to ay sisiguraduhin kong mag-eenjoy kayo lalo na sa mga hopeless romantic na nagkalat sa paligid natin." sabi nito. Nagsigawan ang mga tao doon. Excited sila. "Gusto nyong malaman kung bakit?" Umoo naman ang paligid. "Okay, this is the game. Lahat ng tao dito sa loob ay kasali. Walang exception."
"Ano ba yan ayaw pa kasi sabihin, nambibitin e." narinig nyang komosyon sa paligid. 'Tong si ate ayaw makaantay.
"Okay, we're gonna switch off the light. Lahat ng lalaki dito ay hahanap ng partner nila. Hahanap ang mga lalaki ng babaeng magugustuhan nila sa loob ng hall na'to at iki-kiss nila." sigawan ang mga lalaki. Maging ang mga classmate nya ay halatang naaaliw. Ano namang sense ng game na'to? "Sa loob ng dalawang minuto ay dapat may partner na ang bawat isa. "Okay, bibilang ako ng tatlo bago mag-switch off ang lahat."
Pagtapos nito bumilang ng tatlo ay namatay ang ilaw. Nagdilim ang paligid. Sobrang dilim as in walang makikita maski anong liwanag. May nasagi syang isang upuan, mauupo sana sya ng biglang may bumaltak sa braso nya at namalayan na lamang nya na may humahalik sa kanya. My God! Sa sobrang pagkagulat nya ay hindi na sya nakapagprotesta, para syang tuod doon habang may humahalik sa kanya. Damang-dama nya ang lambot ng labi nito habang ang isang kamay ng pangahas na ito ay nasa batok nya at isa ay nakapulupot sa bewang nya. Itutulak na nya sana ito pero ito ang kusang tumigil. Habol nya ang hininga sa ginawa nito, bago nya naramdamang may kung anong inilagay ito sa kamay nya.
Biglang nagbukas ang ilaw. Awtomatikong lumiwanag ang paligid, pero ni anong bakas ng pangahas na humalik sa kanya ay wala syang nakita. Nakanganga syang tumingin sa paligid pero ang lahat ay busy sa mga kaharap nila, sa mga partner nila. Darn! It should be her most memorable first kiss right at that sick kind of game pero bakit feeling nya ay napaka-romantic noon. Gusto nyang magpapadyak sa inis. Ang daya naman! Bakit iniwan sya neto sa ere. Ganun na lang ba yun pagkatapos sya nakawan ng halik?
Napatingin sya sa hawak na nilagay ng lalaki. A shell? Aanhin naman nya yun? Ang weird naman ng lalaking yon.
Nagtuloy-tuloy pa ang laro pero hindi na nya maintindihan ang nangyayari. Maiiyak na sya sa sobrang frustration. Gusto na nyang matulog at kalimutan na lang ang nangyari pero paano naman?
Nang gabing iyon ay talagang masayang-masaya ang mga kaibigan nya. May mga nakilala kasi silang bago doon katulad na lang ni Cathy na mukhang na love-at-first-kiss sa nakapartner nya para sa gabing 'yon. Pero sya? Ninakawan na sya ng first kiss iniwan pa sya sa ere. Kaimbyerna.
***************************************************
Lumipas pa ang mga araw at buwan. Nalalapit na ang graduation nila kaya busy na ang lahat. Hindi nya makalimutan ang gabibg yon. Pakiramdam nya nainlove sya sa isang estranghero. Kaya ginawa nyang necklace ang shell na binigay nito sa kanya. Iyon ang nagsisilbing lucky charm nya.
"Okay, since huling taon nyo na sa high school gusto kong marinig ang mga mensahe nyo sa isa't-isa." Ano na naman kayang kaeng-engan 'to ng Lola nya? "Bakit hindi natin umpisahan sa President na'tin?" nakangiting sabi nito. Nagsigawan ang mga classmate nya.
"Oy, tigilan nyo ko huh!" utas nya sa mga ito.
"Sige na, Mikai! Marinig man lang namin ang makabagbag damdaming mensahe mo." tapos nagtawanan ang mga ito.
"Hoy ikaw, buhol-buhol ang kilay! Unang klase palang namumuro ka na saken huh!" hiyaw nya na lalong nagtawanan ang mga ito sa landas nya rito. Simula kasi noon na tinawag nya ito sa ganung landas ay ginaya na ng mga classmate nya. Naging sentro tuloy ito ng bully pero sport naman 'to parang wala lang sa kanya.
"Mikai!" Shemay! 'Tong Lola nya maibabaon nya agad sa lupa ng 'di pa panahon. Tapos tumayo sya sa unahan. Wala syang choice e.
It takes a minute bago huminga sya ng malalim at nagsalita. First time 'to, wala syang kasweet-sweet sa katawan e. "Ahmm, I just.." lumunok sya bago nagpatuloy. "I just wanna say thank you, sa inyong lahat. Thank you sa pagtanggap. Alam naman nating lahat na galing ako sa star section sa loob ng tatlong taon ko sa high school, at alam nyo ba.." nakita nyang umiiyak na ang mga classmate nya lalo na si Jena. "Alam nyo ba, this is the most memorable year for me, with you guys." Pinipigilan nyang mapaiyak. "Doon pa lang sa pagboto nyo sa'ken bilang Class President nyo, you really impress me, kasi pinagkatiwalaan nyo agad ako, pero sana natupad naman ang mga pangako ko senyo na sama-sama tayo sa kalokohan." nagtawanan ang mga ito. "I want to say thank you kay Jen, she's my first real friend. And lastly, gusto kong magthank you kay Lola." tapos nilapitan nya ito at hinalikan na kasalukuyang umiiyak rin. Palakpakan ang mga ito may ibang nag-thank you rin sa guro nila.
'Saken, di ka magte-thank you? Ako kaya nagnominate sa'yo!" singit ni Jeeno. Tawanan ang mga classmate nya pero sinamaan nya lang ito ng tingin. "Your welcome." tapos kinindatan sya. Talaga namang pinipikon sya ng kupal na'to.
Doon natapos ang highschool life nya. Matapos ang graduation ay wala na syang balita sa mga classmate nya, minsan nakikibalita naman sya, yung iba nag-aaral din katulad nya, yung iba nagsipag-asawa na, yung iba nagtatrabaho na. Si Jena naman ay sa ibang bansa nag-aral kagaya ng gusto ng Ate nya at minsan lang din sila nagkakausap through skype. Kwentuhang madalas at kung pa'no nila namimis ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Teen FictionHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...