Malayo pa lang ay natatanaw na nya ang mga high school friends nya. She miss them. Sabik na sabik na sya. Nagpareserve ang mga ito ng isang cottage sa para sa kanila dahil kakaunti naman ang aattend. Nagkaayaan lang. Nakangiti syang lumapit sa mga ito.
"Ahm, dito ba 'yung reservation ng section Emerald?" gusto nyang matawa sa expression nang mga 'to. Ang mga loko parang gulat na gulat. "Alam kong artistahin ako." tapos tumawa sya. Nagdambahan ang mga ito sa kanya. Halos ipagtulakan sya ng mga ito. Tawa lang ng sya ng tawa tapos umiiyak sa sobrang saya.
"Waah!! Ikai!!!" sigawan sila. "Ms. President..."
"Miss na miss ka na namin." si Cathy. "Ang ganda-ganda mo ngayon." puri nito sa kanya.
"Namiss ko kayo.." sabi nya bago isa-isang niyakap ang mga ito habang umiiyak sya. Para syang nakahanap ng kakampi sa mga ito. Kulang nga sila mukhang nasa kinse lang sila at sakto lang ang room na kinuha ng mga ito para sa kanila. Sa isang sulok ay nakita nya si Jeeno, nakangiti sa kanya, aba may kalandian pa rin. Kalandian si? Teka, si Isidra ata yon. Napailing na lang sya, walang kakupas-kupas. Pumasok sila sa loob at naupo sa kama. Walang ampat ang kwentuhan. Habang ang iba ay bumalik sa iniihaw nila at ang ibang lalaki ay nag-iinuman na.
"Sayang wala si Jena." Oo nga. Nakausap nya ito sa skype hindi na ito makaka-attend.
"Oo, busy yun e." nakangiting sagot nya. "Kamusta na kayo? Anong mga course nyo?"
"HRM ako." si Cathy.
"IT saken." si Carlo, tapos may kasamang hagikhik. "Andaming fafa dun."
Tumirik ang mga mata nila. "Okay..." tapos nagtawanan na sila. Madami pa silang napagkwentuhan buong magdamag. Napuno ng halakhan ang buong gabi nya at sandali syang nakalimot sa sakit na nararamdaman. Dito, sa kanila, hindi sya bigo, walang kulang, punong-puno sya.
Nagkatulugan na sila sa ganung posisyon. Natawa sya ng makitang naghihilik na ang mga ito. Yung iba nadadaganan na nila ang isa't-isa, basta na kasi humiga ang mga lasing nyang kaklase. Napabuntong hininga sya bago napagpasyahang lumabas. Sinuot nya ang hood jacket. Medyo malamig ang gabi. Wala na rin nagsuswimming. Sarado na ang pool ng madaling-araw kaya tahimik na ang paligid.
Nakita nyang bakante ang isang bahay cottage kaya doon nya napagpasyahang umupo. Nagsisilbing liwanag nya ang buwan. Napasandal sya saka pumikit.
"Bakit gising ka pa?" halos mapatalon sya sa gulat ng may magsalita.
"My God, Jeeno. Papatayin mo ba 'ko sa gulat?" tumawa ito. "Ikaw, bakit gising ka pa?" sumandal din ito pero nakatayo, nakatingin sa malayo.
"I can't sleep.." napakunot-noo sya.
"Bakit naman?" nakita nyang ngumiti ito sa liwanag.
"Ikaw?" balik-tanong nito.
Nagkibit-balikat sya. "Ganun din.." Sa totoo lang ang weird ng pakiramdam nya ngayong gabi. Dahil ba kay Jeeno? They're friends right? Pansin nya ay tumangkad ito lalo. Gumwapo lalo. Mas naging mature ang pangangatawan at lumakas lalo ang appeal. Badboy look sya lalo ngayon. Siguro madami na itong napaiyak na babae sa campus nila.
"Hindi ka man lang tumangkad, Kai.." okay binabawi na po nya ang mga pinuri nya po dito kanina. Hindi sya gwapo, ang pangit nya! Same attitude as before.
"Grabe ka naman, tumangkad naman ako. Tumangkad ka lang siguro kaya akala mo hindi ako tumangkad." narinig nyang tumawa ito para bang aliw na aliw sa usapan nila.
"Parang ganyan pa rin naman ang height mo nung high school tayo." sabi nito.
"Lumaki lang siguro mga mata mo." ingos nya rito.
"Gwapo naman.." utas nito.
"Sinong nagsabi nan? Kailangan na nyang magsalamin." tumawa ito. Oo nga, tawa pa nga lang may dating na. My God! Ano bang nanyayari sa kanya? Erase, erase. "Nasan nga pala si Rina? Kamusta kayo after graduation?" naisipan nyang itanong, hindi kasi um-attend ang babae.
"May asawa na 'yun.." sabi nito.
"Huh?" ah kaya pala wala.
"Hindi mo alam? Panay boyfriend ka ata sa Manila e." napanguso sya.
"Ano bang malay ko di ba? Ang layo po ng San Vicente sa Manila di ba?" nakita nyang ngumisi ito sa kanya. Parang amuse na amuse sa kanya.
"Same Mikai as before huh?" umirap lang sya rito kahit di nya alam kung nakita nito iyon.
"Tulog na'ko, di ka pa ba matutulog?" sabi na lang nya.
"Sige mauna ka na.." sagot nito. Sinulyapan nya muna ito, ngumiti ito sa kanya bago sya umalis. ang lamlam ng mga matang tumitingin sa kanya. Kakaibang ngiti? Weird.
***********************************************
Pagkatapos ng masasayang oras kasama ang mga dating kaklase ay bumalik na sya ng Manila. Lumipas pa ang mga araw at sobrang busy na sya. Panay projects, movies echos, shooting echos, may baby thesis na rin sila at kung anu-ano. Hindi na nya namamalayan ang bawat sandali. Gusto nyang maging busy araw-araw ang oras nya para pagdating sa bahay ay matutulog na lang sya at hindi na mag-iisip pa pero syempre minsan hindi nya pa rin maiwasan maging hungkag ang pakiramdam. Pero iniiwasan na nya ang mag-isip kung maari. Nag-iba na rin sya ng facebook. Dineactivate na nya ang dati.
"Malapit na ang summer, cebu tayo friend?" si Elis. Mahilig talaga 'to mamasyal.
Ngumiti sya bago tumango. "Sige, di pa ko nakakarating 'dun e." sabi nya.
Ngumiti ito sa kanya." Waah.. Na-excite ako bigla."
"Oo, lagi ka namang excited." umirap ito sa kanya. Minsan gusto nyang makonsensya rito dahil hindi naman sya nagsasabi ng secret nya rito. Unlike Jena ay hindi naman ito mausisa pero alam nyang totoong kaibigan ito. Matagal-tagal na rin nya itong kaibigan, halos buong College year nya at masarap naman talaga ito kasama. Katulad nya ay hindi rin kasi ito palakaibigan at parang pinagtagpo talaga sila dahil kontento na sila sa isat-isa.
**********************************************
Month of May nila napagdesisyunan ang magpunta ng Cebu. One week lang sila doon at uuwi na rin. Maging sya ay excited na rin. Isang maleta ang mga inempake nya kasama ng mga personal belongings nya at isang handbag para sa personal docu nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/23411331-288-k897006.jpg)
BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Teen FictionHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...