Thirteen

36 1 0
                                    

Nag-aalalang mukha ni Wilfred ang namulatan nya. Andon na naman sya sa room na iyon. Halos pangalawang tahanan na nya ang hospital.

"Uminom ka ba ng gamot, Mik? O hindi ka rin nagtanghalian? Tell me, pinahihirapan ka ba ng boss mo?" kunot-noong usisa nito.

Umiling sya saka ngumiti rito. "Nagugutom ako.." saka lang ito bumuntong hininga. Hinawakan nya ito sa braso. Sobrang grateful talaga sya na isa ito sa sobrang nagmamalasakit sa kanya. Hindi nya alam kung pano nya ito masusuklian pa. "Wag ka na magalit sa'ken, Doc. Hindi na mauulit. Ngayon lang talaga kasi madami kaming ginagawa sa office.." mahinang sabi nya rito.

Hindi ito nagsalita. Tumayo ito at nagtungo sa may ref doon. May stock na sigurong food doon para sa kanya. Nang lumapit ito ay may dala na itong pagkain nya. Napanguso sya. "Kelan ba ko makakatikim ulit ng mga favorite dishes ko? Gustong-gusto ko nang kumain ng sinigang at beef pati chicken roasted."

Natawa sya ng sinamaan sya nito ng tingin. Para itong Kuya o Tatay nya sa sobrang pag-aalaga sa kanya.

"Alam mong bawal sayo yon bakit ba ang tigas ng ulo mo? Magtiis ka na lang sa gulay, mas safe pa.." tapos pinagbalat sya nito ng mansanas.

Matapos kumain ay pinainom sya ng gamot. Kaunting minuto pa sya nagstay doon at saka sila nagpasyang umalis.

Pagdating sa bahay ay nakita nyang nag-aalalang nag-aantay sa may gate nila ang Mama nya. Bumaba agad aya ng kotse ganun din si Wilfred. Pinakaayaw nya sa lahat ay ang mag-alala sa kanya ang mga magulang nya.

"May nangyari ba? Bakit magkasama kayo ni Doc?" tanong nito. Sumulyap ito kay Wilfred na nooy nakangiti lang.

Niyakap nya ito saka humalik. "Wala Ma.. Ikaw talaga napaparanoid ka na naman.." iwas nya.

Sinalat sya nito. "Sure ka ba? You look pale."

"Marami lang paperworks, okay lang po ako.." nakangiting sagot nya rito. Bumuntong hininga ito.

"Pasensya ka na, anak.."

"Ma.." awat nya rito. "Pag nagkulong ako sa bahay lalo ako manghihina nun gusto mo ba yun?"

Umiling ito saka nagpunas ng butil na biglang tumulo sa mata. Tapos bumaling ito sa binata.

"Doc, pasensya ka na.. Gusto mo bang pumasok muna? Magkape man lang?"

Ngumiti ito. "Naku hindi na po, Tita. Kumain na po kami ni Mikai. Hinatid ko lang po sya."

"Ganun ba? Pauwi ka na rin ba?"

Tumango ito. "Sige po. Mauna na po ako.." sabi nito bago akmang bubuksan ang kotse.

"Ah Wilfred.." pigil ng Mama nya. Napatingin sya rito. Lumingon ang binata. "Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko." Inakbayan nya ito.

Ngumiti lang si Wilfred. "Ingat ka sa pagdrive." Sabi nya rito. Tumingin ito sa kanya kaya kumaway sya rito bago nito inistart ang sasakyan.

Tapos non ay pumasok na sila sa loob ng bahay. Pagdating sa kwarto ay naisip na naman nya ang mga nangyari kanina. Ang swerte ni Ma'am Vina nya. Nahiling nya na sana sya na lang ang pakakasalan ni Jeeno. Nagbukas sya ng computer. Bumulaga sa kanya ang picture nila ni Jeeno na kuha ni Elis nung nasa burol sila. Kuha iyon na nasa kubo sila na pareho silang nasa terrace at nakatingin sa sunset. Napatingin sya sa letter na ginawa ng binata sa kanya limang taon na ang nakakaraan. Oo isa ang burol na iyon sa mga lugar ng mga panahong hinahanap nya ang lalaki. Nagbaka-sakali sya na baka nagawi ito roon. Sinamahan sya ni Wilfred.

Binuklat nyang muli ang sulat. Halos saulado na nya ang nakapaloob doon.

Mikai Elispe, alam mo bang yang suot-suot mong shell ay sa'ken galing? Nakakabakla pero ang sarap sa pakiramdam na pinahalagahan mo ang gabing iyon sa resort. Siguro kasi first kiss mo yun at memorable para sayo yun. Pasensya ka na kasi iniwan kita sa ere nun kasi girlfriend ko pa nun si Rina. Gandang-ganda ako sayo nung gabi na'yon. Naakit ako kaya nung gabing iyon ay mas pinili kong halikan ka kahit tanong ng tanong saken si Rina kung saan ako nagpunta. Tapos nung reunion gusto sana kitang i-date pero natorpe naman ako bigla. Ewan ko pero nahihiya talaga akong ayain ka. Kaya si Elis ang kinausap ko na ayain ka magbakasyon and to my surprise hindi ko naman akalain na dito ka nya dadalhin sa Cebu. Hindi na ko nagdalawang isip pa. Its now or never.

Gustong-gusto talaga kita. Gusto kong masagot kung bakit since highschool ay hindi ka mawala-wala sa sistema ko. Mahal ba kita? Kasi sa tagal na panahon hindi ko na alam baka ganun na nga. Please, be my girl..

Jeeno Lorenz

At sa tuwinay babasahin nya iyon paulit-ulit na panghihinayang ang nararamdaman nya pero ngayon sakit at pangungulila na.

Pinahid nya ang mga luha. Nakapagdesisyon na sya. Babawi sya kay Jeeno. Gagawin nyang perfect ang kasal nito. Ang wedding dream nya ang gagamitin nyang theme. Nag-email sya sa isang kilalang wedding planner, binigay nya ang contact number nya bago nya pinatay ang computer at nagpahinga na.

***********************

Mabilis lumipas ang isang linggo. Kahit nahihirapan sya ay nagpapakatatag sya. Kapag kasama nya ang mga ito ay mas pinipili nyang magpatay malisya na lang. Masyado nang napapasama ang kondisyon at ayaw naman nyang maging dahilan iyon para mag-alala ang ibang nasa paligid nya. Sunod lang sya ng sunod sa mga gusto ng mga to. Hindi sya nagrereklamo.

"Gusto ko sa burol ishoshoot ang mga wedding gowns na pwede kay Vina." napatigil sya sa pagchachat down ng mga sinasabi nito. Wala noon ang wedding planner na tumutulong sa kanya kaya sya ang naiwan doon. Napatitig sya rito. Naalala nya kung gaano ka-private ang lugar na iyon para rito ayon sa kwento ni Elis.

"Something wrong?" taas kilay na tanong ni Jeeno.

Napangiti sya ng mapakla saka umiling at nanginginig ang mga kamay na nagsulat sya. Nagkukwentuhan noon si Jena at Vina. Ang alam nya ay magkaibigan ang dalawa. Ipinakilala ito ni Jena kay Jeeno. Samantalang si Elis ay tahimik lang habang nagbubuklat ang magazine. Halatang wala doon ang atensyon.

"Gusto ko ma-settle yan hanggang bukas." utos nito.

"Huh?" gulat na tanong nya.

"Bakit ba ganyan lagi ang mga sagot mo?" Malakas na sabi nito. Halatang nainis na sa kanya. Napatigil naman sa tawanan sina Jena at Vina. Tumingin sa kanila maging si Elis.

"What's happening babe?" Lumapit si Vina saka kinomfort ito. Gusto nyang maiyak.

"I'm sorry, Sir.. Masusunod po." bago nakayuko syang umalis doon.

Pagpunta nya sa upuan nya ay doon na sya napaiyak ng husto. May kalahating oras syang ganun bago nagpasyang umpisahan ang mga dapat gawin. Tumawag sya ng photographer. Okay na ang mga gowns ni Vina at ang isusuot ni Jeeno kaya wala na syang dapat isipin. Napamigay na rin nya ang mga invitations. Ang cake na lang at give aways. Magfufood testing pa sila next week. Okay na rin ang venue at caterers. Sa tagaytay sila nagkasundo-sundo para sa Venue. Buong linggo syang stress para don. Kapag may naiisip syang magandang bagay para sa ikakasal para syang unti-unting pinapatay.

Huli nyang tinawagan si Wilfred. Sa lagay nya ay kailangan nya ng consent nito as her doctor. Medyo nag-aalangan pa sya dahil malayo ang pupuntahan nila.

"I'm coming with you, Mikai." kulit nito. Hindi kasi sya payagan na sya lang mag-isa.

"Pero makakaabala pa ko sayo, Wil.. Okay lang naman ako." utas nya.

"Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagagawa sayo ng boss mo? Ramdam ko Mikai. Alam kong pinahihirapan ka nya!" Asik nito.

"Oo na sige na kung sasama ka." bago inend na nya ang call. Hindi naman kasi maawat to sa panenermon sa kanya.

My Rebound BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon