Seven

43 1 0
                                    

Sa loob ng three days na pamamalagi nila ni Elis sa Cebu para magliwaliw, mamasyal at gumala-gala ay palaging nakabuntot sa kanila si Jeeno. Minsan driver nila ito at minsan tagabitbit ng mga pinamimili nila. Walang reklamo ito kung maging body guard nila man nila o alalay. Nakakatuwa rin mag-asaran ang magpinsan. Sabik din kasi sa kapatid si Elis tulad nya.

Ang hindi nya lang talaga maintindihan ay ang kakaibang sulyap nito palagi sa kanya. Para syang may gusto sabihin pero hindi naman nito masabi-sabi. Palagi nya itong nahuhuling nakatingin sa kanya, gusto na ng nyang mailang minsan. Hindi naman kasi ito ganito sa kanya dati. Sanay sya sa Jeeno na lagi lang syang kinukulit.

Hindi sya makatulog ng gabing yon. Lumabas sya at naupo sa may swing sa may garden at sumandal. Maliwanag ang buwan, parang nakikisama sa kanya tahimik at payapa ang gabi. Hindi nya maiwasang maalala si Arjay. Nagpalit na sya ng number at gustong-gusto nya itanong kung kamusta na kaya ito o kaya sila. Kapag nasasagi sa isip nya ang bagay na iyon ay hindi nya maiwasang masaktan. Masakit pa rin talaga hindi pala naiiwasan yon.

May tumikhim sa likod nya. Si Jeeno.

"A penny for your thoughts? Kanina ka pa malalim ang iniisip ah." sabi nito.

Nagkibit-balikat lang sya. "Hindi lang talaga ako makatulog. Ikaw?" tinignan nya ito. Gwapo talaga ito kahit saang anggulo mo tignan. Sa edad netong disinuebe o siguro bente ay aakalain mong mama na ito kung pumorma.

"Pasado na ba 'ko?" nakangising tanong nito sa kanya. Okay. Crap! Binabawi na po nya ang mga iniisip nya.

Umingos lang sya rito saka tumingin sa may mga bulaklak. "Alam mo ikaw ang huling taong iisipin kong pinsan ni Elis." umupo ito sa harap nya, medyo nauga ng konti ang swing. "Close talaga kayo ano?"

Tumango ito. "Hmm, yeah. Sya, ang nagsisilbing prinsesa ni Mommy." ngumiti ito sa kanya.

"Kamusta na ba si Tita?" tanong nya.

"Andon na rin sya sa Japan, kasama ni Daddy." doon kasi ang business ng mga ito.

"Ikaw, di ka ba pupunta do'n, mas maganda do'n mas mataas ang technology nila." Engineering kasi ito. At balak din pamahalaan ang business nila gaya ng kwento ni Jena sa kanya ng minsang magskype sila.

Umiling ito. "Hindi, ayoko do'n. May matinding dahilan kapag pumunta ako do'n." nakangiting sabi nito sa kanya.

Tumango sya saka ngumiti rin. Biglang tumahimik ang paligid. Nakita nyang nakatitig ito sa may bandang dibdin nya, nakangiti? Sa necklace nya ba?

"Ikai.." malamlam nitong sabi. "What if.." nakita nyang lumunok ito, parang nagdadalawang-isip sa sasabihin.

"What if..?" tanong nya.

Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. "What if.. ligawan kita?" halos malaglag ang panga nya sa sinabi nito. Nabingi ata sya.

"Ano?" iyon ang unang lumabas sa bibig nya e.

"I said, liligawan kita." ulit nito.

Natawa sya. Uneasy kasi ang hitsura nito. "Naka-drugs ka ba?"

Mukha talaga itong hindi mapakali sa usapan nila. "Im serious." pabulong ang pagkakasabi non.

Napipilan sya. "Bakit mo naman ako liligawan?"

"Kelangan ba tinatanong 'yon?" utas nito. Ayon!

"Kung ihahanay mo lang din ako sa mga fling mo, magpapakatandang-dalaga na lang ako!" ang sama ng tingin nya rito. Itanong ba naman yon!

Ngumuso ito. "It's my first time. Hindi ko alam kung pa'no.."

Natawa sya, parang bata. Saka tumayo sya. "Itulog mo na yan, halika na."

My Rebound BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon