Inalis ni Mikai ang suot na shades. Panay selfie si Elis. Ang ganda ng titirahan nila for a week. Ang laki ng bahay. Modernong-moderno ang style.
"Selfie tayo, friendship." tapos nagcount ito ng three and she just smiled at her phone.
"Kaninong bahay 'to, Liz?" di nya maiwasang tanong dito.
"Sa Tita ko. Pinayagan nya tayo rito for a week." tapos kumindat ito sa kanya. Ewan nya pero parang gusto nyang magduda rito. "Let's go." tapos sumundo sya rito sa loob. Kung maganda sa labas, mas maganda sa loob at napakalinis. Napangiti sya, may pool area rin at nasisiguro nyang mag-eenjoy talaga sya rito. Ang ganda-ganda. "Come, i'll show you your room.." tapos umakyat sila sa hagdan kasunod ang isang kasamabahay na dala-dala ang mga bagahe nila.
"Naku, ako na lang po, Manang mabigat po kasi yan.." nakangiting sabi nya rito.
Ngumiti ito sa kanya. "Napakabait mo. Kayang-kaya ko 'to, Ineng."
"Okay lang yan, halika na." si Elis. Tumingin muna sya sa matanda bago sumunod sa kaibigan. "This is your room, sa pinsan ko 'to hindi naman ata sya uuwi rito kaya dito ka na lang." nakangiting sabi nito sa kanya. Combination of white and dark blue ang room. Lalaki kaya? Hindi na lang nya pinansin. okay lang sa kanya kahit saan.
"Thanks." sabi nya rito. "Mukhang mag-eenjoy ako rito, friend."
"Sure yan, friendships!" tapos humagikhik ito. Napailing na lang sya. Minsan weirdo rin 'tong sang 'to e. "Sige na pahinga ka muna. Mamayang gabi, sa pool area tayo magdidinner, tapos swimming na rin tayo!" alam na alam nitong gabi na sya magigising 'pag natulog sya.
Napangiti sya saka tumango rito. "Thanks!" kumindat lang ito. Ang pilya ata nito ngayon? Napailing na lang sya bago napagpasyahan munang magpahinga.
***********************************************
Isang mahinang katok ang nanggising sa kanya. Papungas-pungas pa sya. Madilim na ang paligid. Tanging mga ilaw na lang ang nakikita nya sa labas. Inisip nya kung nasa saan sya. Oo nga pala, nasa Cebu sya.
Ang matanda kanina ang nabungaran nya. Nakangiti sa kanya. "Magandang gabi senyorita, pinapatawag na po kayo ni Ms. Elis."
"Mikai na lang po, Manang." nakangiting sabi nya rito. Kahit naman lumaki syang may mga kasambahay sa bahay ay tinuruan naman sya ng Mama nya kung pa'no itrato ng tama ang mga ito. Kahit may kaartehang taglay ang Mama nya ay may mabuting puso naman ito. "Susunod na po ako, magpapalit lang po ako. Salamat po."
Mukhang solo lang nila ni Elis ang buong bahay kaya napag-isipan nyang short-shorts na lang nyang ipatong sa two piece nya. Nang matapos ay deretso na sya sa may pool area. Mukhang nagswimming na ito dahil basa na ito ng madatnan nya sa mesa habang inaantay sya.
Ngumiti ito sa kanya ng makalapit sya rito. Sinuklian nya rin ng ngiti.
"Sorry, pinag-antay ba kita?"
"No prob. Nagswimming na 'ko para di mainip." tapos humarap ito sa pagkain. "Ayan na, pinahanda ko kay Manang ang mga paborito mo." tapos humagikhik ito. Oo nga, panay karne ang nasa mesa. She hates gulay. Umupo sya sa harap nito.
"Kain na tayo, ginugutom ako." sabi nya sabay kuha ng pagkain. Ngumiti lang ito.
Habang kumakain ay napansin nyang walang water. Napansin din siguro ni Elis kaya tumawag ito ng kasambahay pero walang kasambahay na sumulpot.
"Ako na lang." prisinta nya rito.
"Arrg!" inis nito. "Sige, friend feel at home ka na lang. Swimming na'ko. Waaah, malamig." sabi nito bago nagdive na.
BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Roman pour AdolescentsHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...