Kanina pa wala sa sarili si Jeeno. He can't help himself but to look every moves ni Mikai na kahit saan pumunta ay pinapayungan ni Wilfred. Naimagine nya na sana sya na lang ang nasa posisyon ng taong yon. Para na rin syang tuod sa mga pinapagawa ng stylist sa kanya.
Hindi nya makitang bride nya si Vina. Nagsusumisik sa isip nya si Mikai as his bride. Gusto na lang nyang kalimutan ang lahat at mag-umpisa kasama ito. Nagiging makasarili na naman sya.
Nang mag-lunch break ay mukhang hindi sasabay sa kanila ang dalawa. Nakita nyang bitbit ni Wilfred ang dalawang paper plate punta sa may puno. Selos na selos sya damang-dama nya.
Lumapit sa kanya sina Elis bago ngumiti. "Let's eat na kuya.."
Akmang papasok sya ng tent ng marinig nila ang sigaw ni Wilfred. Napalingon silang lahat. Tinatakbo nito si Mikai na noo'y nakahandusay at saka dali-daling ipinasok sa loob ng tinulugan nila kagabi.
Patakbo silang pumasok sa loob. Maging sina Elis at Jena ay hindi maiwasan ang mangamba.
"What happened?" tanong nila.
Nakita nilang sinasalat nito si Mikai. Walang malay pa rin.
Napatigil ito saka masamang tinignan sila. "Get out.. Don't act as if you really care, Lorenz!" madiin pero mahinang sabi nito.
Napuno na sya. Nagtatanong sya ng maayos e. "She's still my employee, darn! Pwede bang isantabi mo muna yang galit mo?" asik nya rito.
Ngumisi ito. "I'm a doctor..You dont have to worry.. 'Sir'.."
Bahagya syang nagulat don. Hindi nya maintindihan pero nilukob talaga sya ng kakaibang kaba ng mga oras na iyon. May laman ang bawat salitang binibitiwan nito, hindi nya alam kung pakiramdam nya o imahinasyon nya lang. Naramdaman nya ang pagpisil ni Vina sa palad nya bago sila umalis.
Nang tanghalian na iyon ay tamilmil sila sa hapagkainan maging sina Elis at Jena. They still care of course. Maliban kay Vina na parang walang pakialam.
*********************************
Ramdam nyang nadedeliryo ang diwa nya pero hindi nya magawang magmulat ng mga mata. Naramdaman nyang may pumasok sa loob pero wala syang lakas alamin kung sino iyon.
May sumalat sa noo nya. Malambot at banayad. Sa nanlalabong paningin ay nagmulat sya pero hindi nya mapagsino ang nandoon.
Iisang balintataw lang naiisip nya. Oh how she wish that it was Jeeno. Taking care of her, comfort her, hug and kiss her just like before.
Napahawak sya rito ng akmang paalis na ito.
"Nandon ako Jeeno.. nandon ako ng gabing yon.. mahal na mahal talaga kita.." mahinang sabi nya bago ginupo ng kadiliman ang buong sistema nya.
***************************
Isang malutong na sampal ang natanggap ni Jeeno mula kay Vina. Gusto nyang magalit sa sarili pero hindi nya naman mapipigilan ang nararamdaman. His heart is shouting for Mikai, longing and still care for Mikai.
"How could you do this to me, Jeeno? Ako pa ang ipagpapalit mo sa babaeng minsan kang pinaasa at sinaktan? You are impossible!" palahaw nito.
"I'm sorry, Vina.. Hindi ko naman gustong lokohin ang mga sarili natin the fact that I still love her."
Umiling-iling ito animoy hindi makapaniwala sa nangyayari tapos ay pinagsusuntok sya.
"I hate you! Pinaasa mo ko! Pinaasa mo ko!" palahaw nito. Tahimik lang si Jena sa gilid. Hindi mabasa ang nasa isip nito. Pumasok si Elis na hilam ng luha.
"What happened?" tanong ni Jena rito tapos hinaploa ito sa likod. Napatigil si Vina sa ginagawa nito. Panandaliang nawala galit.
"She was there Kuya! Mikai was there five years ago!!" palahaw nito.
Natulala sya. Hindi nya malaman kung maniniwala sya rito o hindi. Nandoon ang pag-asa nya na sana totoo nga, na sana nandoon nga ito. But what happened?
*********************
Medyo okay na si Mikai kinabukasan. Matapos syang dalhan ni Wilfred ng breakfast ay pinainom sya ng gamot at naglakad-lakad sa labas para maarawan sya.
"Thank you, Wil.. Thank you for taking care of me last night. Ang dami ko ng utang sa'yo.." nakangiting sabi nya rito.
Bumuntong hininga ito. "I'm your doctor, Mik. Trabaho ko at propesyon ko na alagaan ang sinomang maysakit.."
Niyakap nya ito. Naramdaman nyang niyakap sya nito ng mahigpit. Nang kumalas sya ay nakita nya sina Jeeno at Vina. Ngumiti sya sa mga ito at saka lumapit.
"Pasensya na kayo sa drama ko kahapon, mainit kasi ang panahon.."
Nagulat sya ng sampalin sya ni Vina. Nanlalaki ang mga matang napatingin sya rito habang hawak ang pisngi.
"Bi*ch!" galit na galit ito. "Bakit hindi ka na lang namatay!" hiyaw nito. Pigil-pigil ito Jeeno.
Napaiyak sya. Hindi na nakatiis si Wilfred kaya naitulak nito ang babae na nasalo naman ni Jeeno.
"Pagsabihan mo yang mapapangasawa mo Lorenz! Dapat dyan tinatahi ang nguso e!" Asik ni Wlifred.
"Eh kung ikaw kaya ang tahian ko ng nguso, Sandoval?" ganting asik nito.
Wala syang pakialam sa dalawa kaya nilapitan nya si Vina na nooy pinapatahan na ni Jena.
Hindi nya mapigilan ang umiyak sa harap ng mga ito. "Ano bang ginawa ko?"
"Hindi mo alam? Kung hindi dahil sayo hindi sana magbabago ang isip ni Jeeno! Kung sana ay hindi ka umeksena, matutuloy ang kasal ko!" umiiyak na palahaw nito.
Umiling-iling sya. "Wala.. wala naman akong ginawa Miss Vina.." hagulgol na nya rito.
Lahat ay nasa kanila ang atensyon. Pati ibang kasamahan.
"Pero bakit ayaw na nya akong pakasalan kung wala kang ginawa?" Utas nito.
Napailing sya. Hindi nya alam. Wala syang alam. Wala syang ginawa.
Maya-maya ay hinablot sya nito at saka sinabunutan. Doon umawat sina Elis at Jena, maging sina Jeeno at Wilfred ay pinipigilan si Vina. Iyak sya ng iyak. Wala syang lakas para labanan si Vina.
"Stop! Stop it!" nag-aalalang sigaw ni Wilfred.
"Oh my God, Vi!" si Jena.
"Tama na. Oh my God bes!" si Elis. Umiiyak na rin ito.
"Sh*t!" mura naman ni Jeeno habang tinatanggal ang kamay ang kamay ni Vina sa buhok ni Mikai. Maging ang iba doon ay nakitulong na.
Dahil natakipan na sya ng nakararami ay halos pangapusan sya ng hininga. Iyak sya ng iyak. Napahawak sya sa dibdib. Habol na nya ang paghinga. Napatigil ang lahat sa huling singhap nya. Tigagal si Vina, maging si Jena at Elis ay nanlalaki ang mga mata.
Hindi napigilan ni Wilfred ang lumuha. Napatiim-bagang ito. Binuhat sya nito saka inupo medyo malayo sa nakararami.
"Mikai.. relax. relax.." napalunok si Wilfred at saka pinagpawisan ng malapot. "Inhale, Mikai.. inhale.." habol nya pa rin ang hininga. Ginagawa nito ang test. "Inhale.. exhale, Mikai. You can do it.." taas-baba pa rin ang dibdib nya.
"Oh my God.. what's happening?" palahaw ni Jena.
"Please be quiet guys.." mahina pero madiing sabi ni Wilfred. Nilulukob din ng kakaibang pangamba si Jeeno. Hindi malaman ang sasabihin. Tulala lang na nakatingin kay Mikai. "I'll bring you to the hospital, okay?" baling nito sa kanya. Taas-baba pa rin ang dibdib nya pero hindi na katulad kanina.
Nagpack-up ang lahat. Priority sya kaya nauna syang isinakay sa chopper. Nakakaalalay sa kanya si Wilfred at pinapayapa pa rin ang loob nya. Pagdating doon ay dali-dali syang isinakay sa ambulansya. Nilagyan ng oxygen. At saka tinurukan ng pampakalma. Bago sya ginupo ng antok ay nakita nya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mga kaibigan at ni Jeeno habang nakahawak sa kamay nya si Wilfred.
![](https://img.wattpad.com/cover/23411331-288-k897006.jpg)
BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Teen FictionHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...