Eleven

41 1 0
                                    

Puting kisame ang namulatan ni Mikai. Mahinang-mahina ang pakiramdam nya habang ginala ang mga paningin. Sa gilid ay nakita nya ang nag-aalalang mukha ng Mama at Papa nya.

"Anak, anong gusto mo? Nagugutom ka ba?" ang Mama nya.

"Ma.. hano na pong araw ngayon?" tanong nya sa nanghihinang boses.

"Monday ngayon, nak.." lumuluhang sabi ng Mama nya.

"Ma.. hanong oras na po? Ilang araw po ako nakatulog?"

"Almost three days na 'nak. Two nights and three days." ang Papa nya.

Tinulungan sila nitong makaupo. Tapos sinubuan sya ng Mama nya. Kaya siguro nanghihina sya almost three days na syang 'di kumakain. Napatingin sya sa wall clock na naroroon. Mag alas sais nang gabi. May isang oras pa sya para puntahan si Jeeno.

"Ma.. pwede na ba tayong umuwi?" nakita nyang nagkatinginan ang mga magulang nya.

"Naku, 'nak.. hindi pa eh, baka bukas pwede na, pahinga ka na lang muna huh?" tapos hinaplos-hapols nito ang buhok nya.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. Bumulaga sa kanila ang nurse.

"Sir, Ma'am.. tapos na po ang visiting hours. Ako po incharge na magbantay sa pasyente. Kailangan na po magpahinga." nakangiting sabi nito.

Napakunot-noo sya. "What's happening, Ma?" hindi sumagot ang Mama nya. "Pa?" baling nya sa ama. Nakita nya ring namumuo ang luha nito.

"Rest ka na lang muna 'nak.. Bukas ipapaliwanag namin ng Mama mo, huh?" napatango na lang sya. Napatingin ulit sya sa wall clock. Mag-aalas syete na. Alas syete ang usapan nila ni Jeeno. Wala na syang oras.

Humalik muna ang parents nya sa kanya bago tuluyang umalis ang mga ito doon. Tetyempo na lang sya sa nakabantay na nurse. Gusto na nyang mawalan ng pag-asa. Napatingin sya sa wall clock, mag-alas dyes na ng gabi. Wala na syang ibang paraan, nagkunwaring natutulog sya. Nang makitang nagpunta sa banyo ang nurse ay saka nya dali-daling inalis ang dextrose na nakaturok sa braso nya at mabilis na tumalilis sa kwartong iyon. Saktong walang taong dumadaan, deretso sya ng fire exit, gagamitin nya ang hagdan. Pagbaba sa may pasilyo ay nakaramdam sya ng panghihina. Napakapit sya sa pader. Pagliko nya ay nabunggo nya ang isang lalaki.

"I'm sorry.." sabi nya sa nanghihinang tono bago dere-deretsong lumakad na nakakapit pa rin sa dingding. God, hindi nya alam kung kelan pa sya makakarating sa tagpuan nila ni Jeeno. Naiiyak na sya sa sobrang frustration.

"Mikai?" napatigil sya. Pakiramdam nya nang mga sandaling iyon ay may mahihingan sya ng tulong. Tumingin sya sa lalaking tumawag. Si Wlifred! "What are you doing here?" takang tanong nito sa kanya.

"Please, dalhin mo 'ko sa may tower malapit sa park." naiiyak na sabi nya rito.

Umiling ito. "But you look pale, what happened?"

"I'm okay.. Please, I beg you, dalhin mo 'ko dun.. Wlifred.." naiiyak pa ring sabi nya.

Halatang naguguluhan ito. Sa ayos nya naman kasi na nakahospital gown pa at naghihina sino nga ba namang tao ang gagawin na lang basta ang gusto nya?

"Wilfred.. Please.. After this, promise babalik tayo dito, just bring me there.." nagsusumamong pakiusap nya rito. Hinigpitan nya ang kapit nya rito.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "No, isa rin akong doctor Mikai.. kahit estudyante pa lang ako, sa ayos mo alam kong tumakas ka lang ng room. Hintayin mo 'ko rito tatawag ako ng welchair."

Umalis ito. Napailing sya kaya buong lakas syang nagtatakbo hagga't kaya nya. Paglabas ng hospital ay hinabol sya ng mga guard gayon na lamang ang pasasalamat sya ng makasakay ng taxi.

My Rebound BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon