Lumipas pa ang mga buwan at araw. Close na sya sa mga classmate nya. Halos kasa-kasama na rin nya ang mga ito sa kalokohan, hindi, ang mga ito kamo ang maraming alam na kalokohan.
"Where's Mikai?"
"Present!" Shemay! Kamuntikan na sya.
"And where have you been?" medyo binaba nito ang salamin sa mata para tignan sya.
"Sa canteen po." hindi na'to nagsalita hihi alam nya kasing ayaw nitong nagugutom ang kahit sino kita mo naman hindi na sya pinagalitan.
Ganun lagi ang routine nya araw-araw. Matapos ang class na 'yon ay talaga namang mapapamura sya sa sunod na class. Arts! Arrg! She hates drawing. It's her weakness. Much better kung P.E at Music yun, favorite nya yun sa subject na MAPEH.
Lumingon-lingon sya. Busy ang lahat sa drawing. 'Tong guru na'to mapepektusan nya ng 'di oras. Ipadrawing ba naman ang bahay nila, lahat ng sulok, lahat ng laman ng bahay nila ultimo kung saan banda ang plug circuit! My God! Sinisilihan talaga sya kaya umalis sya ng upuan. Halos mapaismid sya sa taong nasa likod nya. Hello! Oras po ng klase, hindi po oras ng landian! Si Jeeno at si Rina bulinggit habang nagdodrawing e naglalandian. Nginisihan sya ni Jeeno, tapos kinindatan sya, ay nako, damoves ng mga chickboy.
Tinignan nya ang ginagawa ni Jena, arrg! May nadrawing na sya. Samantalang yung papel nya napakalinis, blanko pa rin. Lumingon ulit sya kay Jeeno.
"Pagdrawing mo 'ko." sabi nya. Tumawa ito. Nakakalokong tawa. May sapak ata.
"Di ko naman alam bahay nyo pano kita pagdo-drawing?" she rolled her eyes.
"Common sense nga, edi kahit ano na lang gawin mo, malalaman pa ba ni teacher yun e hindi rin naman nya alam ang bahay namin. pssh." litanya nya.
"Ang sungit mo, hindi kita igagawa. Ngayon mo na nga lang ako nilapitan, favor pa hinihingi mo." sabi nito.
"Ang drama mo. Oo o hindi lang naman." ingos nya.
Ngumisi ito. Yung ngising hindi mapagkakatiwalaan talaga e. "In one condition.."
"Oo na ako na gagawa ng assignment mo for a week!" utas nya. "Duh! Parang araw-araw naman akong gumagawa ng mga assignment nyo! Kinokopya nyo kaya."
"Sungit nito." tapos nikuha nito ang bondpaper nya.
Marami-rami na itong nailagay. At magaling naman talaga itong mag-drawing. Ang ganda nung pagkagawa. Artistic. May future tong sang to pero syempre di nya sasabihin, baka lumaki ang ulo e. Matapos gawin ay ito na rin ang nagkulay.
"O, dream house ko yan!" kaya naman pala maganda kasi dream house nya.
"Thanks." may pampasa na sya.
"Kundi ka lang kaibigan ng pinsan ko.." napanguso sya.
"Sino bang pinsan mo?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Antagal nyo ng magkasama ni Jena, hindi mo alam na magpinsan kami? Anong klaseng kaibigan ka?" utas nito.
Binatukan nya ito. "Eh malay ko po ba na magpinsan po pala kayo ano. Magkaiba kasi kayo, sya mahinhin, ikaw malandi." ingos nya rito. Narinig nya pang tumawa ito bago pinasa na sa unahan ang papel. O, puhunan nya pa rin utak nya.
Nang makabalik sa inupuan ay talaga namang hindi matapos tapos ang ingusan nila ni Jeeno. Ang kulit naman kasi ng mga ngisi sa kanya. "Seriously Rina, anong nagustuhan mo dyan kay Jeeno?" tanong nya kay Rina na katabi ni Jeeno. Ngumiti lang sa kanya. Ang landi ng pagkangiti. Maygad! Bagay sila. Bagay silang pagbuhulin.
"Grabe ka, wala kang utang na loob. Pinagdrawing na kita, sinisiraan mo pa 'ko sa Girlfriend ko."
"Duh! Nag-thank you kaya ako." ingos nya rito bago bumalik na sa upuan at tumabi kay Jena. "Pinsan mo pala yung kupal na yon?" tumango ito sa kanya at tinawanan lang sya ng ngumuso sya.

BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Ficção AdolescenteHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...