Naalimpungatan si Mikai sa mga kaluskos sa labas mukhang nagmumula sa baba. Napasulyap sya sa terrace ng kwartong yon, nandon si Elis at animoy baliw na pangiti-ngiti. Sumulyap sya sa tinitignan nito sa baba, si Jeeno, nag-umpisa ng magtipa ng gitara.
"Bes! Haharanahin ka daw ni Kuya! My God, nikikilig ako." halata nga. Namimilipit ito sa kilig.
"Oo, kulang na nga lang magkikikisay ka dyan, Liz.." utas nya rito.
"Grabe ka naman, friend! Hindi mo ba nakikita oh, todo effort sa'yo si Kuya. Ang pogi nya kaya! Yiii!!" naiiling na lang sya rito saka tumingin ulit sa baba. Gusto nyang matawa ng makitang maging ang mga hardinero at driver ng mga ito ay kakuntsaba ng binata. Nagdadrum ang ang ito samantalang gitara naman ang sa binata. Okay na yung tipa ng gitara ni Jeeno pati boses nito kaya lang ay nawawala sa linya dahil nagpapagulo ang drum ni Mang Kanor. Tapos sinamahan pang sumasayaw ng sweet si Manang Lita at yung anak nitong driver. Nagmumukha tuloy hopeless! Pero di naman yon pansin ng binata deretso lang ito sa ginagawa habang nakatingin sa kanya. Nginitian nya ito.
Bagay na bagay dito ang kantang My Sanctuary ng Callalily. Pakiramdam nya tugmang-tugma sa kanilang dalawa. Iyon ang palagi nyang pinatutugtog tuwing klase nila nung high school 'pag nabobored sya. Nakakatuwang isipin na alam pa nito iyon, minsan kasi ay basta nito hinahablot ang earphone sa tenga nya at nakimusic din. Kinapa-kapa nya ang dibdib. Wala syang maramdaman na kahit ano. Ayaw nyang lokohin ang sarili nya pero pakiramdam nya walang spark. Hindi nya maintindihan.
Pagkatapos no'n ay bumaba sya sa sala at nag-usap sila.
"Nagustuhan mo ba? Pasensya ka na kina Mang Kanor, excited kasi ng malamang haharanahin ka. Nagprisinta talaga sila na magdrum akala ko naman drumer, hindi pala." parang nahihiyang sabi nito.
Natawa sya. "Ang kulit nga nila e."
"Mikai.. Liligawan talaga kita. Gusto talaga kita." sabi nito ng nakatingin sa mga mata nya.
Hindi nya malaman ang sasabihin. Ngumiti sya. "Wala akong maipapangako sa'yo, ayoko naman umasa ka, Jeeno.."
"Okay lang, basta liligawan kita.." tumango na lang sya tapos ngumiti ito sa kanya.
****************************************
Nang mga sumunod na araw ay panay nga ang ligaw ni Jeeno sa kanya. Minsan natatawa sya rito mukhang natotorpe naman kasi talaga minsan. Parang nahihiyang hindi nya maintindihan ang hitsura nito. Siguro nga hindi ito sanay manligaw, babae siguro ang nanliligaw talaga rito. Sa kulit nito araw-araw ay parang gusto na rin nya minsan bumigay kaya nang gabing yon, huling gabi nila ni Elis doon ay nagpasya na sya. Hindi naman siguro masamang sumugal at pagbigyan si Jeeno di ba?
"Elis, ano ba kasi 'to? My God! Sandali lang madadapa naman ako sa'yo e." kasalukuyan syang naka blindfold at halos hatakin naman sya ni Elis, mas excited pa kasi sa kanya.
"Basta bes! Ang bagal mo kasi, bilisan mo kaya." utas nito sa kanya.
"Ikaw kaya piringan tapos hatak-hatakin ko, ano?" humagikhik ito. Maya-maya hindi na nya naramdaman ang presensya nito doon. "Bes?" tawag nya. Nakailang tawag pa sya bago inalis ang blindfold nya. Halos mapanganga sya ng magliwanag ang paligid. Ang ganda ng garden! Punong-puno iyon ng makukulay na lights tapos sa may swing ay may nakalagay na JEENO & MIKAI na gawa rin sa lights. Gusto nyang maluha sa mga nakikita. Halo-halo ang nararamdaman nya. Tumingin sya sa may bandang dulo malapit sa pool area, may isang romantic candle light table na nakaayos at nakangiting naghihintay si Jeeno. Ang mga kasmabahay ay nakangiti lang na nanonood sa kanila.
Hindi nya napigilan ang sarili, tinakbo nya si Jeeno at niyakap ng mahigpit habang umiiyak. Kung sana ay mahal na mahal nya ito. Kung sana ay mas nauna ito. Kung sana ito na lang. Humigpit ang yakap nito sa kanya. Hindi nya maintindihan ang pakiramdam, may kulang pa rin. Dahil ba hindi nya ito gusto?
BINABASA MO ANG
My Rebound Boyfriend
Novela JuvenilHighschool barkada si Jeeno Lorenz at Mikai Elispe. After three years, ay nagkita-kita sila for reunion pero hindi doon nagstart ang lovestory nila huh, it takes one year before their lovestory begin. Pero yon ang akala ni Mikai dahil para kay Jeeno...