Ten

40 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw ay palagi silang nagpapalitan ng text ni Wilfred. Ewan nya pero magaan sa pakiramdam na nasasabi nya rito ang mga nangyayari sa kanya. Naiibsan ang pakiramdam nya kapag katext nya to, para bang wala itong hindi gagawin para sa kanya. Kahit sobrang busy nito ay nakukuha pang magtext sa kanya.

Fr: Wilfred

Nasa ER ako mamaya para sa operation project namin, hindi kita matetext. Eat on time :)

Napailing na lang sya sa text nito. Minsan nahihiwagaan na sya rito. Panay tawag din ito sa kanya, minsan nga ayaw na nya sagutin tapos itetext na lang nya na busy sya.

After class ay nagmamadaling nagpaalam si Elis. Hmm, nitong mga nakaraang araw ay hindi nya na maintindihan kung bakit lagi itong balisa. Paglabas nya ng University ay nandon na naman si Jeeno, matamlay na nag-aantay sa kanya.

Seryoso ang mukhang lumapit ito sa kanya at kinuha ang books nya. Hindi ito nagsasalita, hindi rin sya pinagbuksan ng kotse kaya pumasok na lang sya. Hay, ang hirap pag ganito, nai-stress din sya.

Dinala sya nito sa isang park. Wala pa ring imik ito sa kanya at hindi sya sanay na tahimik ito.

"Jeeno.." nakikita nyang tumulo ang luha nito. God, ayaw nyang isipin pero nadudurog ang puso nya.

"I really don't know what to do, Mika.." sabi nito in between those tears. Suminghot ito. "Wag mo naman gawin sa'ken to." Humarap ito sa kanya. "Tell me, ano bang gusto mong gawin ko?"

Huminga sya ng malalim bago lumunok. "Hindi ko rin alam. Kahit ako hindi ko maintindihan." Naiiyak na rin sya. Ang hirap. Napakahirap. Para syang sarado na hindi mabuksan-buksan. "Gustong-gusto kitang mahalin, Jeeno. Gustong-gusto.."

"Yun naman pala e, bakit kelangan pa natin pahirapan ang mga sarili natin?" utas nito.

Napailing sya. "You don't understand.."

Napakunot-noo ito sa kanya. "Alin ba ang hindi ko maintindihan? Honestly, wala naman akong pakialam basta kasama kita, sa'ken ka, wala na 'kong pakelam sa iba.." naiiyak sya sa sobrang pagmamahal nito sa kanya pero hindi nya masuklian, naiiyak sya na sarado ang puso nya para sa iba. Niyakap sya nito. "It's okay.. Gamitin mo ko araw-araw para mahalin mo rin ako, Mikai.." napayakap sya ng mahigpit. Ganun ba talaga 'yon? Ang puso ang unang nakakaalam at nakakaramdam?

Inalis nito ang yakap sa kanya saka pinunasan ang luha nya pati ilalim ng ilong nyang namamawis. Gustong-gusto nya itong ganun.

Pagkatapos nun ay inihatid sya nito sa bahay. Wala ang parents nya kaya silang dalawa ang nasa loob kasama ang mga kasambahay.

"Wait lang hon, bibihis lang ako tapos pagluluto kita ng dinner.." nakangiti nyang sabi rito.

Ngumiti ito sa kanya. "Okay.." humalik muna ito sa noo nya bago naupo sa sofa.

Pagbaba nya ay nakita nyang nakasandal sa sofa si Jeeno. Nakatulog na ata. Mukhang ilang gabi nga itong walang tulog katulad ng sabi ni Elis. Nagderetso na sya ng kusina bago naghanap ng mailuluto. May nakita pa syang chicken. Paborito nito ang adobo kaya yon ang naisip nyang lutuin.

Matapos tikman at lagyan ng pampalasa ay pumunta sya sa sala. Tulog na tulog pa rin ang binata. Umupo sya sa tabi nito at pinakatitigan ito. Ang ganda ng anggulo ng mukha nito, tan ang kulay, makapal ang kilay na sakto lang at nababagay sa hugis ng mukha nito, matangos ang ilong at may kahabaan ang pilik mata. Ang buhok nitong lalong nagpaporma sa kagwapuhan nito. Hindi nya maintindihan pero ng mga oras na iyon ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Sobrang bago sa kanya ang bagay na iyon. Hindi sya makahinga. Hahaplusin nya sana ang buhok nito ng biglang hawakan nito iyon at ngumisi sa kanya.

My Rebound BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon