CHAPTER TWO (ANG PAGTATAGPO)

64 3 0
                                    

NAPASIGAW ang dalaga dahil sa nabuhos na sopas sa kaniya, nasaktan din siya sa nagkandabasag-basag na bote.

"Sorry miss!" Agad na binangon ni Rain ang dalaga.

"Pakipulot nalang ang mga cards," pakiusap ng dalaga.

Pinulot naman ni Rain ang mga cards, ibibigay na sana ni Rain ang mga ito ng bgla itong natigilan at napatitig sa babaing nakabundol niya.

Sa mga sandaling iyon bumibilis at parang wala siya sa tamang katinuhan. Dahil sa ginawi ni Rain nainis ng tuluyan ang dalaga.

"Akin na  iyan, ang tagal-tagal pa. Ikaw na nga ang namurwisyo ang bagal-bagal pa!" Inis na turan ng dalaga.

"Tumulong na nga ang tao, purwisyo pa ako sa'yo, ang sama naman ng tawag mo sa 'kin miss!" Nakasimangot na turan ni Rain.

"Tignan mo, sinira mo lahat ng ito. Hindi ka na nahiya, kalalaki mong tao nakikipag-away ka sa babae. May pagkabakla ka noh! Aminin mo!" Inis na sumbat ng dalaga.

"Sino ka ba at ganyan ka magsalita, hindi mo ba ako kilala magpasalamat ka at tinulungan pa kita at saka 'wag mo akong dadaanin sa pagtaas-taas ng kilay mo!" Banat ni Rain sa babae.

"For your information hindi kita kilala at pinilit na magpatulong, kung hindi ka nagpauto wala sanang away!" Tungayaw ng dalaga.

"Anong sabi mo utu-uto  ako? A-At ano 'yung isa... Bakla! Hoy babae!na talak ng talak para malaman mo habulin ito ng mga katulad mong magaganda!" Pananaklab ni Rain.

"Ang kapal naman ng mukha mo, 'wag kang gaganiyan-ganiyan sa harapan ko at baka mapahiya ka!" Asik ng dalaga kay Rain.

"Bakit naman ako ang mapapahiya, kung ako ang magpapahiya I will make sure you deserve at mag-eenjoy ka," si Rain na nakangisi pa at nakaisip ng magandang panlaban sa dalaga.

"Anong gagawin mo, susuntukin mo ako?! Ang sama mo!" Inis na turan ng dalaga.

"Wala man lang sa nabanggit mo!" Pasigaw ngunit parang excited si Rain sa gagawin.

"W-Wag kang lalapit, k-kung 'di sisigaw ako!" Pagbabanta ng dalaga.

Hinapit ni Rain ang beywang ng dalaga at siniil ito ng halik...

Dahil sa mga pangyayari tila natulos ang dalawa.

Hindi mapigil ni Rain ang sarili kung 'di ipagpatuloy ang nasimulang paghalik  sa babae. Marami na siyang naging girlfriend pero kahit ni isa dito wala nang tatamis pa sa mga labi ng dalagang ngayon niya lang nakilala at nahalikan.Hanggang hindi na namalayan ni Rain ang paglipad ng kanang kamay ng dalaga.

"Bakit miss hindi ka ba nag-enjoy?!" Pangiinis ni Rain sa dalaga.

"Bastos ka, hindi ako natutuwa sa inaasal mo. Sinira mo ang araw ko!" Nanlulumong saad ng dalaga.

"Oh miss, do'nt act like that 'di bagay sa'yo at anong sabi mo... Bastos ako? Naku! miss bastos lang ang naghuhubad. Right!" Pamimilosopo ni Rain.

"Sinong matutuwa sa ginagawa mo sa akin... Wala! Birthday ko pa naman, sinisira mo ang araw ko!" Himutok ng dalaga.

Sa ikinikilos ng babae parang maiiyak na ito. Nakaramdam si Rain ng habag sa dalagang ngayon niya lang nakita't nakilala. Bigla siyang naawa rito.

"Mapapalitan mo ba ang mga papel na iyan huh!?" Sigaw ng dalaga habang pinipigilan nito ang pagtulo ng luha.

Napatingin si Rain sa mga hawak-hawak na papel na ibibigay niya sana sa dalaga. Mga Birth Day Card iyon na galing sa mga kaklase ng babae.

✔️Time will come( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon