CHAPTER EIGHT (THE GIFT)

39 4 0
                                    

MULI niyang binuklat ang invitation letter. Napansin niyang evening party iyon, napangiti siya makakaattend siya sa party ni Rain. Sigurado siya roon...

BAHAY NINA RAIN  Seven P. M

Gumagabi na ay nasa labas pa rin  ng gate si Rain ng may marinig siyang tinig na nagmula sa loob ng bahay nila.

"Rain iho mag-uumpisa na ang birthday party mo, pumasok ka na at asikasuhin mo ang mga bisita," saad ni Gng. Ren.

"Yes Mama susunod na ho ako." Ilang minuto rin siyang nakatingin sa may kawalan at parang may hinahanap.

Tinanong niya ang sarili hanggang hindi na mapigilan ni Rain ang maluha.

"Bakit Lorie nalulungkot ako ngayong wala ka sa piling ko at sa espesyal ko pang araw. . ." Hindi na niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Sa pagdaan ng mga araw ay lalong hinahanap-hanap nito ang babae. Ngayon lang siya napaiyak ng ganoon, sa lahat ng mga babaeng nakilala at naging kasintahan niya'y hindi man lang siya nakadama ng ganoong lubos na emosyon.

Napagtanto niyang labis ng napamahal sa kanya ang dalaga at lalo pa itong sumisidhi habang tumatagal.

Nang hindi tinanggap ni Lorie ang pag-ibig niya, nadurog ang puso niya. Lalo pa siyang naging kaemosyonal dahil sa pagtanggi sa kanya.

Paano na kaya kung dumating ang araw na kailangan na silang maghihiwalay-hiwalay at  magpaalam. Kung saan pweding hindi na sila magkita kailanman at 'yun ang graduation day.

Rpa muling pagpatak ng luha niya ay may isang tinig ang muli niyang narinig. Napatayo siya at mahigpit niyang niyakap ang dalaga.

"Mabuti at dumating ka. . ." natutuwang sabi ni Rain habang tumutulo pa rin ang mga luha.

Napansin ni Lorie ang mga butil ng luha sa pisngi ni Rain, inilabas nito ang nakatagong panyo.

"Panyo pampunas mo," sagot ni Lorie.

"Thanks." sagot rin ni Rain.

Mayamaya habang nagpupunas ng mga luha si Rain ay unti-unti namang inilabas ni Lorie mula sa likuran ang nakatagong regalo para sa birthday boy.

"Para sa'yo. . . " sabay abot nito.

"Ano 'to?" Galak na tanong ng binata.

"Tignan mo nalang pagkatapos ng party mo. . ." sagot naman ni Lorie.

"Ah, Lorie pweding akin nalang 'to?" tanong ni Rain.

"Iyang  panyo, aanhin mo naman?" Nagtatakang tanong ni Lorie.

"Remembrance lang sana."

"Sige na nga, para fair tayo." nakangiting sagot ni Lorie.

"Hali ka Lorie, kain na tayo saka gutom na ako!" Yakag ni Rain habang hila-hila nito si Lorie.

"Oo na! Saka napagod din ako sa biyahe hindi pa ako nakakain ng tanghalian," wika naman ni Lorie habang papasok sila sa bahay.

May pagkamangha sa mukha ni Lorie habang pinagmamasdan niya ang bakuran nina Rain. Unang beses kasi siyang nakatapak sa ganoong karanghiyang tahanan.

"Wow! Ang laki-laki naman ng bahay niyo. Ilan ba nakatira diyan?" Sunod-sunod na sabi ni Lorie.

"Kami nina Papa at Mama, mga walong kasam-bahay namin," salaysay ni Rain habang nakatingin ng diretso kay Lorie.

"Oh bakit may problema ba?" Takang tanong ni Lorie.

✔️Time will come( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon