DUMATING ANG EXAMINATION DAY.MAAGANG pumasok si Rain para masimulan ang pagrireview. Nadatnan niyang nakaupo na at tahimik na nagbabasa ng sulat ni Mr. Cute ang dalaga.
Tuwang-tuwa si Lorie na hindi maitatago sa mukha ang puyat.
"Goodmorning Lorie! Sulat iyan ni Mr. Cute?" Tanong ni Rain na halatang nakikiramdam.
"Oo, sabi niya magpapakilala siya sa Graduation day.Gwapo niya siguro, kasi ang ganda ng sulat niya. Sige mag-aaral pa ako," malamig na tugon ni Lorie.
"Lorie, pwedi ba tayong mag-usap?" Tanong ni Rain sa dalaga na nag-uumpisa ng magreview.
"Lorie, please. . . Ba't ba ang lamig mo? Hindi man lang kita makausap ng matino. Nararamdaman kong napapalayo ka na sakin," malungkot na sambit ni Rain habang hinahawakan nito ang kanang kamay ng dalaga.
"Pwedi ba! Tigilan mo na nga ako, nakikita mong nag-aaral ang tao. Saka 'wag ka ng magsalita na parang alam mo lahat!" Inis na sambit ni Lorie sabay piksi ng kamay nito bago tumalikod sa binata.
Naiyuko na lamang ng binata ang ulo at tahimik na naupo sa seats nito.
LUMIPAS ANG ILANG MINUTO.
Pumasok na ang guro na magbibigay ng kanilang examination. Halatang lumalayo si Lorie sa binata, umupo ito sa tabi ni Mandy.
"May problema ba kayo ni Lorie? Pinaalis niya kasi ako sa tabi ni Mandy," pasimpleng pagtatanong ni Manard habang sumasagot sa mga question ng test paper.
"Hindi ko nga alam kung bakit, parang ang sama ng loob ni Lorie sa akin," malungkot na bulong ni Rain kay Manard.
"Sorry, kung pati kayo nagagawan na ni Lorie na istorbohin," dagdag pa ni Rain.
"Wala 'yun. . .Babalik rin ang dating Lorie, kaya 'wag ka ng mag-alala Rain. Intindihin mo nalang 'yang test mo," marahan bulong ulit ni Manard habang nageexam.
Sinunod nga ni Rain ang payo ng kaibigan, kaya lahat ng test paper niya ay pasado at halos perfect.
Samantalang si Lorie na nagreview ng mabuti ay halos mababa ang mga nakuha.
Nagkaroon pa ang dalaga ng isang bagsak sa exam.
"Ano ba itong nangyayari sa'kin, ba't ang baba. Bakit itong Math ko bagsak!" Nanlulumong wika ni Lorie.
Narinig naman iyon ni Rain.
"Lorie, hayaan mo at tutulungan kitang maipasa ang Math. Kung gusto mo, umpisahan na nating ireview iyan," masayang aya ni Rain.
Tumigas ang tingin ni Lorie sa kaniya at binalewala ang narinig. Malungkot si Rain sa pagwawalang-bahala sa kanya ng dalaga.
Kinagabihan...
Nireview ng mabuti ni Lorie ang Math subject bago natulog, nagdasal muna siya.
Hiling niya na sana siya ang mapiling Valedictorian at para makuha niya ang Full Scholarship para sa Kolehiyong papasukan.
KINABUKASAN
MAGANDA ang gising niya agad siyang kumuha ng pagsusulit sa Math. Mataas ang nakuha niya, tuwang-tuwa siya.
Makalipas ang ilang araw itinala na ang mga magiging Valedictorian at mga honors. Inilagay na rin niya ang mga may iba pang awards.
Ito ang listahan:

BINABASA MO ANG
✔️Time will come( COMPLETE )
Novela JuvenilLove & Laughter Series TIME WILL COME Babz07aziole Teenfiction TEASER Noong una tayong magkita sa daan --- inis at pagkainsulto ang namayani sa aking puso. Pero wait ---- What is this feeling na aking nararamdaman: HATE KITA! iyon ang isinisigaw ng...