TINAPIK siya ni Manard. . .
"Pre. . . Halika na! " Tawag ni Manard sa kanya. Lulugo-lugo siyang sumunod sa kaibigan.
"Oh Manard, ba't di ka nakapasok sa first subject natin?" Tanong agad sa kanya ni Lorie.
"Nahuli kasi ako ng gising at ang sakit-sakit ng ulo ko kanina," dahilan ni Manard.
"Ah Lorie, sino siya?" Balik-tanong ni Manard sa kanya.
"Ah si Mandy. . . Bestfriend ni Rain, diba Rain?" Tanong ng dalaga kay Rain kapag-daka.
"O-Oo." sang-ayon naman ni Rain kay Lorie.
"Hai! I'm Mandy, nice to meet you!" Sossy nitong sagot kay Manard.
"Manard. . . Bestfriend ni Lorie," nakangiting tugon nito habang titig na titig kay Mandy.
Nahalata ni Lorie ang pagkagusto ni Manard kay Mandy dahil sa pagkakatitig nito. Nagpaalam muna si Lorie kay Manard at Mandy.
"Halika na Rain!" Tawag ni Lorie kay Rain.
"Oh bakit tinatawag mo ako? Kasalukuyan palang tayong nakikipagkwentuhan kina Manard ah!" Sumbat ni Rain sa kanya.
Binatukan siya ni Lorie.
"Bakit ka ba nambabatok? Wala naman akong ginagawang masama ah!" Inis na turan ni Rain.
"Tumahimik ka nga. . . hindi mo ba halata." pasimpleng bulong ni Lorie kay Rain.
"Ang alin?" Inosenting tanong ni Rain kay Lorie.
"Ano ba, puro ka nalang walang alam!" Inis na si Lorie. Napagtanto ni Rain ang ipinapakahulugan ni Lorie.
"Bakit mo naman ibinubuyo si Manard sa best friend ko?" Taas ang kilay na tanong ni Rain sa kanya.
Iniiwas niya ang tingin nito sa kanya.
"Gusto ko si Mandy para kay best, alam kong maaalagaan niya ng maayos si Manard kaysa sa akin," tugon nito sa tanong niya. Napaawang ang mga labi ni Rain sa narinig, nagkamali ba siya ng dinig.
"Are you inlove with your best friend, Lorie?" Tanong nalang ni Rain sa dalaga. Magkasalubong na kilay ang nabungaran niya. . .
"Ano?! You are asking me if I'm inlove with him?!" Inis nitong tanong.
Tumigil muna ang dalaga sa pagsasalita at itinuloy ang naudlot na kasagutan.
"Kung matagal na akong inlove sa kanya, eh 'di sana sinagot ko na siya. Alam ko kasing may pagtingin siya sa akin kaya lang natatakot siyang masira ang friendship namin dahil lang sa nararamdaman niya," salaysay ni Lorie.
"Matagal mo nang alam?" Nabiglang tanong ni Rain kay Lorie.
"Oo naman, since we've met each other. Kahit nakakahiya, aaminin kong kahit sandali naging crush ko siya. Sino ba naman ang hindi magkakacrush sa isang tulad ni Manard Dela Paz... His handsome, gentleman and have sweet manners na gustong-gusto naman naming mga babae!" Kinikilig na pahayag ni Lorie.
Napanganga si Rain sa mga narinig niya sa mga sandaling kausap niya si Lorie. Napakaimposible talaga ang babaeng ito, 'di mo aakalain na maraming itinatagong secret.
Naunawaan rin niya na trusted siyang tao at mabait, pagsabihan ba naman siya ng mga katagu-tagong sekreto nito. Kung ipagkalat niya kaya, hindi ba ito natatakot.
"Ikaw 'wag mong ipagkakalat huh? may tiwala ako sa'yo dahil kaibigan kita!" Babala ni Lorie sa binata.
"Yes, I promise. . ." sabay ng pagtaas ng kamay ni Rain.
![](https://img.wattpad.com/cover/23452797-288-k493157.jpg)
BINABASA MO ANG
✔️Time will come( COMPLETE )
Ficção AdolescenteLove & Laughter Series TIME WILL COME Babz07aziole Teenfiction TEASER Noong una tayong magkita sa daan --- inis at pagkainsulto ang namayani sa aking puso. Pero wait ---- What is this feeling na aking nararamdaman: HATE KITA! iyon ang isinisigaw ng...