"WOW ang sweet naman ni Rain, Lorie!" Masayang panimula ni Mandy.
"Magsulat ka na, sabihin mong sa School mo ipadala ang mga sulat niya para sa'yo," susog ni Manard.
"Sige," ayon naman ni Lorie.
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON
Kahit ni isang sulat galing kay Rain ay wala man lamang siyang natanggap.
Tinatanong ni Lorie kina Mandy at Manard, kung nakokontak pa nila ito. Ngunit sabi ni Mandy, out of reach ito.
Lungkot na lungkot tuloy siya sa mga nangyayari, iisa palang ang natatanggap niyang sulat sa binata mula noon.
Wala nang sumunod dito, nakailang sulat na rin ang naipapadala niya pero parang hanggang doon nalang yata ang lahat-lahat sa kanila ni Rain.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagsusulat ng tapikin siya ni Mandy.
"Tama na Lorie kung wala na talaga, hayaan mo nalang siya. Kalimutan mo na ang lahat-lahat, masasaktan ka lamang," malungkot na pahayag ni Mandy.
"Oo nga Lorie, tama na mahigit apat na taon na ang nakararaan. . . Magtatapos na tayo ng College, pero wala ka man nang natatanggap na sulat. Move on Lorie, marami pang iba diyan na magmamahal sa'yo at narito kami. Siguro kasal na iyon kay Trisha Mae." si Manard.
"Hindi! Hindi ganon si Rain, hindi siya mangangako kung hindi niya tutuparin. Alam kong babalikan niya ako dito sa Pilipinas, may anim pa siyang taon roon." nangingiting sagot ni Lorie.
"Kung talagang mahal ka niya Lorie, eh 'di sana tumatawag man lamang siya sa'yo o 'di kaya'y nagsusulat man lang pero ano wala, nawala siya na parang bula!" Himutok ni Manard.
Mula sa pagkakatayo sa locker ng dalaga, bigla nalang bumalong ang luhang matagal ng kinikimkim nito.
Tama ang mga kaibigan niya, ngunit bakit ayaw pa rin bumitiw ng puso niyang naghihintay sa minamahal.
Dalawang buwan pa ang lumipas nang magtapos ang tatlo sa kursong B.S Nursing sa mababang kolehiyo sa kanilang bayan.
Nakuha na rin nila ang kanilang mga diploma, bilang patunay na nakapagtapos sila at tanda na tapos na rin ang paghihirap ng kanilang mga magulang. . .
TWO YEARS PAST
NASA dati siyang paaralan kung saan siya nag-highschool at nagtapos.
Homecoming Alumni nila at marami ang dumalo, iilan lamang silang nakapunta sa Batch nila.
Kasama niya ngayon sina Manard at Mandy. Sa muling pagbabalik ng reyalidad niya, napagtanto niyang may hinahanap siya sa paligid ng entrance.
Kung saan pumapasok ang mga bagong dating.
"Ano ba 'tong naiisip niya, hanggang ngayon pa ba hinahanap niya pa rin si Rain na baka bumalik ito para sa kaniya," napapangiting isip niya.
"Lorie, may goodnews kami sa'yo," masayang pamamalita ni Manard.
"Ano iyon?" Takang tanong ni Lorie sa dalawa.
"Alam mo bang inalok na ako ni Manard ng kasal, na tinanggap ko naman. Gusto kong ikaw ang tumayong bridesmate ko," masayang sambit ni Mandy.
"Wow! Congrats kailan?" Nagulat na tanong ni Lorie sa dalawa.
"Sa susunod na buwan na at alam mo Lorie, I'm one week pregnant na. Kaya nga pinabilis namin ang kasal, para 'di ako lumubo. Ikaw ang isa sa mga magiging ninang ng baby namin ni Manard, ah! " Tuwang-tuwa na wika ni Mandy.
Napalis ang ngiti ni Lorie at napalitan iyon ng kalungkutan.
"Mandy, Manard sorry pero hindi ako makakarating sa kasal niyo. Nakuha ko na kasi yung passport ko saka na-grant na ang visa ko. Nakapasa kasi ako sa London para magtrabaho roon ng dalawang taon. Masusuklian ko na rin sina Itay at Inay," masayang salaysay ni Lorie habang lumalagok ng softdrink.
"Sayang naman. . ." sagot ni Mandy.
"Kakalimutan mo na si Rain, sawa ka nang maghintay Lorie?" Takang tanong kapagdaka ni Manard.
Gumuhit sa kanyang mukha ang labis na lungkot.
"Alam niyo, lahat naman ay may katapusan. Ang sa amin ni Rain ay matagal nang nawala. Hindi naman ako galit sa kanya dahil iniwan niya ako, kahit na kailan hindi naman naging kami. " saad ni Lorie na lalong ikinalungkot nito.
Nalungkot rin ang dalawang kaibigan nito.
"Magpapakasal na siya kay Trisha Mae. Talaga naman siya ang itinakda para dito at hindi ako. Matagal akong naghintay pero may hangganan ang lahat," dagdag pa ni Lorie.
"Goodluck na lamang sa'yo best, kailan ang lipad mo?" Tanong ni Manard.
"Mamayang 3:30 A.M kaya maaga akong uuwi sa amin para makapagpahinga." si Lorie.
"Kaya bago ka umuwi, celebrate muna!" Sigaw ni Manard.
ALAS-DIYES na nang magpaalam na siya kina Manard at Mandy, para kahit paano ay may apat na oras pa siyang pahinga.
Nasa gate na siya ng magring ang cellphone niya.
"Hello anak, nandiyan kapa sa School niyo? Sabi ng manager mo, aalis na ang eroplano mo ng 11:30. Susunduin ka nalang namin riyan, okay!" Balita ng kanyang Inay.
Lalo siyang nalungkot, dahil mas naging mabilis ang pag-alis niya. Muli niyang pinagmasdan ang lugar na iyon.
Mamaya aalis na siya, lilimutin at iiwan nalang niya ang lahat ng mga alaala niya sa lugar na iyon. Kung saan nakasama niya si Rain.
BINABASA MO ANG
✔️Time will come( COMPLETE )
Ficção AdolescenteLove & Laughter Series TIME WILL COME Babz07aziole Teenfiction TEASER Noong una tayong magkita sa daan --- inis at pagkainsulto ang namayani sa aking puso. Pero wait ---- What is this feeling na aking nararamdaman: HATE KITA! iyon ang isinisigaw ng...