ILANG buwan na ang lumipas, patuloy na ipinararamdam ng dalawa ang kanilang espesyal na damdamin sa isa't isa.
Minsan nagkakatampuhan sina Lorie at Rain. Away bati na lalo namang nagpapakulay sa kanilang buhay pag-ibig.
"Hay naku best! nakakainis na talaga si Rain. Biruin mong iinisin ka niya tapos siya pa ang magmamasungit. Grabe! hindi ko talaga alam kong ano talaga ang gusto ng lalaking iyon!" Himutok na kwento ni Lorie kay Manard.
"Gusto lamang ni Rain ang maglambing sa'yo. Kung gusto mo talaga siyang mapasaya, sagutin mo na nga kasi ang panliligaw niya sa'yo. Tiyak inip na inip na iyon!" Sagot naman ni Manard.
"Ikaw Manard kung ano-ano ang mga sinasabi mo, kung may makarinig sa'yo ano pa ang isipin. . . Saka hindi naman nanliligaw si Rain sa akin, ganon lang iyon parang bata kung mag-isip!" Pabalang na sagot ni Lorie.
Papasok na sila sa silid-aralan ng dumiretso si Lorie sa kanyang upuan at pasalyang umupo.Sinundan siya ni Manard at kinausap.
"Alam mo, napapansin ko lang. Minsan ang mga lalaki natotorpe, hindi nila alam kung paano manligaw o pomorma sa isang babae. Minsan ginagawa pa nilang pampalipas oras ang pagtitig sa babaeng nagugustuhan nila na para bang inoorasyonan ito. Ikaw kasi pakipot ka pa, wala namang masama kung io-open mo 'yang puso mo kay Rain at tanggapin siya bilang boyfriend. Iyan ang problema sa inyong dalawa, nagiikutan lang kayo. Kaya magisip-isip ka at baka mawala na siya ng tuluyan si Rain sa'yo!" Mahabang lintanya ni Manard sabay naupo ito sa lamesa ni Lorie.
"Ganoon nasaan nga pala sina Mandy at Rain, parang hindi yata pumasok. Pansin ko, hindi ata kayo nagpapansinan," tanong ni Lorie habang may kinukuha sa ilalim ng drawer desk niya.
"Tignan mo Manard, may sulat na naman sakin si Mr. Cute. Nakakainlove talaga siyang magbiro!" Sambit pa ni Lorie.
"Iyan ang isa pa, kapag magkasintahan na kayo ni Rain, iwasan mo nang tumanggap ng mga ganyang bagay sa mga admirers mo kung 'di lagot ka kay Rain sige ka!" Banta naman ni Manard habang sinisilip ang laman ng sobre.
"Ikaw naman Manard, iniinsulto mo naman si Mr. Cute. Pagdating ng panahon kapag dumating ang araw sasabihin ko sa kanya na may minamahal na ako at si Rain iyon.Okay, saka ba't parang matamlay yata ang araw mo Manard?"
Matamang nakaupo si Manard at maang na napatingin ito sa itinuring na first love niya.
"Cool off muna kami ni Mandy, marami kasing problema. Isa pa marami kaming 'di napagkasunduan, lalong-lalo na ang pagsama-sama niya sa mga kaibigan niya sa disco at kung saan-saan. Minsan wala na nga siyang oras para kausapin ako minsan, hindi na siya nakakapagdesisyon kung anong dapat gawin namin. Iyon pa ang dahilan kaya nag-aaway kami dahil mas pinahahalagaan niya ang ibang mga bagay kaysa sa sarili niyang boyfriend. Kaya nakipagcool-off muna ako para mapagisip-isip niya rin ang nararamdaman ko bilang B.F niya. Masakit ngunit pansamantala lang ito Lorie," malungkot na sambit ni Manard.
"Ganoon ba. . . Cheer up, ilang araw lang naman babalik na rin ang dati niyong samahan. Nasaan nga pala sina Rain?" Tanong ng dalaga.
"Hindi mo ba alam? Nagout-of-town ang kani-kanilang pamilya nina Mandy, baka lunes pa ang balik ng mga iyon. Ganoon talaga ang mga mayayaman," pagbabalita ni Manard kay Lorie.
Napatigil si Lorie sa pagbabasa nang maunawaan nito ang mga sinasabi ni Manard. Bakit ba siya nasasaktan, hindi naman siya kasintahan ni Rain ngunit bakit siya nag-aalala nang lubos.
Para siyang laruan ng binata na pinababayaan nalang ni Rain na parang isang bagay na walang halaga.
Hindi man lamang ito nagsabi kung may pupuntahan ito, basta iniwan nalang at babalikan na parang isang bagay.
BINABASA MO ANG
✔️Time will come( COMPLETE )
Ficção AdolescenteLove & Laughter Series TIME WILL COME Babz07aziole Teenfiction TEASER Noong una tayong magkita sa daan --- inis at pagkainsulto ang namayani sa aking puso. Pero wait ---- What is this feeling na aking nararamdaman: HATE KITA! iyon ang isinisigaw ng...