HINDI inaasahan ni Lorie ang mga sumunod na pangyayari, na kung saan si Rain ay nakapatong sa kanya.
Ramdam niya ang tensiyon sa pagitan nila ng binata, iniwas nalang ni Lorie ang paningin na kung saan nakatunghay ang mga malalagkit na titig ng binata sa kanyang mga labi.
Pilit niyan itinutulak ang binata, ngunit hindi talaga ito natinag at tila tulala lamang itong nakatunghay sa kanya. Unang umimik ang binata, tila may bikig ito sa lalamunan.
"L-Lorie. . ." sa wakas nakapagsalita na rin si Rain.
"Rain pwede bang ialis mo na 'yang katawan mo," tulirong usal ni Lorie.
Nang hindi sinasadyang naidampi ng isang palad ni Lorie sa braso ng binata.
"Mainit ka, may problema ba Rain?" Takang tanong ni Lorie habang hinahaplos ang pisngi ng binata.
Isang segundo ang lumipas, bigla nalang tumahimik ang dalaga.
Hindi na napigilan ni Rain ang sarili, mahigpit niyang niyakap ang dalaga at mabilis na idinampi sa mga labi nito ang kanyang mga labi.
Naging mapusok ang mga sumunod na pangyayari, hindi na napigilan ni Rain ang mawala sa sarili at pagbigyan ang kahilingan ng sarili. Ganoon nalang niya ipinadama sa dalaga ang kanyang ninanais.
Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang inaangkin ang mga labing iyon, ngunit sa pagkakaalam niya iyon ang pinakamatamis na tagpong kasama niya si Lorie na kung saan naipalasap nito ang kanyang ninanais.
Hanggang sa unti-unti rin silang nagkalas. Umalis ito sa pagkakadagan sa dalaga.
"Sorry Lorie, h-hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko mapatawad mo sana ako," pagpapaumanhin ni Rain sa dalaga.
"Huwag mo ng alalahanin iyon, okay lang. Dati-rati naman na nating ginagawa ang mga bagay na ginagawa lamang ng magkasintahan, hindi ba?" Maikling salaysay ni Lorie, saka ito tumayo at humakbang para lumabas ng kuwarto.
"Saan ka pupunta?" Tarantang tanong ni Rain sa dalaga.
"Kukuha lamang ako ng kape saka biscuit," paalam ni Lorie sa binata.
"Sige basta babalik ka, 'wag kang magtatampo sa akin Lorie." si Rain.
Napangiti na lamang ang dalaga, bago ito humakbang palabas ng kuwarto.
Habang naghihintay naman sa kuwarto ang binata, masaya namang binabalikan nito sa gunita ang nangyari sa pagitan nila ni Lorie kani-kanina lang.
"Hayst! napakasarap mo talagang mahalin Lorie," mahinang bulong ni Rain sa unan na kanyang yakap.
Habang naghahanda naman si Lorie ng kape, ay bigla namang sumulpot sa may kung saan ang isang tinig.
"Narito ka pala Lorie, pwedi ba kitang makausap iha?" Tanong ni Ginang Ren.
"Pwedi ho, titimplahin ko lang po ito," tipid na sagot ni Lorie.
Nang matapos siya ay pumunta na sila sa lamesa kung saan naghahapunan at kumakain ang pamilya Gamboa.
Mataman siyang tinitigan ng Ginang bago nagsalita.
"Iha, ikaw ba ang kasintahan ngayon ni Rain?" Tanong nito.
"Po? Hindi po magkaibigan lang ho kami ni Rain," magalang na tanggi ni Lorie.
"Kape ho." alok ni Lorie sa matanda.
BINABASA MO ANG
✔️Time will come( COMPLETE )
Novela JuvenilLove & Laughter Series TIME WILL COME Babz07aziole Teenfiction TEASER Noong una tayong magkita sa daan --- inis at pagkainsulto ang namayani sa aking puso. Pero wait ---- What is this feeling na aking nararamdaman: HATE KITA! iyon ang isinisigaw ng...