PAGLABAS NG DALAWA SA CLASSROOM"Lorie sorry sa lahat huh, pero sana maging friend na tayo," hinging paumanhin ni Rain.
"Okay lang. . ." tugon ni Lorie bagamat nabibigla ito sa mga nangyayari.
"Pero meron sana akong isang favor," nakangising sagot ni Rain.
"Ano? Sana kaya yan ng powers ko huh!" Tanong ni Lorie.
"Madali lang naman. . . Pwedi bang makahirit ng isa pang kiss? Sige na! Namimiss ko na kasi iyon," hiling ng binata.
"Ano ka hilo sobra ka na, masyadong mataas ang pangarap mo Mr. Gamboa!" Natatawang saad ni Lorie.
Kasabay niyon ang pagkaripas ng takbo ni Lorie...
"Hindi ka makakatakas!" Sigaw ni Rain habang patuloy itong humahabol.
"Tinatakot mo ba ako?" hamon ng dalaga.
Sabay ng pagkuha ni Lorie ng walis tambo sa lalagyan para ipampalo sa isang mabangis na hayop na katulad ni Rain. . .
Nagbibirong sabi ni Rain sa dalaga.
"Anong joke?! Di joke rin ito!" Sabay palo sa binata.
Natigil lang ang kulitan nila ng may narinig silang yabag palapit sa kanilang kinaroroonan si Manard pala ang parating.
"Ah Manard, siya nga pala si Rain. . . At Rain si Manard best friend ko," pakilala ni Lorie sa dalawang binata.
"Pare it's nice to meet you." si Manard.
Kasabay nito ay naglahad si Manard ng palakaibigang kamay na tinanggap naman ni Rain.
Nagpaalam si Lorie sa dalawang binatilyo, sapagkat may dapat siyang tapusin sa klase.
"Pare gusto mo bang kumain muna? Libre kita." imbita ni Rain sa binata. Pumayag naman kaagad si Manard
SA LOOB NG CANTEEN
Matapos makabili ng pagkain ay nagsimula ng magsalita si Manard.
"Kung ano man ang motibo mo sa kaibigan ko, ipagpaliban mo nalang. Dahil hindi kita mapapayagan!" Marahas na banggit ni Manard kay Rain.
Natigilan si Rain sa paglagok ng soft drink dahil sa narinig.
"Oh bakit 'di ka nakakibo riyan. Inurungan ka yata ng dila?!" Dagdag na sabi ni Manard.
Bakas pa rin sa mukha ni Manard ang matinding inis kay Rain.
"I'm really sincere to her pare, when I first time saw her... I'm fallen in love to her. Naniniwala ka ba sa mga pinagsasabi ko?" Salaysay ni Rain.
Tumitig si Manard na may kaakibat na mga matang nang-uusig.
"Binabalaan kita, mag-iingat ka sa mga magagawa mo. Oras na masaktan mo siya at niloko may paglalagiyan ka sa akin!" Nagbabantang sabi ni Manard.
Tumayo na si Manard sa kinauupuan nito at akma na itong aalis. Nang biglang napatayo si Rain.
"Wait pare are you inlove with her?" Tanong ni Rain kay Manard.
"Yes Pare more than a friend ang nararamdaman ko. Kaya sana 'wag mo nang subukang ligawan siya! Hindi ka niya magugustuhan!" Sagot ni Manard na may halong galit.
"Hindi ka naman niya syota?! And beside, magugustuhan niya rin ako pagdating ng araw na iyon and I'm sure of that. Kaya pag 'di mo ipinagtapat ang feeling mo for her, I will make sure. Soon magiging girlfriend ko siya," pahayag ni Rain.
BINABASA MO ANG
✔️Time will come( COMPLETE )
Ficção AdolescenteLove & Laughter Series TIME WILL COME Babz07aziole Teenfiction TEASER Noong una tayong magkita sa daan --- inis at pagkainsulto ang namayani sa aking puso. Pero wait ---- What is this feeling na aking nararamdaman: HATE KITA! iyon ang isinisigaw ng...