CHAPTER SEVEN (JUST A DATE)

31 3 0
                                    

NASA labas na ng gate si Rain at naghihintay sa kadate nito, nauna na sina Manard at Mandy excited na kasi ang dalawang magdate.

Hihintayin nalang daw sila sa ice creaman. Habang naglalakad naman si Lorie papasok ay binibilisan na niya at the same time inaayusan na rin niya ang ang sarili.

Panay ang tingin nito sa salamin na dahilan naman upang makabundol siya. Nagulat pa si Lorie ng mapagtanto na si Rain iyon

"Oh Rain ba't nandito ka?" Tanong ni Lorie habang tinutulungan siyang tumayo ni Rain. Napangiti si Rain.

"Hinihintay ko lang yung date ko, ikaw kilala mo ba kung sino siya? "Tanong nito kay Lorie.

"Huh? Baka mainis ka pag inamin kong ako ang kadate mo?" Nahihiyang amin ni Lorie.

"Ikaw?" Gulat na napatutok ang binata sa dalaga.

"Imposible, ayaw mo ngang magpaligaw sa akin makipagdate pa." Hindi makapaniwalang usig nito sa kanya.

"Kung ayaw mo akong kadate, pakisabi nalang kina Manard na maghanap nalang siya ng iba na magtiyatiyaga sa kaartihan mo!" Inis na sumbat ni Lorie kay Rain na napahiya ng sobra sa tinuran ni Rain.

Napatingin ito sa mga mata niya.

"Oh tama na, oks lang naman sa akin na ikaw ang kadate ko, tiyak mag-eenjoy tayo roon!" Nakangiting panunudynd ni Rain sa kanya.

Pakiramdam ni Lorie ay para siyang pusang kalye na kinakaawaan nito!

Dinukot ni Rain sa bulsa ang nakatagong cellphone. Tumawag ito at kung sino man ang tinatawagan nito ay hindi niya alam at wala siyang pakialam.

"Mamaya narito na ang sundo natin," anunsiyo ni Rain.

May pumaradang kotse sa harap nila at pinagbuksan sila ng pintuan.

"Sir," tawag pansin ng drayber na nasa harap.

Sumakay ang dalawa.

"Sa Enchanted Kingdom. . ." pormal na mando ni Rain.

Biglang umandar ang kinalulunan nilang kotse, sa buong buhay ni Lorie ngayon lamang siya nakasakay ng magarang kotse kaya excited siyang sumakay. Lalo siyang natuwa ng umandar ang kotse, para siyang bata kung tutuusin. Napansin agad ni Rain si Lorie.

"Oh Lorie, first time mo bang sumakay?" Nakangiting tanong ni Rain sa kanya.

Nahihiya man tumango siya medyo natawa ang drayber. Nalungkot si Lorie dahil sa inasal ng drayber nagmukha siyang isip bata. Nakakahiya naman kay Rain. Ngunit imbes na pagtawanan siya ni Rain ay sinabayan nalang siya sa paglalaro sa upuan.

"Ang lambot, hindi ba?" Tanong ni Rain habang tumatalbog-talbog sa upuan.

"O-Oo!" Nakangiting sang-ayon nito sa binata.

Natahimik nalang ang drayber, sabay naman na nagkatinginan ang dalawa at natawa. Lumipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa Enchanted Kingdom.

Bumaba na sila  ng kotse. Ngayon lamang nakarating sa lugar na iyon si Lorie kaya naexcite siyang sumakay sa mga rides ng mapag-alaman niyang libre sila ni Manard...

"Halika na!" Untag ni Rain sa kanya habang nag-uumpisa nang maglakad ito.

"Saan ba tayo magkikita-kita nina Manard?" Takang-tanong ni Lorie sa kasama.

"Sa sa Ice Cream Store daw. . ." sagot ni Rain habang hinahanap ang meeting place.

"Rain! Hayun sila!" Napatakbo ang dalawa ng makita sina Manard at Mandy na tumitikim ng ice cream.

✔️Time will come( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon