CHAPTER THREE (ROOM OF SECTION A & B EMERGED)

63 3 0
                                    


MALAKING dagok kay Lorie ang nangyari sa kanya, marami talagang nagbago ng makilala niya ang lalaking nagnakaw ng first kiss niya. 

Makalipas ang ilang araw...

Hindi na nagkasalubong ang kanilang mga landas. Pagkatapos ng kanilang Math subject.

"Ah Lorie, puwedi mo bang papuntahin ang estudyanteng ito."si Miss Rosario.

Sabay ibinigay ng guro ng isang maliit na cute na notebook. Nakasulat roon ang isang kakaibang pangalan.

"Ma'am ito ho bang Rain B. Gamboa?" Basa nito sa nakalagay na pangalan sa harap ng notebook.

"Yes Lorie! Sa section 2 iyan, ng 4th year highschool. Malayo dito ang room nila at puro bastos ang mga estudyante roon, magpasama ka na lang sa boyfriend mong si Manard," patuloy pa ng guro.

"Naku Ma'am! Hindi ko ho siya kasintahan, matalik na kaibigan lang po." nakangiting pagtatama ni Lorie.

Paparating naman ang kababata at bestfriend ni Lorie. Walang iba kung 'di si Manard Dela Paz.

"Good afternoon Ma'am, ipinatawag niyo raw ako?" Tanong ni Manard habang sinusulyapan si Lorie.

"Ikaw iho, saan ba kayo nagpunta ng mga kaklase mo?" Si Miss Rosario.

"Sa libriary at ang iba ay nasa sa gym ho... Bakit niyo po ako ipinatawag may problema ba Ma'am?" Maayos na tanong ni Manard.

"Pwedi mo bang samahan pumunta si Ms. Lorie sa room ng 4th year highschool ng section 2?" Tanong kapagdaka ng titser.

"Yes Ma'am, alam ko kasing mga gago ho ang mga naroroon... Ako na hong bahala!" Sang-ayon naman ni Manard sa guro.

Habang sila'y naglalakad nai-kwento ni Lorie ang tungkol kay Rain, pero 'di niya binanggit sa kwento ang pagnakaw ng binata ng kanyang first kiss.

"Walang hiya pala iyon, sabihin mo kung sino ba at sasapakin ko!" Inis na turan ni Manard.

"Hayaan mo na! Makakarma rin ang ang mga taong katulad niya, pero pansin ko ang cute niya!" Sabad naman ni Lorie.

"Lorie binastos ka na nga nung tao, may gana ka pang mangpuri doon! Mahiya ka naman best friend!" Takang sabi ni Manard.

"Hmmp! Sabihin ko mang cute siya wala kang pakialam!" Inis nitong sumbat.

Galit na si Lorie sa inasal ng kaibigan.

"Oh sorry na... Sumusungit na naman si best, baka kasi ho ate... Paglaon maging love na iyan at mag-eexit na si crush!" Paangil na turan ni Manard.

"Oo na Daddy... I remember that forever and ever, tsaka alam mo ang sama ng ugali niya. Napakabastos pa!" Salaysay ni Lorie sa kaibigan.

"Tsaka bakit mo pala naikwento ang tungkol sa lalaking cute na bastos, eh kanina yung tungkol lang sa mga formula sa Math lang pinag-uusapan natin?!" Usisa ni Manard sa best friend.

Natatawa ito na parang may gustong malanghap na chismis. Likas na kasi kay Manard ang pagkachismoso, bagama't hindi ito bading.

"Ah kasi birth day ko noon, diba? Siyempre espesyal iyon na araw. Siyempre masisingit siya sa kwento ko. Buwesit siya, lokong bakla!" Pagdadahilan ni Lorie.

"Ano bading siya?! Best ba't may feeling ka doon, 'wag mong sasabihing iniisip mo siya gabi-gabi... Shocks!" Nandidiring tanong ni Manard.

✔️Time will come( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon