EPILOGUE

75 4 1
                                    


NASA harapan niya ngayon ang taxing maghahatid sa kanya papuntang airport, kung saan ang lumbay at lungkot ay matatapos na.

Isa.

Dalawa.

Tatlo...

Nakatatlo na siyang hakbang nang marinig niya mula sa likuran ang isang tinig. Hindi niya mawari ang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

"Lorie! 'Wag mo akong iwan, akala ko kapag nilimot kita makakaya ko. Pero nagkamali ako, hindi ko kaya Lorie. Please! Bumalik ka na," bulong ni Rain mula sa kanyang likuran habang yakap-yakap siya nito sa baywang.

Mula sa kanyang pagkakatayo, umagos ang mga luhang matagal nang gustong kumawala sa kanyang mga mata. Sa kanyang pagharap hindi niya aakalain na makikita pa niya ang mukha ng binata.

Mahigpit niya itong niyakap, tanda na tinatanggap siya ng dalaga.

Nang gabi ring iyon hindi na umalis si Lorie para pumunta sa London.

SA BAHAY NINA LORIE

"Kung hindi pala ako bumalik rito sa Pilipinas, eh 'di wala ng Lorie ang madadatnan ko. . ." sambit ni Rain habang hinahawakan ang mga palad ng dalaga.

"Ano na palang nangyari kay Trisha, bakit hindi ba natuloy ang kasal niyo?" Usisa ni Lorie kapagdaka.

"Si Trisha?" Natatawang sabi ni Rain.

"Oh, bakit anong nangyari kay Trisha? Bakit tumatawa ka riyan!" Galit na sita ni Lorie.

"Hindi ka maniniwala hindi sumipot si Trisha sa kasal namin, mas sumama pa siya sa pinsan kong si J.C. Hay naku!  Nakakita lang ng mas gwapo sa akin, 'yun na ang pinili niya!" Naiiling na pahayag ni Rain.

"Ano! Ikaw Rain napakapilyo mo, ginusto mo naman palang makasal kay Trisha. Humantong pa sa kasalan, nang mawala siya ako naman ang ipapalit mo! Bolero! Ang kapal mo! " Inis na sita ni Lorie.

"No! Lorie, hindi ka nawala sa puso ko. You still remember this necklace, parati ko 'tong suot-suot kaya hindi ka nawala sa puso ko. Trust me!" Bulong ni Rain habang pinupugpug ng halik ang kamay ni Lorie.

"Ikaw rin naman, namiss kita ng sobra!"  Bulong din ni Lorie.

"I Love You you're my first love, my only one. First and last girl that I'm gonna love, sinasagot mo na ba ang panliligaw ko? Matagal na, noon pang fourth year Highschool pa tayo, Still remember?" Saad ni Rain.

Pamayamaya. . .

"Yes, sinasagot na kita Rain!" Matamis na bigkas ni Lorie.

Napaangat ng tingin si Rain at napangiti ng maluwang.

Hindi napigilan ng binata ang yakapin si Lorie, kung hindi lang siya naawat ng dalawang matanda baka hilong-hilo na ang dalaga.

"My dream girl, my only one. . ." usal ni Rain.

Lumipas ang isang buwan naikasal sina Manard at Mandy. Mabilis na lumipas ang walong buwan, naipanganak ang first baby boy nina Manard at Mandy.

"Lorie, ngayong may baby na sina Manard baka pweding. . ." malisyosong bulong ni Rain.

"Ang sama mo, ayokong mabuntis ng maaga! Baka akala mo," pagtanggi ni Lorie.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Ang sabi ko, papayag ka bang pakasal tayo pagkatapos kong tapusin ang course ko?" Malambing  na sabi ng binata.

"Yes, I will marry you. . . I will be your only girl Rain!" Puno ng damdamin na deklarasyon ni Lorie.

"Yes, your the only one Lorie, I Love You!" Balik-sagot ni Rain.

THREE YEARS LATER

Nang makapagtapos si Rain sa kursong Abogasya, agad na nagpakasal ang dalawa.

Masayang-masaya naman ang kanilang mga magulang na lahat ng mga pangarap sa mga anak nila ay natupad. Ganoon rin sa ikakasiya ng mga ito.

Kung hinayaan nalang sana nilang mahalin ang isa't-isa, sana walang oras na nasayang pero sabi nga. . .

The right time will come, love can wait no matter it takes, there will be still remain inside and that is the true Love.

And they Live Happily Ever After. . .

WAKAS.



✔️Time will come( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon