"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit kailangang humantong tayo sa ganito? Napag-usapan na natin ito, diba? Huwag mo namang gawin ito sa akin. Naiintindihan ko naman 'yong sitwasyon natin e. Pero 'yong point na saktan mo ang damdamin ko para lang sumuko ako, iyon ang hindi ko maintindihan. Alam mo kung gaano kita kamahal at alam mo rin kung gaano ka kahalaga sa akin. Kahit na anong gawin mo hindi ako susuko sa ating dalawa dahil mahal kita. Ako ba...Ako ba mahal mo rin?" garalgal na ang boses niya mula sa pag-iyak. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiyak sa harapan ko at inaamin ko na hindi ko gustong nakikita siya na ganito.
"I'm sorry. Ayoko na kasing pahirapan pa natin ang isa't- isa. Alam mo naman na paghihiwalayin at paglalayuin tayo kapag nalaman nila diba? Oo, mahal kita pero ayoko na ng ganito. We can't go on being like this forever—"
"Eh di sabihin na natin sa kanila," putol niya sa sinasabi ko.
"Nahihibang ka na ba?! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?! Kapag ginawa natin 'yon, sa tingin mo ba magiging maayos na ang lahat? Gusto mo ba talagang mas palalain ang sitwasyon?!" Bulyaw ko sa kanya. Natahimik siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Ramdam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya dahil ako mismo ang nagdudulot nito sa kanya. At kahit anong gawin ko, mas doble 'yong sakit na nararamdaman ko dahil ayoko siyang iwanan. Ayoko siyang saktan sa ganitong paraan. Ni minsan, hindi ko inisip na saktan siya pero heto at ginagawa ko na ngayon sa kanya.
"I'm sorry but we're done," bulong ko bago ko binitawan ang kanyang kamay at tuluyan siyang iniwan.
"Kahit anong mangyari, hindi ako susuko sayo. Tandaan mo 'yan, maghihintay ako. Hihintayin kita kahit gaano pa 'yon katagal!" rinig kong sigaw niya habang tumatakbo ako papalayo mula sa kung saan ko siya iniwan. At ang kanina ko pang pinipigil na luha ay tuluyan nang pumatak.
BINABASA MO ANG
Scared Heart
RomanceDahil sa isang rule, mapipilitan ang dalawang taong nagmamahalan para mapalayo sa isa't-isa. At sa kanilang pagkakalayo, doon masusubukan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ngunit, anong mangyayari kapag nag-krus and landas nila? Anong mangyayar...