CHAPTER 10: FRAGILE

607 26 0
                                    

Zeff's P.O.V.

Mabilis na lumipas ang oras, gusto ko nga sanang tumigil para hindi dumating ang araw na ito kasi masakit.

Oo, sobrang sakit na makitang malungkot ang mahal ko. Ngayon ay araw para gunitain ang mga namayapa na at ang rason ko para hilingin na sana hindi dumating ang araw na ito ay dahil sa makikita ko na naman ang luha ni Aianneko.

Narito kami ngayon sa cemetery— sa puntod ng parents ni Aianne ko, sina Tito Rev at Tita Rach. Nakaupo ngayon si Aianneko sa tabi ng puntod nila Tito at Tita, I can see her loneliness pero hindi na grabe tulad nung kamamatay pa lang nila. I can see na tanggap na niya lahat ng nangyari. Pero kitang-kita ko sa mga mata niya that she's longing for them; that she misses them a lot.

"Uwi na tayo." Maya-maya ay sabi niya sa amin ni Lola.

"Sige at ng makapagtirik din tayo ng kandila sa puntod ng mommy mo, Zeff." Sabi naman ni Lola.

"Sige po," sagot ko naman.

Ayoko ring dumating ang araw na ito kasi hindi ko maikakaila na nami-miss ko rin si Mama.

After Mom died of a plane crash na kasalanan ng Daddy ko, hindi ko na ginustong balikan pa ang mga ala-ala na iyon at hindi ko talaga gusto na dumating ang November 2.

Nasaan naman ang Daddy ko? Aba malay ko! Iniwan niya ako kay Lola nung mismong araw ng libing ni Mommy.

"Zeivko, are you ok? You're spacing out," nag-aalalang tanong ni Aianneko.

"Yeah. I'm alright. Tara na,"sagot ko naman.

---

Arhianne's P.O.V.

Ramdam ko ang kalungkutan naming dalawa ni Zeff. Sa totoo lang, ito ang isang bagay na pareho kami; pareho kaming mahina at pareho kaming fragile. Hindi man namin magawang aminin, naitatago man namin iyon sa aming mga ngiti, sa totoo lang, sobrang napaka-delicate talaga ng aming mga damdamin. Kaya siguro ganito kami ka-emo.

Pero syempre, magulang ang nawala sa amin; pareho kaming nawalan. Ang pinagkaiba lang, both parents ang kinuha ni Lord sa akin pero kay Zeff, mommy niya. But I can say na pati ang Daddy niya nawala sa kanya kasi iniwan siya e. At wala ng mas sasakit pa doon. At least ako, mayroon akong Tita Vera at Tito Alec na tumayong mga magulang ko.

"You okay?" tanong ni Zeff sa akin habang naupo siya sa tabi ko.

"Yeah." Tipid kong sagot. Tapos nagkaroon ng katahimikan.

"Hmmm. We really miss them, don't we?" maya-maya ay sabi niya na siyang bumasag sa aming katahimikan.

"At kahit i-deny pa nating dalawa e guilty pa rin tayo." Dagdag ko sa sinabi niya, which also served as my answer.

"Ang sakit kapag nawalan ka ng taong mahalaga sa buhay mo. Lalo na kung sobrang mahal mo." He said.

Kahit na iba 'yong gusto niyang iparating sa sinabi niya, parang natamaan pa rin ako. Hindi dahil ganoon rin yong nararamdaman ko tungkol sa pagkawala nila Mama at Papa pero dahil naalala ko 'yong panahong iniwan ko si Zeff. Then I looked at him, masyado siyang malungkot.

Fragile. 'Yong tipong isang maling galaw mo lang e mababasag mo siya. Niyakap ko na lamang siya and it was a wrong move. Kasi nabasag na nga siya, he was crying habang nakabaon sa leeg ko ang ulo niya.

"Tahan na Zeivko. Kailangan nating tanggapin na may purpose ang lahat," I said to comfort him.

"Yeah. And yet, I miss my Mom so much," he said while crying. Naiintindihan ko siya kasi alam kong Mama's boy siya tsaka super close talaga sila ni Tita. The thing is, Tita died 2 months before we broke-up 2 years ago kaya naiintindihan ko iyong nararamdaman niya.

"And I hate to say this, but I also miss my Dad," ang sinabi niyang 'to ang ikinagulat ko. Ever since kasi na iniwan siya ni Tito, wala siyang ibang naramdaman kundi galit, sama ng loob at pagkamuhi kay Tito.

Hindi ko siya masisisi dahil umalis si Tito na hindi man lang nagpapaalam. I hugged him tighter. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak kahit na bilang na bilang ko lang ang mga panahon kung kailan siya umiyak. Para sa akin, hindi kabaklaan iyon. It just shows na totoo siya sa nararamdaman niya.

Maya-maya pa ay hindi na siya umiiyak at yumakap na rin siya sa akin.

"Sorry, naiyakan pa tuloy kita," sabi niya sa akin.

"It's okay. Naiintindihan ko naman e,"sabi ko naman.

"Aianneko, promise me that you'll never leave me, will you? I can't bear another pain like that."

"I promise"

"Thanks...I love you," bulong niya.

Scared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon