CHAPTER 5: THE AFTERMATH

782 32 1
                                    

Arhianne's P.O.V.

"Hinihintay pa rin kitang bumalik sa akin Aianneko. Hinihintay kitang maging matapang para sa pagmamahalan nating dalawa. Kaya pwede ko bang hilingin ito sa'yo? Pwede ko bang hilingin sa'yo na maging matapang ka naman." Napatigil ako sa pagsagot sa interview question para sa 2nd issue ng AV Magazine dahil naalala ko na naman ang mga katagang binitawan ni Zeff.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin noong nakaraang buwan, hindi na siya kailanman nagparamdam. Itinigil na niya ang pagapapadala ng tulips sa office ko at itinigil na rin niya ang pagtawag sa cellphone ko o mag-iwan ng voice message kapag di ko sinasagot ang mga tawag niya tuwing gabi.

At ngayon na hindi ko na siya nakikita at nakaka-usap, napakabigat ng pakiramdam ko. Alam ko sa sarili ko na mali ang mga salitang pinili ko at alam ko rin sa sarili ko na nagsisisi ako sa mga sinabi ko.

Nasaktan ko si Zeff...at iyon ang masakit.

---

Zeff's P.O.V.

"...Please Zeff, tama na. Let's not ruin our lives any more. Let's not imprison ourselves from our past. Past is past, Zeff!" Paulit-ulit na lang na pumapasok ang mga katagang iyon sa isipan ko.

May past is past pa siyang nalalaman, ang sakit lang talaga. Hindi na talaga siya si Aianneko. Ramdam ko na naroon pa rin 'yong dating Arhianne na minahal ko at iyon ang sinubukan kong palabasin pero naging bato na yata ang kanyang puso. Alam ko naman na mahirap ang sitwasyon namin e, pero bakit di niya magawang lumaban? Why can't she even take a risk if she really loves me? Ibig sabihin ba nito hindi na talaga niya ako mahal? Tsss. P*t*ng*n*! Bakit ba kasi kailangan pa namin 'tong pagdaanan ni Arhianne?

Oo, tinigilan ko na ang pagpapadala ng tulips sa kanya at pagpaparamdam sa kanya pero hindi ibig sabihin noon, hindi ko na siya mahal. Pero siguro nga tama siya, maybe it's time for me to let go and move on. Kaso di ko kaya. T*ng*n* talaga!

"Bro, pwede ba tumigil ka na? Kanina ka pa nagbabasag ng bote ng beer. Para lang klaro tayo, walang kasalanan 'yang bote sayo ha? Tsaka ano ba, ako na naman paglilinisin mo niyan? Bro, para lang klaro ulit tayo ha, hindi mo ako yaya," pag-awat ni Drew sa akin. Siya ang karibal ko dati kay Arhianne kasi sila ang unang nagkakilala at naging close friends bago ako dumating sa buhay ni Arhianne. Pero ako pa rin ang nagustuhan at pinili ni Arhianne.

"Buwisit na buhay 'to Pare! Nakakabanas!" sigaw ko at akmang magtatapon na naman ng isang bote pero hinablot iyon agad ni Drew sa kamay ko.

"Kapag talaga nagsalita itong mga bote na binasag mo at babasagin mo, 'yang mukha mo ang babasagin ko bro," biro ng loko at napa-iling na lamang ako sa ka-corny-han ng mga patawa niya.

"Kasi naman bro, masyado kang stick to one at parang bakla kung magmahal. Subukan mo kayang maghanap ng iba... At damihan mo para mas masaya," suhestiyon niya at akala mo talaga ay nakakatulong ang sinabi niya. Tumatawa pa ang loko.Tsk. Nang-aadvice ba 'to o nang-iinis?

"Bro, alam mo may nabasa ako sa facebook nung isang araw e, sabi niya 'isa sa pinakamalaking KABOBOHAN sa mundo ay 'yong alam mong maraming may gusto sa'yo pero nagagawa mo pa ring MAGHINTAY sa PINAKAMANHID na tao', tingin mo bro, alin ka sa binanggit niya? Yong bobo? Yong manhid? O pareho?" Seryoso niyang sabi kahit na nakangiti pa siya. Para talaga siyang asong ulol sa itsura niya ngayon.

"Gago!" Singhal ko sa kanya at binatukan habang natatawa pa rin siya. Siya lang yata talaga ang tumatawa sa mga biro niya ngayon.

"Teka, sinasabi mo bang wala ka sa dalawa kasi 'gago' ka?" Natatawa na naman niyang tanong at muntik ko na talaga siyang pukpukin ng bote.

Pero kung iisipin ko nga naman, totoo 'yong sinabi ng kung sino man ang nag-post niyon sa facebook. At siguro nga tama rin si Drew na 'yong dalawang uri ng tao na iyon ay ako. Bobo ako kasi hinihintay ko si Arhianne at Manhid ako kasi 'di ko magawang kalimutan si Arhianne. Idagdag na rin natin ang katotohanang gago ako, kasi ginagago ko ang sarili ko sa paniniwalang babalik ang dating kami ni Arhianne.

"Ano bang magagawa ko? E sa mahal ko talaga 'yong tao," sabi ko na lamang at humablot muli ng beer, hindi para basagin iyong bote pero para uminom at palamigin ang ulo ko. Pati nga sana puso ko kung pwede lang e.    

Scared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon