Arhianne's P.O.V.
October...Ito talaga ang buwan na pinakahihintay ko. Last month kasi, naging successful ang limang fashion show na ni- held ng company through my lead at ipinangako nila Tita Vera na magbabakasyon ako from October to November as a reward. Actually, nasa biyahe na ako papuntang somewhere undeniably beautiful.
Dahil nga sawang-sawa na ako sa Paris, napagdesisyonan kong doon ako magbabakasyon sa motherhouse ng family and family-friends namin sa province doon kina Lola Dina, ang pinakahuling matanda na nagpasimula ng family-friend thingy sa amin. Actually, si Lola Dina ay Lola ni Zeff. And speaking of that guy, I never heard of him since the last time we talked. I hope he is fine now.
Pagdating ko sa mother-house, nadatnan ko ang iba sa mga family-friends namin at mga anak nila. Oo nga pala, nabanggit pala ni Tita na may gathering kami bukas.
"Ikaw na ba yan, apo? Arhianne?" tanong ng isang matandang boses sa likuran ko. Boses pa lang niya, alam ko na kung sino siya. Nilingon ko agad siya.
"Lola Dina!" dali-dali ko siyang niyakap. "Na-miss ko po kayo,"sabi ko sa kanya.
"Naku apo, na-miss din kita. Pasensya na at 'di ako nakapunta noong welcome party mo, nagkasakit kasi ako, alam mo naman tumatanda na ang lola niyo, kaya si Zeff ang pinapunta ko," paliwanag niya noong bumitaw kami sa yakap ng isa't-isa. Doon ko lang nalaman ang rason kung bakit naroon si Zeff nung araw na iyon.
"Ayos lang po, Lola. Kaysa naman pilitin niyo, mas hindi ko naman po iyon magugustuhan."
"O siya. Tara na sa loob at marami pa tayong pagkukwentuhan. Naku! Marami kang dapat ikwento sa akin ha? E 'yong pasalubong ko, hindi mo naman siguro nakalimutan ano?" biro ni Lola Dina at binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Binitbit ko naman ang bag ko at sumunod na sa kanya sa loob.
"Syempre naman, La. Makakalimutan ko ba iyon?" Sagot ko naman. Nasa harap na kami ng pinto nang may naglakad palapit sa amin.
"Ah, La. Aalis po muna ako. Babalik din po ako agad," paalam ni Zeff kay Lola.
"Naku Apo, hindi ka man lang ba makikipagkwentuhan muna kay Arhianne?" tanong ni Lola. Ewan ko pero parang gusto kong sabihin niyang 'sige po, makikipagkwentuhan ako saglit' kaso...
"Hindi na po. Sige La, alis na po ako," malamig niyang sagot, ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Doon ko lang naramdaman...Bakit parang masakit?
"Ito talagang batang ito, then at least carry her bag and bring it to her room," ma-awtoridad na sabi ni Lola kaya natigilan si Zeff, ako man ay napatingin kay Lola.
Iyon lang ang pagkakataon na tumingin sa akin si Zeff, mula sa aking ulo hanggang sa aking paa. At balik sa aking mga mata. Lumapit siya sa akin at kinuha ang bagahe ko. Bigla akong nakaramdam ng pagsikip ng dibdib ko at 'di ako makahinga, masyado kaming magkalapit ni Zeff sa isa't-isa.
"W-wag na, ako na lang. K-kaya ko naman." Kinakabahang sabi ko. Hindi naman itinuloy ni Zeff ang paghawak sa gamit ko. Tumayo siya ng maayos at umatras. Doon lang ako muling nakahinga ng maayos.
"Narinig niyo na po siya La, ayaw niyang magpatulong kaya aalis na po ako," walang emosyong sabi ni Zeff at tumalikod na sa aming dalawa. Pareho lang kami ni Lola na nakatingin kay Zeff habang papalayo siya sa amin.
"Yan talagang apo ko, hindi na nga madaldal, parang nawala pa ang manners niya. Kung ginagawa niya iyon noon para magpatawa, ngayon hindi na ako natutuwa. Hindi na nga rin siya nakikipagkwentuhan sa iba e. Sa akin lang siya nagsasabi," may halong kalungkutan na balita sa akin ni Lola pagkapasok namin sa kwarto ko.
"Talaga po?" 'yan na lang ang nasabi ko. Nagbago na nga siya.
"Oo, tsaka problema ko na nga kung paano ko siya mapapapayag na taposin ang pag-aaral niya e,"dagdag pa ni Lola na siya namang ikinagulat ko.
"Ano po? Bakit naman? Hindi ba huling sem na 'yon at ga-graduate na siya ng Architecture?" Di pa rin makapaniwalang tanong ko.
"Iyon na nga e. Tinanong ko siya kung bakit at ang tanging sagot niya ay ayaw na daw niya dahil wala na raw siyang inspirasyon para magpatuloy pa. Naisip ko nga baka naman nagseselos lang siya sa'yo kasi nga mas nauna ka pang nakatapos at nagtatrabaho ka na. Pero alam ko namang klaro sa isipan niya na 4 year course ang kinuha mo at 5 year course ang sa kanya kaya imposibleng maging rason niya iyon. Apo, sa totoo lang, hindi naman siya ganyan dati e. Alam mo 'yan dahil naging kayo." Nanlamig ako sa sinabi ni Lola at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
Paano naman niya iyon nalaman? Bukod sa amin ni Zeff, si Drew at Cassy lang ang may alam na nagkaroon ng "kami" ni Zeff.
"Wag kang mag-alala, apo. Di ako galit at di ako nagalit noong nalaman ko. Sa totoo lang nalaman ko nga lang na naging kayo nung umalis ka na dito sa Pilipinas e. Katunayan, simula nung umalis ka, nagporsige si Zeff sa pag-aaral dahil sabi niya ikaw ang inspirasyon niya. Gusto niya na pag bumalik ka na, makikita mo na ang bunga ng pagbibigay mo ng inspirasyon sa kanya kahit malayo ka. Kaso simula naman nung bumalik ka rito, bigla na lang siyang nagbago. Tumatawag sa akin minsan si Drew at ibinabalita na naglalasing daw at di pumapasok si Zeff sa mga klase niya. Pahirapan pa nga raw kapag papapasukin niya sa school si Zeff. Kulang na nga lang siguro ay siya pa ang magpaligo, magpalit at magpakain kay Zeff e. Nung dumating si Zeff dito, doon niya sinabi sa akin na ayaw na raw niyang mag-aral. Tinanong ko siya kung bakit at tanging iling lang ang isinagot niya sa akin. Tinanong ko kung may problema kayong dalawa at ang tanging sinabi niya ay kahit na mahal ka niya kung hindi na talaga magbabago ang pakikitungo mo sa kanya, tuluyan na raw siyang bibitaw at susuko. Apo, mahal na mahal ka ni Zeff. Sa tingin ko oras na para harapin mo 'yang takot sa puso mo. Wag kang mag-alala, tutulungan ko kayo." Naiyak ako sa lahat ng sinabi ni Lola.
Kasalanan ko kung bakit naging ganoon si Zeff. Kung bakit pa kasi naging komplikado ang sitwasyon namin. Pero doon ko lang din naramdaman na mahalaga pa rin pala si Zeff sa akin. Doon ko lang naramdaman na hindi ko siya binura ng tuluyan sa puso ko.
Buong araw ako na nakipagkwentuhan sa mga friends namin para mawala muna kahit saglit ang gumugulo sa isipan ko.
Hinanap ko si Drew kaso sabi nila nagbakasyon daw siya sa Thailand kaya wala siya. Gusto ko pa man din siyang kumustahin at tanungin kung anong nangyari kay Zeff nung iniwan ko siya.
Ito namang si Zeff, sabi niya babalik siya agad kaso hindi naman na siya bumalik.
Bandang 11P.M. na nung dumating siya. Tulog na lahat ng tao sa bahay maliban sa akin na hinihintay siya. Pagpasok niya sa bahay, napatigil siya ng makita ako pero wala man lang ka-ekspre-ekspresyon ang mukha niya. Lalapitan ko na sana siya pero bigla siyang naglakad at binunggo lang ako tsaka siya nagsimulang humakbang paakyat ng hagdan.
"Z-Zeff," nag-aalinlangang tawag ko sa kanya.
"Ano?!" naiirita niyang sagot at humarap sa akin.
"S-Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Kinakabahang tanong ko. Kahit na nanghihina na ang tuhod ko ay pinilit ko pa ring tumayo ng maayos at magmukhang matapang.
Kailangan ko siyang maka-usap ngayon.
"Ano bang paki-alam mo? Ano ba kita para magtanong ng ganyan?" pagalit niyang sabi.
Bubuksan ko na sana ang bibig ko para magsalita pero nagsalita siyang muli.
"Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko, EX-GIRLFRIEND nga pala kita. Pero sa tingin ko, wala ka pa rin sa posisyon para magtanong sa akin ng ganyan at mangi-alam sa buhay ko!" maangas niyang singhal sa akin at tuluyan nang umakyat papunta sa kwarto niya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marinig ko ang marahas na pagsara ng pinto ng kwarto niya.
At heto na naman ako, umiiyak. Nagbago na nga siya. At ako ang dahilan at may kasalanan sa ikinikilos niya.
I'm sorry Zeff. I really am. I didn't want to hurt you this way. I never wanted to hurt you either in the first place. But I'll do everything I can to fix this, even though it reaches the moment when I have to give up everything and face my heart's greatest fear.
Dahil ngayon, alam ko na sa sarili ko kung ano ang tunay na nararamdaman ko. Mahal pa rin kita Zeff Ivhan. At walang nagbago kahit nagkalayo tayo ng dalawang taon. Sana lang hindi pa huli ang lahat para sa atin.
Pasensya ka na kung ngayon ko lang narealize ito. Pasensya na kung masyadong matagal ang ginugol ko na panahon para ma-realize na mahal pa rin kita at hindi kita kayang mawala sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Scared Heart
RomanceDahil sa isang rule, mapipilitan ang dalawang taong nagmamahalan para mapalayo sa isa't-isa. At sa kanilang pagkakalayo, doon masusubukan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ngunit, anong mangyayari kapag nag-krus and landas nila? Anong mangyayar...