CHAPTER 12: CHRISTMAS PARTY TOGETHER

505 19 0
                                    

Arhianne's P.O.V.

Ang bilis ng araw, Christmas eve na mamaya. Narito ulit kami sa mother house, 'yon nga lang wala si Lola Dina. Nagpunta kasi siya sa Paris para magpasko kasama 'yong iba pa niyang mga anak. Sabi niya e dadalawin na rin daw niya si ate Ericka.

Actually, when I was with ate Ericka in Paris, doon ko nakita kung gaano siya nagbago at kung gaano siya naging mature sa mga sitwasyon. Sa katunayan, siya ang tumulong sa akin na maging malakas at mag-move-on, although never kong sinabi sa kanya na si Zeff 'yong dahilan ng pag-iyak ko gabi-gabi. More than that, I'm glad kasi doon niya nahanap sa Paris 'yong lalaking tanggap siya at kaya siyang panagutan. Ikinasal sila a month before I went back here.

Anyway, hindi umuwi dito sina Tita Vera kasi nga next year pa matatapos lahat ng business nila sa abroad. Kaya heto kami ni Zeivko, magkasamang magpapasko. Kasama din namin sina Bhez Cassy, Jeremy, Drew, Aliyah(Drew's sister), and Dan (Aliyah's bf).

"Bro, ilabas niyo na 'yong drinks jan," narinig kong sigaw ni Zeff, habang nag-iihaw siya ng barbeque. Ako naman, inaayos ko 'yong uupuan namin pati na rin 'yong mesa.

"Coming!" sagot naman ni Drew at maya-maya pa ay lumabas sila na may dalang isang case ng beer at mga wine. Si Cassy at si Aliyah naman ay hawak iyong spaghetti at graham.

"Oh, let's start the party people!" sigaw ni Drew at nilakasan ang speaker.

Nagsayawan na sila habang nakaupo lang ako at pinapanuod sila sa mga pinaggagagawa nila. Para silang mga baliw na nagsasayaw e kokonti lang naman sila. Maya-maya ay may tumabi sa akin at nag-abot ng isaw. Alam talaga niya ang paborito ko.

"Thanks," sabi ko at kinuha na din 'yong isaw.

"No problem. Bakit 'di ka sumayaw kasama sila?" maya-maya ay tanong ni Zeff. Tumawa ako ng bahagya habang ninanamnam ko yong isaw.

"Wala lang. Gusto ko lang kasing panuorin sila. Na-miss ko kayong lahat, Zeivko. Na-miss ko itong bonding natin."

"Pero mas na-miss mo ako," proud na sabi niya tsaka siya umakbay sa akin. And I was like 'kapal naman' face.

"Hmmm, aminin mo,"dagdag pa niya tapos ngingiti-ngiti.

"Feeler," sabi ko naman at nag-cross arms.

"Mahal mo naman," hirit pa niya.

"Che!" singhal ko, biro lang na inis at galit na pagtanggi.

"Hmmm, nahiya ka pa." Tapos ki-niss niya ako sa cheeks.

Aba't talaga bang 'di siya titigil sa pagpapakilig at pagpapaamin sa akin? Nagulat na lang ako nung bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Pero kahit di mo sabihin, ramdam ko naman," sabi niya na mas lalong nagpakilig sa akin.

"Hoy, Lovebirds! Pwede ba, wag kayong magsolo at mag-PDA jan. Tayo na at magsayawan," singit ni Drew.

"Inggit ka lang e," parang batang namimikon na sabi ni Zeff.

"Tsss. Walang kainggit-inggit sa inyo!" sagot naman niya.

"Haha. E bakit ka galit?" hirit na naman ni Zeff.

"Ha-ha, ewan ko sa inyo!" bitter na sabi ni Drew tsaka siya tumalikod at nakipagsayawan ulit. I heard Zeff chuckle.

"Lika na Aianneko, sayaw din tayo. Baka sabihin pa nila KJ tayo e,"he smiled then pulled me gently to dance.

---

11: 50 P.M.

Nagkukwentuhan na kami ngayon at kumakain plus umiinom ng beer at wine. Napagod sila sa kakasayaw. Nasobrahan sila sa pagka-hyper pero na-drain naman. Tapos heto na naman at nagsisimula silang magkulitan at mag-asaran.

"Kuya Drew, wala ka bang napapansin sa setting ngayon?" tanong ni Aliyah sa Kuya niya.

"Huh? Wala naman. Nothing's new here except that Arhianne is here with us today," nagtatakang sagot ni Drew tsaka siya uminom ng beer.

"Ang slow mo na naman Drew. Hindi mo talaga ma-gets ang kapatid mo ano?" sabat naman ni Cassy.

"Ano bang meron?" tanong ni Drew na nakakunot-noo.

"Kuya, can't you see? You're the only one here who doesn't have a partner," Aliyah pointed out.

Nanlaki ang mga mata ni Drew at nabilaukan siya sa kinakain niya. Natawa na lang kami. Umiling-iling muna si Drew bago siya nagseryoso. Nag-antay naman kami ng magandang counter attack na sasabihin niya sa kapatid niya, knowing him, hindi siya magpapatalo kay Aliyah.

"Loko 'to! May girlfriend ako at marami pa. Ayoko nga lang isama dito kasi baka magkaroon ng World War 3 nang di oras," nagyayabang na sagot ni Drew. Napatawa ulit kaming lahat. Pero seryoso pa rin ang mukha ni Drew at tinitignan ang bawat reaksyon namin.

"Wow mahangin yata," sabi ko naman.

"Gusto mo ikuha kita ng jacket?" sarcastic niyang sabi.

"Nagka-goosebumps ako bigla," singit naman ni Aliyah.

"Panginigin pa kita kung gusto mo," Drew retorted.

"Wow Bro. Halata ka na a." Sabi naman ni Dan.

"Halata na ano?" tanong ni Drew.

"Mahangin na nga, bitter pa!" sabay-sabay naming sabi. Pagkaisahan daw ba si Drew. Kawawa naman.

"Sige lang. Magsama-sama kayo at pagkaisahan ako. Ganyan naman lagi e," nagtampo na siya at nagsimulang kumain ng graham.

"Haha. Ito talaga, di na mabiro," sabi naman ni Aliyah at kinurot ang cheeks ng Kuya niya. Ang cute nilang magkapatid.

"Aray naman Iyah! Ang sakit a. Minsan na nga lang akong magtampo e," reklamo naman ni Drew na hinahaplos ang part ng pisngi niya na kinurot ni Aliyah.

"Kidding aside Kuya, why don't you just get yourself a girlfriend and be serious about it." Suhestiyon ni Aliyah.

"Oo nga naman pre, may kakilala ako, baka gusto mo ireto ko sa'yo?" sabi naman ni Jeremy. Umiling si Drew.

"Or gusto mo i-set ka namin sa blind date," dagdag naman ni Cassy. Napabuga siya ng beer, buti walang tao sa harap niya.

"Yong barkada ko bro, pwede rin." Sabi naman ni Dan.

"Errr. Nope," sabi naman ni Drew.

"Wag mong pansinin mga suggestion nila sa'yo Bro, 'yong alok ko na lang. Gusto mo malaman kung sino?" sabi naman ni Zeff.

"Siguraduhin mong matino ang sasabihin mo Bro." pagbabanta ni Drew at nagbukas siya ng isang beer at ininom ito.

"Naman! Well 'yong sinasabi ko e si Ms. Makaykay," pagkasabi niya niyon, napabuga ulit ng beer si Drew, this time umuubo-ubo pa siya at parang susuka.

"Seriously Bro?! Gusto mong pormahan ko 'yong matandang dalaga na makunat na teacher mo sa Trigo noon? Yuck bro! yuck!" nanggagalaiti namang sabi ni Drew na kung maka-describe sa teacher ni Zeff, wagas.

Ito namang si Zeff, hindi matigil sa pagtawa. Kung tumawa parang wala nang bukas. Pati naman 'yong iba tumatawa dahil nga sa naging reaksyon ni Drew.

"Guys, it's 15 seconds less to Christmas," maya-maya ay sabi ni Jeremy na napatingin sa orasan niya.

"Countdown na,"dagdag niya.

"In 10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

MERRY CHRISTMAS!" sabay-sabay naming sigaw at nagkaroon na ng sunod-sunod na tunog ng paputok mula sa ibang bahay. Heto namang si Drew, sinindihan ang mga paputok na sinet-up niya kanina.

"Merry Christmas Aianneko," bati sa akin ni Zeff at kiniss niya ako sa cheeks habang naka-back hug sa akin. Humarap ako sa kanya "Merry Christmas din Zeivko," I greet back and kissed him. Pero smack lang. Niyakap niya naman ako ng mas mahigpit at hinagkan niya ako sa aking noo.

Scared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon