Arhianne's P.O.V.
Tapos na ang long vacation ko at tapos na rin ang sem-break ni Zeff kaya back to normal life kami. Inaamin ko, nami-miss ko siya kahit na tuwing uwian ay nagkikita kami. Nasanay na kasi akong lagi siyang kasama kaya siguro kahit magkalayo kami ng kaunti ay nami-miss ko na siya.
At ngayon nga susunduin niya ako kasi inimbita kami ni Cassy ng double-date kasi gusto daw niyang ipakilala ang new-boyfriend niya tsaka gusto talaga niyang makipag-bonding sa akin. Hindi kasi kami madalas magkita at hindi rin kami madalas magka-usap sa phone dahil busy kami sa work.
Monthsary naman namin ngayon ni Zeff kaya tinanong ko kung ayos lang sa kanya, e pumayag naman siya total bestfriend ko naman daw ang nag-aya.
"Aianneko, may message ako sa'yo!"
Biglang nagsalita 'yong phone ko. Iyan ang message tone ko sa number ni Zeff, siya ang gumawa at naglagay niyan. Natatawa na lang ako sa pinaggagagawa niya. Ang childish pero ang cute. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko sa aking bag upang basahin 'yong message niya.
From: Zeivko
Nainip ka ba sa pag-antay sa akin? Wag kang mag-alala. Anjan na ako in
5
4
3
2
1
At biglang may tumigil na red sportscar sa harapan ko. Bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas ang isang Adonis. Ay boypren ko pala.
"Happy Monthsary Aianneko," bati niya sa akin nang makalapit na siya at nag-abot sa akin ng tatlong Tulips.
"Thanks Zeivko. Happy monthsary din," bati ko naman.
"So shall we?"At nag 'this-way'sign pa siya sa akin.
"Tara."
He opened the door for me. Akala ko magda-drive na siya pagpasok pero bigla siyang lumapit sa akin, dahilan para manigas ako at pinigil ang aking paghinga.
Inayos niya ang seatbelt ko bago siya ngumiti at umayos sa pagkaka-upo.
"Pwede ka nang huminga, mahal ko." biro niya at nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga. Natawa na lamang siya.
"Gusto mo yata akong ma-heart attack e," biro ko naman nang makabawi ako at nagsimula na siyang mag-drive.
"Dibale na, ako pa rin naman ang gagamot sayo e," biro niya pabalik at napatawa na lang ako. Alam kong namumula na ako sa sinasabi niya pero wala na akong paki-alam. Basta ang alam ko, di ko magawang hindi kiligin sa bawat banat ni Zeff Ivhan.
Habang binabagtas namin ang kalye papunta sa mall, panay siya ng tingin sa akin. Naiilang tuloy ako.
"Zeiv?"
"Yeah?"
"Can you please concentrate your eyes on the road? Nakakailang na kasi at baka mabangga pa tayo sa ginagawa mo." Nahihiyang request ko sa kanya.
"I'm sorry. Hindi ko mapigilan e. Bale kasi ang ganda ng Girlfriend ko," sagot naman niya na nakangiti.
"Alam ko na 'yon, matagal na akong maganda." Proud na sabi ko. He chuckled and glanced at me before returning his sight on the road.
~~What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart
BINABASA MO ANG
Scared Heart
RomanceDahil sa isang rule, mapipilitan ang dalawang taong nagmamahalan para mapalayo sa isa't-isa. At sa kanilang pagkakalayo, doon masusubukan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ngunit, anong mangyayari kapag nag-krus and landas nila? Anong mangyayar...