Zeff's P.O.V.
Mabilis lumipas ang mga araw buhat nung maging legal na kami ni Arhianne kina Tita Vera at Tito Alec. Kahit na dalawang buwan na ang lumipas, hindi pa rin ako makapaniwala na okay na ang lahat sa amin ni Arhianne. And now, I'm finally graduating and getting closer to my dreams.
Nagulo nga lang ang happy thoughts ko dahil napakaingay nitong mga katabi ko. Graduation namin ngayon at papatapos na ang ceremony kaya lahat siguro ay excited. Ako man ay excited na lumabas at yakapin si Lola Dina kasi para sa kaniya 'yong diploma ko at gusto ko ring ipakita kay Arhianne na sa wakas ay naka-graduate na ako dahil sa kaniya.
Pagkatapos ng sampung minuto, natapos na rin ang closing remarks. Agad ko namang hinanap sina Lola Dina, Arhianne, Tita Vera, and Tito Alec. Kasama na pala nila that time sina Drew with his parents.
"Congratulations, Zeivko,"sigaw ni Aianneko at tumakbo papunta sa akin; agad siyang yumakap sa akin at binalik ko naman iyon nang mas mahigpit.
"Thank you Aianneko," sabi ko naman.
Kumalas kami sa yakap ng isa't-isa at lumapit kina Lola.
"La, para sa'yo," nakangiting sabi ko at inilahad ko sa kanya ang diploma ko. Nangilid naman ang mga luha sa mga mata niya kaya niyakap ko siya at sinabing huwag umiyak; hindi naman siya makapagsalita dala ng kasiyahan.
Sila Tita Vera at Tito Alec pati na ang mga magulang ni Drew ay puro congrats at happy graduation sa akin. Bago kami umalis ng school, nag-picture-taking muna kami. Nung matapos iyon, umuwi na kami sa bahay dahil doon ang celebration namin ni Drew. Gusto kasi ni Lola na isahan na lang daw para mas masaya.
Habang nagpaparty-party sila, nilapitan ako ni Aianneko.
"For you," may inilahad sa akin na box si Aianneko. Kinuha ko naman iyon.
"Thank you,"sabi ko sabay bukas sa medium size na box.
When I opened it, my jaw dropped and my eyes widened. Ito kasi 'yong watch na gustong-gusto kong bilhin sa Paris nung nagkaroon ng trip to Paris ang family namin with of course the rest of our family friends, the time nung kinakaya pa naming itago 'yong relationship namin ni Arhianne.
"Sorry kung ngayon ko lang nabigay iyan sa'yo." Sabi niya at napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako at hinatak ko siya palapit sa akin at niyakap siya nang mahigpit.
"Ang mahalaga, nabigay mo sa akin. Thank you mahal ko, I liked it," bulong ko sa kanya.
"May isa pa akong gift," nakangiting sabi niya at binigyan niya ako ng pilyang tingin.
"Ano 'yon?" tanong ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanyang mga mata.
"Ito," sabi niya at bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya. Then our lips met, it was a deep and gentle one.
---
Pagkatapos ng graduation ay ang review at Board Exam naman ang hinarap ko. Nung nakapasa ako sa Board Exam, kinuha ako ng AV Company bilang official architect para sa expansion ng branches ng company. Kasabay niyon ay ang pagbubukas nila ng firm para sa mga Architect at Engineers dahil ang bagong project nila ay ang magdesign at magpatayo ng mga building.
Kasama ko rin si Drew na nakuha sa work, as an Engineer.
Masaya ako sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko. Lalo pa't lagi ko nang kasama si Arhianne. I could not ask for more. Masaya at kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon.
At dahil nga break ko ngayon, pupuntahan ko muna si Arhianne para silipin kung tapos na ang photoshoot nila. Sana tapos na 'yong photoshoot para sabay na kaming mag-lunch, hindi na naman kasi kami nakapagsabay nung nakalipas na dalawang araw. Pagka-bukas ko ng pinto, may hindi kanais-nais na bagay ang nahagip ang mga mata ko. My Arhianne is with a guy na walang damit pang-itaas. What the?!
---
Arhianne's P.O.V.
Tumingin ako sa relo ko, 10 mins. na lang, lunch time na. Natapos na rin itong photoshoot, thank God. Kailangan na lang nilang mag-fix sa mga damit na ginamit ng mga models.
"Miss Arhianne," tawag sa akin ni Yex, isa siya sa mga models naming bago na na-cast last week.
"Yes?" tugon ko at napatingin ako sa gawi niya habang papalapit siya sa akin.
"Uhm, you see I'm still new here. I was wondering kung kumusta 'yong performance ko," naiilang at nahihiya niyang tanong.
"Well, maayos naman 'yong performance mo today kaso medyo parang nahihiya ka pa. Look at your picture, dapat maging confident ka na dalhin ang damit mo. Dapat confident ka din sa itsura mo kahit ano pa ang style ng suot mo. Dapat matuto ka na bumagay—"napatigil ako nung may biglang umakbay sa akin.
"Hello, love." Sabi ni Zeff.
"Oh? Andito ka?" tanong ko naman.
"Sinusundo na kita. Lunch na tayo," sagot niya na nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Anong nangyayari dito?
"Ahm, Miss Arhianne. Balik na ako sa dressing room. Thank you pala sa pag-correct sa akin," singit ni Yex na nahihiya.
"It's not correction. It's more of a friendly advice. Anyway, you did well today," sabi ko naman habang nakangiti.
"Thanks. I'll keep that in mind. I'll go first," sabi niya bago siya tuluyang umalis. Tinanggal ko naman ang pagkaka-akbay ni Zeff sa akin at hinarap ko siya.
"Bakit ka ba nandito? May 10 mins. pa before lunch ah," tanong ko ulit kay Zeff. Umiwas naman siya ng tingin at hinawakan lang ang kamay ko.
"Tara na, gutom na ako e," aya niya at lumabas na kami. Anong mayroon sa taong ito ngayon?
---
Zeff's P.O.V.
Shet! Napahiya ako doon. Kala ko kasi nilalandi nung Yex na 'yon si Arhianne e kay bago-bago lang niya dito sa company. Pero mali pala ako, yon pala binigyan lang ng friendly advice ni Arhianne. Pasensya na, grabe ako magselos e.
"Hoy Zeff. Kanina ka pa hindi nagsasalita jan. May problema ba?" sita sa akin niya habang kumakain kami. Anong sasabihin ko? Alangan namang sabihin ko na nagselos ako kanina pero wala namang dapat ika-selos doon.
"W-wala naman, kumain ka na lang,"sabi ko para iwasan ang iba pang itatanong niya. Hindi ako titigilan nito hangga't hindi ako nagsasabi ng totoo e.
"Why don't you just admit that you're jealous a while back?" pabulong niyang sabi pero sapat na iyon para marinig ko. Nakatingin nga lang siya sa pagkain niya at hinahati ang choco pao na in-order niya. Ito na nga bang sinasabi ko e.
"N-nagseselos? Ako? H-hindi kaya,"puno ng pagtatanggi na sabi ko kahit na hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. But I saw her from the corner of my eye grinning.
"Okay, sabi mo e," sabi niya at nagkibit-balikat.
"HINDI. NGA. AKO. NAGSESELOS." Pagdidiin ko.
"Oh? Ano ba sinabi ko? Okay sabi ko naman ah," nang-aasar niyang sabi. Okay, there's no point in denying it. Halata na rin naman ako, aaminin ko na lang.
"Fine. Nagselos ako kanina. Ikaw ba naman ang makita ang gf mo na may kausap na lalaking walang saplot pang-itaas, anong mararamdaman mo. E kaso nung malaman ko iyong nangyari, mali pala ako. Napahiya pa ako. Kala ko naman kasi kung nakikipag-flirt 'yong Yex na 'yon sa'yo," I admitted; humagalpak naman siya sa tawa.
"Haha. Nga naman 'tong seloso kong boyfriend. Alam mo namang nasa sa'yo lang ang mata at puso ko," natatawa pa rin niyang komento.
"Hindi naman maiiwasan 'yon tsaka possessive ako e," depensa ko naman.
"Haha. Oo na, sige na. Kumain na nga tayo. Yon lang pala issue mo e." She said pagkatapos ay kumain na siya doon sa kalahati nung choco pao. Sinubuan niya naman ako ng malaking parte at muntik na akong mabulunan.
Mahilig talagang man-trip ang Aianneko kapag kumakain kami.
BINABASA MO ANG
Scared Heart
RomanceDahil sa isang rule, mapipilitan ang dalawang taong nagmamahalan para mapalayo sa isa't-isa. At sa kanilang pagkakalayo, doon masusubukan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ngunit, anong mangyayari kapag nag-krus and landas nila? Anong mangyayar...