6 months after Arhianne's proposal
Zeff's P.O.V.
Kinakabahan ako; ganito pala ang feeling ng ikakasal. More than that, hindi alam ni Arhianne na ngayon ang aming kasal. Aba! Kung siya idol ang Jamich, ako naman idol ko ang Zoren-Carmina. Kaya heto, naghanda ako ng isang surprise wedding para kay Arhianne. Ito 'yong dream wedding niya. Bali kasi di pa kami nagpaplano tungkol sa gusto naming mangyari sa kasal. Ewan ko, naghihintayan siguro kami kung sino ang unang mag i-initiate tsaka napaka-busy pa rin namin dahil nag-expand na ang AV Company. Gusto ko namang bumawi sa pag-propose niya sa akin at gusto kong maging sobrang memorable ang kasal namin.
6:50 P.M. na. Mamayang 7:00 ang kasal. Wala pa si Arhianne kaya mas kinakabahan ako. Kung maaari lang sana ay ayoko na ng kapalpakan o kung ano mang pwedeng makasira sa amin. Ayoko na ng masakit na pangyayari, gusto ko lang maging masaya at gusto ko lang mapasaya ang taong mahal ko kasi ito ang pinangako ko hindi lang kina Tita Vera pero pati na rin sa sarili ko.
---
Arhianne's P.O.V.
Bakit kaya kinakabahan ako? E photoshoot lang naman ito para sa Cover ng magazine namin. Dahil ba first time ko sa ganitong bagay? O dahil nakasuot ako ngayon ng wedding dress na ako mismo ang nag-design, isama mo pa na ito 'yong gusto kong isuot sa kasal namin ni Zeff. Hindi nila alam pero ito talaga iyong dream wedding dress ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit hinayaan ko na lang na tahiin nila ang dress na ito at idisplay para sa mga gustong ikasal at naghahanap ng magandang dress.
Nasaan naman daw kaya 'yong groom ko?
"Bhez, mag-ready ka na ha. Naroon na daw sa area si Zeff, may inasikaso kasi siya. Alam mo naman ang Architect, pati ang site kailangang ayusin. Tara na," bigla ay nagsalita si Cassy.
"Yup. E bakit nakabihis ka rin?" Nagtatakang tanong ko naman.
"Duh. Hindi ba nila sinabi sa'yo na kasama ako sa photoshoot? Kasi nga wedding ang concept ng magazine diba? Grabe ka Bhez ha, hindi mo ba nakikita na pangmodel rin ang face ko?" natatawa niyang sagot at natawa na lang din ako. Hindi ko nga pala tinignan 'yong listahan ng mga kasali sa photoshoot dahil nga busy ako sa pagche-check kung kompleto na lahat nang wardrobe.
"Uhm. Tara na nga lang," sabi ko habang nakangiti.
---
Zeff's P.O.V.
"Bro, she's here. Standby na. And Relax." Drew informed me habang nakaposition na siya sa tabi ko. Napatingin ako sa mga guest at nakita ko rin si Dad kasama si Lola Dina, nakangiti sila pareho at binigyan nila ako ng thumbs up.
Maya-maya pa ay natanaw ko na si Arhianne. She seemed to be shocked. Then the song played, On This Day by David Pomeranz. Agad namang lumapit sa kanya sina Tita Vera at Tito Alec. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Nagsimula naman nang magmartsa ang mga guest at primary sponsors namin. Karamihan sa kanila ay ang mga family-friends namin. After that, the flower girls positioned themselves at nagsaboy na ng mga tulip petals sa sahig, as my beautiful bride march down the aisle.
Arhianne's P.O.V.
Anong nangyayari dito? Bakit nakadisenyo ito sa isang Garden wedding? Anong...Paaanong...ang daming tanong ang pumasok sa isip ko na hindi ko magawang mailarawan o masabi man lang nang maayos. Tapos nakita ko sina Zeff at Drew sa harap.
Maya-maya pa ay nag-play na ang kantang "On this Day" ni David Pomeranz. Seriously, what's going on? Hindi ako maka-react. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan.
Papalapit na ako ng papalapit kay Zeff kasama sila Tito at Tita. Natapos naman ang kanta at isa na namang kanta ang nag-play. One and Only You by Parokya ni Edgar.
BINABASA MO ANG
Scared Heart
Lãng mạnDahil sa isang rule, mapipilitan ang dalawang taong nagmamahalan para mapalayo sa isa't-isa. At sa kanilang pagkakalayo, doon masusubukan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ngunit, anong mangyayari kapag nag-krus and landas nila? Anong mangyayar...