Arhianne's P.O.V.
Isang buong linggo na pala akong nagtatrabaho dito sa clothing line ng kompanya. Inaamin ko na masaya ako sa trabaho ko at inaamin ko na ito talaga ang bagay na hindi ko ipagpapalit kahit na anong mangyari.
"Ma'am Arhianne, pwede po bang pakitignan itong kakatapos ko lang na tahiing dress. Sa inyo daw po itong design sabi ni Sir Alec," Nilapitan ako ng isa sa mga tailor at inaya ako sa pwesto niya. Lumaki ang mata ko sa nakita ko, napaka-elegante ng kanyang tinahi. Hindi ito ang ine-expect ko na finished product at inaamin ko na may binago siya sa design na siyang ikinaganda ng dress.
"Naubusuan po kasi ako ng beads e sa susunod na lingo pa daw po 'yong shipping kaya nag-embroider na lang po ako bilang improvised beads. Ayos lang po ba?" nahihiya niyang tugon nang makita niyang sa embroidered part ako nakatingin. Ang tangi ko lang naisagot ay thumbs-up at malawak na ngiti.
"Ibig sabihin po ba niyan ay nagustuhan niyo ang pagkakatahi?"
"Super! Ang ganda at ang elegante po. Nagustuhan ko po 'yong tela na ginamit niyo at nagustuhan ko rin 'yong creativity niyo sa pag-improvise. Over-all, nakaka-impress po," pag-amin ko at nakita ko sa mga mata niya ang saya.
"Naku Ma'am, tinahi ko lang po ang kung anong ibinigay niyong design, kayo po ang may gawa niyan at hindi ako." Nakaramdam din ako ng tuwa sa sinabi niya at hindi ko maikakaila na ngayon lang ako nakarinig ng ganoon.
"Tayo po, tayo po ang may gawa niyan." Sabi ko na lamang dahil purong katotohanan naman talaga ang sinabi ko.
"Sige po Ma'am, sisimulan ko na po itong kakabigay lang na design. Ayaw ko rin pong maabala kayo sa iba niyong gagawin." Tumango na lamang ako at naglakad na papunta sa opisina ko pagkatapos kong tapunan ng huling tingin at ngiti ang dress.
Nakakapanibago na baguhan pa lang ako ay may opisina na ako pero anong magagawa ko, masyadong mapilit sila Tita na doon ako magtrabaho para naman daw makapag-concentrate ako.
Pagdating ko sa opisina, may nakalapag na namang red tulip sa mesa ko.
Kinuha ko iyon at binasa ang nakalagay na note.
"I know that tulips are not as romantic and as equally loved like roses but you know why I like them? It's because this tulip means Arhianne and Arhianne is just right for me."-Zeiv
Isang buong week na akong nakakatanggap ng Tulips mula kay 'ZEIV' na walang iba kundi si Zeff Ivhan Villacruz. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari at sa pinaggagagawa niya.
Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko kapag nalaman ito nila Tita. Kakausapin ko na talaga si Zeff kahit na ayaw ko muna siyang harapin. Kailangan ko nang linawin ang mga bagay-bagay sa pagitan naming dalawa para tumigil na siya.
BINABASA MO ANG
Scared Heart
RomanceDahil sa isang rule, mapipilitan ang dalawang taong nagmamahalan para mapalayo sa isa't-isa. At sa kanilang pagkakalayo, doon masusubukan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ngunit, anong mangyayari kapag nag-krus and landas nila? Anong mangyayar...